2

6 1 0
                                    

"Are you okay?"

"I'll call the doctor."si papa

Bungad iyon nina mama ng magising ako sa hospital,masakit pa rin ang ulo ko kaya tango lang ang naisagot ko sa tanong niya.

"What happened? Did you remember something? Kaya ba sumakit ang ulo mo? The doctor said you're fine but I can't help being worried about you. Did you forced yourself again? Jusko naman Eli!"

Pumikit ulit ako.

Parang masisira ata eardrum ko.

"Oh gosh!"

"Tita, kakagising lang po ni Eli, baka po nagugutom na siya."

"Oh right, you have to eat, I'm not done with you! Will you give her some water, hannah? I'll be back."Nagmamadali itong umalis.

Napa buntong hininga ako.

"Are you okay?" Si hannah at binigyan ako ng basong tubig, tumango naman ako at kinuha iyon.

I don't want to worry them anymore kaya hindi ko na sinabing sumasakit pa ang ulo ko.

"Nag-aalala lang si tita, she witnessed how traumatized you were. You should be careful next time at wag mong piliting makaalala." Paalala pa nito agad naman akong umiling.

I didn't force myself kusa lang itong bumalik, sa tingin ko masyado lang itong mabigat para sakin kaya ako nawalan ng malay.

umupo ako para sana ipaliwanag ang side ko at makuwento na rin ang naalala ng biglang bumakas ang pinto at pumasok si papa kasama ang doctor ko.

Wala tuloy akong nagawa kundi humiga ulit at ipagpaliban ang kwento dahil nagsimula na sila sa pagcheck sakin.

I answered all of their questions hanggang sa matapos sila kaya ng sa wakas ay natapos na nga sila at nakalabas na ay bumaling ang tingin ko kay hannah.

I want to tell her about what I remembered, baka may maisagot siya sakin. Alam ko namang wala akong makukuha kapag ikinwento ko pa kay mama.

Magpapanic lang iyon.

"Hannah--"

Naiinis akong napapikit ng muling bumukas ang pinto at pumasok si ethan.

"Eli! Okay kana ba? Tinawag----"napatigil siya ng makita ang tingin ko, agad niyang tinaas ang kamay at unti unting umatras palabas.

Nang tuluyang sumara ang pinto agad akong hinawakan ang kamay ni hannah at hinila ito paupo sa tabi ko, napatili na lang ito.

"What is it? Kanina kapa ah?" Natatawang sabi ni hannah at interasadong umayos ng upo paharap sakin.

"So...remember the guy I've been dreaming for months?" Sabi ko at tumango naman siya. "I saw him!"

"T-that impossible--- where?" Nangunot ang noo ko sa reaksyon ni hannah pero agad kong binalewala iyon para ikuwento ang nangyari.

She groaned after hearing my story.

"Muntik na! I think bumabalik na ang alaala ko, but it's weird. No one told me anything about this guy, I heard his voice, and alam mo ba yung feeling na parang namimiss mo siya? I don't know!"

I feel excited and confused at the same time.

"You're too excited for someone who lost their memories. Hindi kaba natatakot sa maaalala mo?" She asked seriously kaya nawala ang excitement ko.

She's right but it's my memory. Napa buntong hininga ako.

"You know how much I want to remember, this is not just for me but also for the people around me. There's nothing to be afraid of." Mahinahong sabi.

Pinayagan akong makalabas ng hospital parehong araw na iyon pero pinagbawalan naman akong lumabas ni mama sa bahay.

I was bored the whole time na nasa bahay lang ako kung hindi pa dahil kay hannah na pumupunta sa bahay baka nabaliw nako.

"Why don't we go to the beach? Summer na naman. It's also good for Eli."papa suggested isang gabi na kumakain kami.

Agad akong na excite, I look at mama with so much expectation, please I want to get out of this house!

"I guess that's fine." Tumango ito ng makita ang tingin ko. "Next week, then."

I did a little 'yes' before looking at papa, he winked at me kaya mas lalo akong napa ngiti.

"Better clear your schedule for a week or two."

"Can I invite hannah?"excited kong tanong.

I noticed how my father went silent kaya napatingin ako sa kaniya.

"Syempre naman, anak. You can also invite ethan and  some of your friends if you want." Si mama kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya. "I don't want you to be bored with just us."

"Then I'll invite hannah!"

Kaya pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay agad akong dumeretso sa kwarto at tinawagan si hannah.

"You have to come with us! Pretty please!"

"You still remember that I have work, right?" Agad napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Yup! I still remember that you have a 'thing'  with your boss." Ngisi ko hindi siya agad naka sagot kaya natawa ako. "what was his name again? keiron?"

I saw her once blush when her boss called her akala ko wala lang but when her voice changed while talking to him? oh my gosh sino 'to?

"Helleer Mr. Lim, yesh! I'm eating with my frieennd. Ekeew? Eme!" I imitated the way she talk to him at malakas ma tumawa.

"S-SHUT IT GAGA! I-I don't have a 'thing' with him!" Depensa pa niya pero tinawanan ko lang.

"Introduce him to me next time, okay? Gusto kong makilala kung anong klaseng tao ang nagpatunaw sa mala yelo mong puso!" Kantyaw ko pa--- hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong minura pero tawa lang naman ang sinasagot ko sa kaniya.

"I know you're recieving a special treatment sa kaniya kaya sige naa! Kung gusto niya pwede naman siyang sumama." Sabi ko pa pero mura lang ulit ang natanggap ko mula sa kaniya.

"Tama na nga! Masyado ka ng madaldal, Sige na sige na! I'll took a two weeks leave! And for your information hindi ako nakakatanggap ng special treatment. Mababawasan na naman ang sweldo ko nito." Reklamo nito

"Yey! Thanks lalabs make sure to give him a goodbye kiss before leaving byee love you!" I tease her for the last time before hanging up.

Natawa na naman ako ng maimagine ang mukha ni hannah, she's probably pissed. Ihahanda ko na ang katawan ko kapag nagkita kami. I'll probably receive  a beating from her.

Atleast I'll get to enjoy the beach next week.

paghindi pa talaga ako nakalabas ng bahay baka mabulok na ako dito.

Salamat na lang talaga kay papa.

Maybe I'll start recommending some good places kay mama. Ayoko namang mag ibang bansa kaya boracay would be nice or tagaytay, I don't know if I already went to palawan but it does ring a bell.

kung pwede lang lahat pupuntahan ko e.

Let's just enjoy this vacation.

______

Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now