8

21 3 0
                                    

bored akong tumingin sa tinuturo niyang topic naming noong mga nakaraang araw,  mabilis ko lang nakuha ang mga iyon kaya hindi siya nahirapan sa pagtuturo pero nabobored lang ako sa sobrang dali ng mga 'yon.

pero hindi ko naman siya mapigilan dahil mukhang sisisihin at pagagalitan niya ako kapag may nasayang na oras.

masungit pa naman 'to.

ang totoo balak ko lang naman talaga mang fish ng information tungkol sa kaniya, masyado siyang masikreto, wala akong masyadong alam tungkol sa kaniya, matalino rin siya, gwapo, maganda ngumiti, cute, yon lang alam ko tungkol sa kaniya.

"bakit ka nga pala lumipat ng school" nang sa wakas nag karoon kami nang oras para makapag usap habang may pinapagawa siyang  assignment na dapat pala naming ipasa bukas ng umaga.

hindi ko man lang alam huhu.

ayan kasi panay titig lang sa pogi hindi nakikinig.

"bakit?dapat ba may rason bago lumipat?"

"nagtatanong lang pilosopo,"ngumiwi ako "so? bakit nga?"

"no reason..."binaling ko ang tingin sa kaniya at tinaasan siya nang kilay nagdududa dahil mukha siyang may tinatago. "hindi ko sasabihin kaya taposin mo na yan." 

"aray!" masama ko siyang tinignan at hinimas ang noo kong pinitik niya. "ang sama mo! oh ayan tapos na." 

tinulak ko palapit sa kaniya ang notebook ko tinignan lang niya iyon at sinarado na. 

"tignan na lang natin score mo bukas. I still have things to do kaya mauuna na ako." halos sumabit ako sa bag niya nang hilahin ko ito para pigilan siya sa pag-alis, nagtataka naman itong napalingon sakin.

napapahiya naman ako ng ngumiti kaniya at binitawan ang bag niya.

"ah sorry, sige uuwi na rin ak---" hindi pala babalik pa nga pala ako sa track para kunin ang skateboard kong naiwan dahil sumabay ako sa kotse ng poging to. " ah hindi mauna kana pala." 

 "where are you going?" naningkit ang mata niya nang tignan ako kaya inayos ko na lang ang gamit ko at pinasok na sa bag.

"sa track lang---"

"I'll take you there, then."

"Ha? akala ko ba may gagawin ka pa?"tumayo na ako at sinuot ang bag ko.

"I insist, and it's already 6. "tumango na lang ako at lumabas na ng café.

sumakay kami sa kotse niya, napangiti pa ako ng pagbuksan ako nito ng pinto na hindi naman niya madalas gawin dahil mas nauuna pa ako laging sumakay sa kaniya. "Ano bang gagawin mo doon?"

"May kukunin lang, uuwi din naman agad ako."tinignan ko siya

Ang pogi niya tignan sa driver seat, hawak nang isa niyang kamay ang manibela habang ang isa naman ay nasa gear.

"Marami ka bang kilala doon?"tanong ko

"Mga kaibigan lang."

"Madalas ka din ba sa track? Ngayon lang ata kita nakita doon."

"Ngayon lang din ako pumupunta doon."

Madami pa akong tinanong sa kaniya hanggang sa makarating kami nang track agad akong bumaba, hinintay ko siya bago naglakad papasok

"Eli! Lalaro ka?" Nakasalubong namin si leil at si jayden, mukhang palabas na nang track.

"Hindi may kukunin lang, may laro ba?"

"Kung magaaya ka, game ako!"tinaas si jayden ang kamay at ngumisi "tingin ko maglalaro rin si eve."

"Hindi na,"iling ko at binalingan si jake"Puntahan mo na ang pupuntahan mo magkita na lang ulit tayo dito."

"Get your things, ihahatid kita pagkatapos." Tinanguan niya ang mga kasama ko bago siya umalis, hindi ko na nakita kung saan siya lumiko dahil marami pa rin ang mga tao, mas dadami pa ito mamayang madaling araw.

"Bebe mo?"kuryosong tanong ni leil at sinilip pa si jake.

"pogi ba? baka soon!" biro ko at natawa. 

"pwet mo! ano nga?"

"kaibigan lang!"

"May kaibigan bang hinahatid sunod? Maliban na lang kung..." nginisihan niya ako at tinaas baba ang kilay.

Para tuloy siyang tanga.

"Manliligaw mo?"

Napabuntong hininga na lang ako.

"Nasaan si amer?"

"Yieee manliligaw ngaaaa!! hoy si eli magkakajowa na!!!!" Biglang sigaw ni leil marami napatingin sa pwesto namin kaya agad ko siyang inambahan ng suntok.

"Gaga! Nakisabay lang ako, pumupunta talaga yon dito wag kang maissue beh!"sabi ko at mahina siyang sinabunutan.

"Nasa loob si amer, naglilinis ng bike."si jayden ang sumagot nang tanong tumango na lang ako at kumaway na sakanila bago pumasok.

"AMEERRRRR!!!"Sigaw ko pagkapasok ng kwarto kung nasaan si amer.

"ANO BA YONNN!!" Nagulat ako ng bigla siyang sumulpot sa gilid ko at sumigaw din

Bwesit na baklang to, ang sakit sa tenga ang tinis pa naman nang boses niya!

"Yung skateboard ko nasaan?"sabi ko at ngumiwi ng makita ang madumi niyang itsura, tinuro niya ang skateboard ko, kinuha ko iyon at sinuri. "Bakit ikaw pa ang gumagawa niyan? Ba't hindi mo ipalinis kay rhyno?"

"Day off niya ngayon, sige na wag kang istorbo alis na alis na!"sigaw nito at sinenyasan akong umalis na, napasinghap na lang ako at inirapan siya.

"Babalik ako!"

"May laro sa linggo, madaling araw game kaba?"

"Titignan ko!"sabi ko at nakatalikod na kumaway bago sinarado ang pinto.

Sinakyan ko ang skateboard at nililibot ang tingin para hanapin si jake, binabati ko ang mga kakilalang nadadaanan habang dahan dahang nagiiskate.

Hindi ako sigurado kung tapos na siya kaya nakigulo ako sa mga nanonood ng laro, nagpupustahan pa lang sila mukhang magsisimula pa lang ang laro.

nakita ko si eve na naka angkas sa motor niya, isa ata siya sa maglalaro.

"Hoy gabi!"sigaw ko para tawagin siya agad naman siyang lumingon sa pwesto ko.

"ELIIII!!"

"Pagnanalo ka libre moko ah? Goodluck!"sigaw ko at kumaway, natawa ako ng hinawakan niya ang bandang dibdib at umaktong mamamatay, tinukso pa siya ng mga kaibigan.

Mga baliw!

"Pagnanalo ako kiss moko ah!" Napangiwi ako at tinaasan siya ng gitnang daliri.

"Binabawi ko na goodluck ko!"sabi ko at umalis na doon kahit naririnig ko ang sigaw ni eve, natawa na lang ako.

"Eli," agad akong napangiti ng makita sa wakas si jake.

"Nandito ka lang pala---oh? Hi Ivan!" Kumaway ako kay Ivan na nasa likod niya.

Isa sa nakalaban ko rin dati sa racing at kaibigan ni jayden.

"Yo! Kamusta---"

"Let's talk again next time. call me if you found something, we have to go!"biglang singit ni jake at hinawakan ang braso ko para igiya palabas ng track.

"Oh Sige, jam next time!" Sumaludo si Ivan sakin pero hindi ko na napansin dahil na distract na ako sa hawak ni jake, hindi ko sana papansinin ang kaso bumaba na ang hawak niya sa kamay ko.

Para akong mahihimatay sa kaba, parang kinuryente and buong katawan ko nang magtama ang mga daliri namin.

"H-hoy teka nga!"kinakabahan akong napabitaw sa kaniya nang makaharap na sa sasakyan niya, mukhang pati siya ay nagulat sa ginawa.

"Sorry, ihahatid na kita." Sabi niya at binuksan ang pinto, sandali ko siyang tinignan pero hindi na siya makatingin kaya tumango ako at sumakay na sa sasakyan niya.

______

Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now