30

13 3 0
                                    

Sumasakit na ang ulo ko dahil sa init sa field, ang daming taong nakapila sa stall namin puro mga babae bibili daw ng pagkain, e alam ko namang si Ethan lang naman dinayo nila rito.

Maliban sa isa ko pang kaklase na si raiko na isa pang crush ng bayan, may pakulo pa kasing ginawa si pres bago magstart ang program kanina.

Free picture with you favorite person or crush kapag bibili samin, bali parang naging dalawa ang theme namin, streetfoods lang naman dapat ang benta namin biglang nagka photobooth.

Sapilitan din naming kinukuha o mas tamang sabihin na kinikidnap namin ang mga crush ng buyers namin para lang sa 1 take picture.

Maraming beses din akong nahila doon dahil sa mga lalaking buyers,meron din namang mga babae na gustong mag pa picture sakin at okay lang naman pero nag aalala ako na baka makarating kay jake ang balita. Lagot tayo diyan!

Instant artista din tuloy ako. Syempre naman no sa ganda ko ba namang to.

"Oh eli ikaw daw ulit!"

Ako na naman?

"Ethan next! Hoy Rey paki kidnap nga kay jake Adler sa engineering building, section C-3 daw!"

Halos mabali ang leeg ko ng marinig ang pangalan ni jake, nilingon ko ang mga babaeng nagbungisngisan na nakapila at hindi ko mapigilang samaan sila ng tingin kahit hindi naman nakatingin.

Off limits yon hoy!

Aba!

"Eli halika muna!" Si pres kaya lumapit ako doon kahit na muntik ng mabadtrip sa mga babae.

Well normal naman kasi 'yon pogi naman kasi ang boyfriend ko! Sinong hindi magkakagusto doon? Buti na lang ako girlfriend no'n, kung hindi nako sayang siya.

I tried my best not to make my smile looks fake in front of the camera, pagkatapos doon ay nagthankyou ako sa mga customer bago bumalik sa pwesto ko.

"Badtrip ka? Boyfriend mo 'yon diba?" Nakangising si ethan ang nasa tabi ko, mukhang nang aasar.

"Shut up ethan."bulong ko at inirapan siya.

"PRES! BAWAL DAW SI JAKE ADLER BAKA MAGALIT DAW YUNG JOWA!" bumalik si Rey sigaw iyon, narinig ko ang asaran sa grupo ng mga babae kaya umiwas ako ng tingin.

Namumula dahil sa sagot ni jake. Why do he have to say that! Grabe ang loyal niya habang ako kanina pa pabalik balik doon para makipag picture sa mga customer.

Huhu sorry mahal!

"Pres pwedeng ako din bibili?" Si ethan habang nakataas ang kamay, naghiyawan ang mga taong naroon dahil sa kaniya.

Binalingan niya ako at bigla na lang kumindat, agad naman ang pagngiwi ko.

Kaya nagdadalawang isip man.

"Ako din pres bibili." Sigaw ko at muling naghiyawan ang naroon.

"Ohhh sure, omg our most famous crush ng bayan mag ka-crush reveal?" Sigaw bigla ni pres. "So sino kaya ang naka bihag ng puso ng ating mga heartthrob? By the way later na kayo mga beh taposin niyo muna ang shift niyo."

Habang nagsasalita si pres ay kinuha ko ang cellphone para itext si jake pero bumungad ang text niya sakin.

From:jakeyy♡

Someone wanted to kidnap me just a while ago, it's from your club right? Picture raw, but I said No. Call me if you're done, I love you.

Napangisi ako at nagtipa ng sagot.

To:jakeyy♡

Yup! Gusto ko nga sanang magreklamo nung narinig ko ang pangalan mo, but what can I do? Well...I might do something to her later Lol! anyway let's do it, I'll buy something to eat. Let's take a picture sa stall namin, i love you love!

I put the phone down to the table para harapin na muna ang ginagawa namin.

Oras na namin sa pagaayos ng pila at pagkuha ng mga ticket nila para sa photobooth, malapit na naman kaming matapos sa shift kaya excited na ako, makakapag pahinga rin sa wakas.

i saw jake nearing our booth kaya napangiti ako at kumaway, nakita ko rin ang paglingon ni ethan pero hindi ko na pinansin dahil nakita ko na naman ang ngiti ni jake. sinenyasan ko siyang sandali lang at nagmadali na sa ginagawa.

halos mapasigaw ako ng 'yes' nung natapos kami sa shift, makakalapit din sa poging naghihintay sakin.

"pagod nako!" I pouted in front of jake kaya hinila niya ako at niyakap pero agad akong kumalas, baka naman ang baho ko na nakakahiya naman sa amoy niyang amoy expensive.

"ishh magbibihis muna ako!" sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya saka tumakbo pabalik sa booth para kunin ang bag ko, kinuha ko ang damit na gagamitin at lumabas na ulit sa booth, naroon pa rin sa dating pwesto si jake at nakitang may mga kasama na ito, it was the same group na kasama niya sa group project niya last time, napataas ang kilay ko ng makita ang malanding paghaplos ng babae sa braso ni jake, tumatawa sila sa kung ano kaya nagmamadali na akong lumapit.

It was an obvious move, she likes my adi.

"babe." tawag ko kay jake kaya agad itong lumingon at lumapit sakin he held my waist and hug me again ang kulit talaga, sandali kong tinignan ang mga kasama niya at ngumiti sa kanila bago hinarap ulit si jake, hindi ko pinansin o tinignan man lang ang babaeng kasama nila, like hindi niya deserve ng atensyon ko." can you accompany to the bathroom, magbibihis lang ako."

"sure love," nilingon niya ang mga kasama at nagpaalam muna doon "I'll see you later."

nauna na akong tumalikod at naglakad palayo sumunod naman si jake.

"your're done right? let's have a date." tumango ako kay jake at pilit na lumalayo dahil kanina pa niya inaamoy ang buhok ko.

baka amoy araw na ako beh!

pagkatapos kong magbihis halos maligo ako sa pabango dahil sa pauli ulit na pag spray, ayoko ng patagalin pa ang paghihintay ni jake sa labas kaya inayos ko na ang gamit ko at lumabas na.

"let's gooo! sa booth muna namin, let's take pictures."masayang sabi ko at hinila na siya pabalik sa booth. babawi lang ako, ang dami kong ginawang kasalanan kanina eh.

kunti na lang mga nakalinya siguro dahil wala na ang mga heartthrobs nila dito, iniwan ko muna si jake para pumila kahit ilang beses niyang sinabi na siya na ang bibili buti na lang napapayag ko. nang ako na ang sumunod sa pila hinarap ako ng kaklase kong si trina sa tabi niya ang isa pa naming kaklase na si mason.

"hi beh anong bibilhin mo?" tinawanan ko muna siya bago umorder ng pagkain. " style nito gusto lang magpapicture sa crush niya eh."

"siya pa nga mismo nagdala ng crush niya." sabat ni mason,

I put my index finger on my lips.

"wag niyo kong ibuking beh!" tinawanan nila ako at binigyan na ng ticket.

"che! doon kana nga! sanaall may jowaa."natatawa akong umalis doon sa pila.

"mason si trina nagpaparinig!" asar ko nairinig ako ng iba pa naming kaklase dahilan ng tuksuhan doon.

"uyyy ano yan!!!"

"trina and mason wooohh trison ikulong na yann!"

"trison di papakabog!"

sorry na agad!

"tangina niyo!"si trina na namumula na, napangisi na lang ako at pumila na sa photobooth.

"ang kulit din, what are you a cupid" si jake ng bumalik ako sa kaniya, hinawakan niya ang kamay ko at sandali itong hinalikan bago kinuha ang ticket na nasa kabilang kamay ko.

"kung alam ko lang ako sana ang nauna." biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. "it's fine, if I can't be the first then I'll be last one. so promise me one thing, love wala ng iba pagkatapos ko."

kung ganoon alam niya.

"promise adi ikaw lang. ikaw lang palagi." I smiled my most genuine smile ever.

________

Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now