28

10 2 0
                                    

Nakaharap ako sa salamin habang sinusuot ang bago naming uniform, our new skirt is a bit short pero kaya naman.

Sunod kong sinuot ang foot sock at school shoes namin, ang taas pa naman ng takong nito, hindi sana ako matapilok mamaya.

Hindi ko na pinansin iyon at binibit na ang bag ko palabas, ayoko namang paghintayin pa ang pogi kong sundo.

Pero syempre bago lumabas nagspray ako pabango, pangit naman kung siya pogi na mabango habang ako maganda lang.

Tinawanan ko ang sariling kalokohan bago lumabas.

"Goodmorning!"bati ko ng makita silang nakaupo sa terrace umiinom ng kape si papa habang kausap si jake, si mama naman ay nasa madalas niyang pwesto, sa harap ng mga halaman niya.

"Goodmorning hija!"si papa at tinuro ang pagkain sa hapag, ayokong kumain ng kanin kaya nakikain ako sa kinakain nilang pancake, I asked manang for a coffee na agad namang sumunod.

"Goodmorning adi!" Ngumiti ako sa kaniya, I offered him my pancake pero tumango lang siya. Ayaw atang kumain ng bebe ko.

"Bilisan mo na at kanina pa naghihintay iyang si jake, malalate kayo." Si mama kaya tumango ako.

"I heard bumalik na ng Australia ang pamilya mo, hijo?"napabaling ako kay papa ng itanong niya iyon.

"For the family's safety po." Sagot ni jake at tumingin sakin kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Wala ka bang balak sumunod?" Halos pigilan ko ang paghinga sa tanong ni papa, mas mariin kong tinitigan si jake, waiting for his answer, pero iling lang ang sinagot niya bago tumingin sakin at ngumiti.

"I'll just visit them tito."sagot nito hindi ko alam pero hindi nawala ang bigat ng nararamdaman ko kahit ganon na ang sinabi ni jake.

Hindi tuloy ako makausap ng maayos dahil doon, kahit noong umalis na kami ni jake, walang imik lang akong pumasok sa sasakyan niya, kahit sa pagbukas ng pinto ng kotse niya inunahan ko na kahit kita ko ang pagmamadali niyang pagbaba para buksan iyon para sakin.

Nauuna rin ako sa paglalakad kahit pilit niyang sumabay sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako bigla. Wala namang rason para maging ganito sa kaniya.

"Eli." Hindi ko pinansin ang tawag ni jake at kumaway na lang sa mga kaibigang nasa gate lang. "Love?"

Naipikit ko ang mata at pinagsalubong ang kilay ko. Trying to calm myself. Ilang beses pa akong bumuntong hininga bago hinarap si jake.

"Hmm?" Ngumiti ako sa kaniya kahit pilit sinubukan ko.

"What's wrong?"marahan niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya.

Napanguso ako. Ayokong makipag away sa kaniya pero hindi ko mapigilan ang pagtatampo.

Ang dami niyang tinatagong sekreto at ayokong pilitin siyang sabihin sakin pero ayoko rin namang hindi siya nagsasabi sakin.

I can keep a secret too. Hindi naman ako ganoon ka chismosa at ipagsasabi ko sa iba ang sekreto niya.

"Can we talk? Please?"hinawakan niya ang pisngi ko at bahagyang pinisil ang kamay, muli tuloy akong napabuntong hininga at tumango sa kaniya.

Sinenyasan ko ang mga kaibigan na mauna na tumango lang naman ang mga ito kaya bumaling ulit ako kay jake at hinila siya pabalik sa kotse niya.

"Can you tell me what's wrong? Let's talk about it."marahan ang pagkakasabi niya n'on na parang pinapakalma ako. "Are you mad?"

"You're keeping too many secret from me."I said straight to the point, nalungkot ako nong hindi agad siya sumagot.

I knew it. He's not ready to share his secrets with me. Wala siyang tiwala sakin. Hindi enough na girlfriend niya ako para sabihin ang mga sekreto niya.

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now