23

14 2 0
                                    

casa de la familia adler

Iyon ang nakasulat sa malaking gate nila jake. Ang ganda!

I kissed tita karen na siyang sumalubong samin pagkarating namin sa mansion nila, mataas na hagdan pa ang inakyat namin hanggang sa makarating kami sa harap ng kaniyang ina na nasa harap lang rin ng malaking pinto nila. ngayon lang ako nakapunta rito at sobrang mangha ako ng makita ang malaking mansyon nila.

Sobrang ganda at ang lawak talaga niya, may ilang kilometrong layo pa ang gate nila mula sa mismong mansion, may nakita rin akong fountain sa harap, and a little cupid on the top spouting water.

Hindi pa ako nakakamove on sa pagkamangha sa gate nila ng dumaan ang mata ko sa garden nilang sobrang lawak na puno ng magagandang bulaklak, at puno ng pine trees sa magkabilaang bahagi ng kanilang pader na ang tataas.

Sobrang dami ring gwardya ang naka palibot at paikot ikot sa loob at labas ng mansyon ang nakita ko, kahit daga o ipis ata ay hindi makakapasok sa loob.

"Goodmorning sir jake and miss eli." Napatingin ako sa isang lalaking naka suot ng suit at isang eye round glass sa kaliwa niyang mata as in isa lang talaga, may hawak din siyang puting lampin na naka sabit sa braso niya, para siyang business man kung hindi ko lang nakikita ang mga napapanood kong mayordomo, may mga babaeng nakasuot ng pangmaid ang nasa likod niya.

Ang pormal nilang tignan kaya mas lalo akong namangha, napangiti rin ako ng malaman na alam niya ang pangalan ko.

"I'm glad you're finally here darling! Nandito na rin ang mga pinsan ninyo, go introduce her to them jake tatawagin ko lang ang dad mo." Si tita hinaplos ang likod ko at ngumiti, bago kami mahinang tinulak ni jake papasok.

Sandali pa kaming nagpaalam sa kaniya ng umakyat ito sa isang engrandeng hagdan, napatulala ako roon.

"Let's go!" Tumingin si jake sakin kaya tumango ako, isang beses ko pa munang nilingon ang mayordomo nila bago sumunod sa kay jake.

Nilibot ko ang tingin at namamangha sa mga mwebles na nandoon, maging ang mga painting na nakasabit ay ang gaganda, gold at brown ang kulay ng kanilang mansion. Mukha siyang makaluma pero elegante pa ring tignan.

"Ilan ang pinsan mong nandito?" Tanong ko hindi agad siya nakasagot ng makarinig kami ng ingay mula sa kung saan na tingin ko'y tanggapan nila.

"Probably five." Ngumiti siya

Pumasok kami sa isang nakabukas na pinto at nakita ang mga pinsan niya doon. lima nga sila dalawang babae, at tatlong lalaki.

"Ohhhhh!" Sabay sabay pa silang limang nag 'oh' nang makita kaming pumasok.

"Hey handsome, how's life?"sabi ng isang matangkad at maputing babae, blonde ang straight niyang buhok para siyang modelo ng forever 21.

"Haven't seen you for a while bro!" Sabi naman isang matangkad at morenong lalaki, unang tingin mo pa lang mahahalata mo ng isa siyang traveler, mukhang kakagaling niya lang sa isang bakasyon at balak na naman magbakasyon ulit.

Ang isang babaeng kasama nila ay mukhang tahimik lang talaga at hindi palasalita pero ngumiti naman siya ng makitang tumingin ako sa kaniya.

Ang dalawang lalaki naman ay busy sa hawak nilang cellphone. kambal ata dahil magkamukhang magkamukha sila. sandali lang kami nilang tinignan at tinanguan bago binalik ang tingin sa hawak na cellphone, naglalaro. mukhang nag aaway pa sila.

"I'm good, how about you?" Napatingin ako kay jake, kumpara sa mga nandito ngayon mas lumalamang ang kapogian ng bebe ko.

"Same old, same old! Anyway this is?" Bigla akong tinuro ng pinsan niyang lalaking nagsalita kanina.

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now