33

13 3 0
                                    


Kasama ko ang mga kaibigan at nanonood kami ng movie ng biglang tumunog ang cellphone ko, it was harper calling me face time.

Sinagot ko ang tawag.

"Hey beautiful lady, I hope I'm not disturbing you!"panimula niya dahilan ng sabay sabay na pagtingin ng mga kaibigan sakin.

Sabay sabay pa ang paglingon nila sa pwesto ko, para silang nakakita ng pagkain. Interesado talaga ang mga gaga kapag tungkol sa lalaki.

"What do you want playboy?" Ngiwi ko ng lumapit ang mga ito.

"Ohh nothing I just have something to show you." Natatawa nitong sabi at binaliktad ang camera, nangunot ang noo ko ng makita si jake na nakahiga na sa isang sofa at lasing na lasing, mukhang nasa bar parin sila. "He's looking for you, ayaw umuwi ng wala ka eh."

"Bring eli to me pleasee!"biglang sigaw ni jake narinig ko ang malakas na tawa ng mga pinsan niya sa kabilang linya kaya natawa din ako "Hey call my baby!" He grab one of his cousin's collar, mukha pa siyang manununtok, nakita ko ang pagpigil ni hannah sa kaniya at sinubukan itong paupoin.

"Jake bro! Nandito si eli." Si harper hinarap ang phone sa kaniya.

Ang cute ni jake malasing!

"Where?" Kumalma ito at papikit pikit na ng hinarap ang phone na hawak ni harper. "Babiii someone's keep touching me, I don't want to be here anymoree."

Tumawa ako ng makitang paiyak na siya.

"Loveee I want to see youuu!"

"Cheesyyy oh my god! Someone please take a video of this guy! I'll expose this shitty cheesy cousin of mine!" Sigaw ni amanda na mukhang lasing na rin.

Mas lalo akong natawa, nakinood na rin sa tabi ko ang mga kaibigan at natawa na rin sa itsura ni jake.

"Stop it guys! Uuwi na tayo."si hannah.

"No! I WANT ELI WITH ME." Sigaw ni jake at kumapit pa sa sofa na parang ayaw talaga umalis.

"Mave fcking rick tumayo ka diyan! Mashiro oh shit! Aeron help them up! Damn this twin!"

"Come on, man we need to go home, naghihintay ang asawa ko sakin."

"Just fcking go home ty!"

Naawa ako sa sitwasyon nila kaya tumayo na ako at nagdesisyon na sunduin na si jake, mukhang marami silang kailangan bitbitin pagnagkataon.

"You're boyfriend is so damn stubborn miss, you should come here and pick this up." Si harper ng muling hinarap ang telepono niya.

"Pupunta ako."

"That's good to hear, we'll wait for you." Binaba ko na ang tawag at hinarap ang mga kaibigan.

"I have no choice, babawi ako! Promise!" Sabi ko sa kanila.

"Hindi ka naman namin pipigilan beh." Tumawa si amy tumango naman ang dalawa.

"Siguraduhin mo lang na babawi ka next time." Si nath

"Ihahatid kana namin, wala ng sakayan nito magaalas dos na." Si yancy at tumayo. "Nakita ko pogi yung pinsan ni jake."

Napangiwi ako kaya naman pala nagvolunteer, may poging nakita.

"Ay true!" Biglaang tayo ng dalawa pa kaya natawa na ako at nagbihis na nga kami hindi na ako nagtaka ng makita ang effort nila sa pag aayos ng sarili. Ilang ulit ko pa silang sinuway dahil masyado na kaming natatagalan.

Hinatid nga nila ako papunta sa sinabing bar, nasa labas na sila ng makarating kami. Akay akay si jake na pasuray na maglakad at halos hindi na nga makatayo. He's damn wasted.

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now