13

11 2 0
                                    


Nakatingin lang ako kay jake nang lumabas ito.

"Eve wag na pala!"binulong ko iyon sa cellphone ko saka pinatay kahit narinig ko pang may sinabi si eve.

Lumabas na rin ako at hinanap si jake, nakita ko siyang naghihitay sa labas ng makita ako ay muli siyang naglakad, wala naman akong magawa kaya sumunod na sa kaniya.

Kinakabahan man sa loob ko ay sobrang saya at excitement ang nararamdaman ko dahil kinausap niya ulit ako, ayaw ata akong mabaliw ni tadhana, sayang ganda ko no!

"What do you wanna eat?" Halos manginig ako dahil sa lamig ng pagkakasabi niya nun, hindi tuloy ako nakasagot agad kaya lumingon ito sakin. 

muntik na akong matapilok sa paglalakad dahil sa biglang lingon niya.

napatigil naman ito at akmang hahawakan ako pero ewan ko kung anong nangyari sa kaniya ng bigla itong tumigil, dali dali naman akong napaayos ng tayo.

"Uh ano-- Uhm teka ano bang magandang kainin---uh tama ramen na lang!" Awkward akong napangiti sa kaniya bago umiwas ng tingin.

"Ramen then," sabi niya at tumalikod, agad naman akong nakahinga ng maluwag.

Nang makarating kami sa cafeteria dumeretso siya sa counter at pumila, agad naman akong sumunod. alam kong libre to, kailan ba niya ko pinagbayad?

"Uhm ako na magbabayad!" Pero susubukan ko pa rin nakakahiya lang kasi lalo na at medyo hindi kami ayos.

Aba kahit papaano may natitirang hiya pa rin sa katawan ko no, kahit mataas minsan pride ko!

Minsan pa nga!

"It's fine, maupo kana lang."napanguso ako ng hindi man lang niya ako tinignan.

"KKB na lang!"pagpipilit ko pero umiling lang siya.

"O sige sa drinks na lang!" Ngumiti ako para epektib pero hindi niya ako pinansin.

"Gusto mo ba ng dessert?"

"Ayoko!"

"Bibili ako ng streetfoods pagkatapos nito, gusto mo din ba?"

"No."

Nakarating na kami sa ateng nagtitindi pero puro tanggi lang ang natatanggap ko mula sa kaniya, napanguso na lang ako, halos batokan ko na siya kakatanggi.

Parang nangyari na to ah.

Pilit ko inabot ang bayad sa kay ateng nagtitinda pero inalis ni jake iyon at binigay ang pera niya.

Wala akong nagawa ng maibigay ang order namin at binitbit niya iyon papunta sa isang mesa, sumunod na lang ako.

Padabog naman akong naupo sa harap niya, sandali niya akong tinignan pero naiinis ako kaya hindi ko siya tinignan kahit sandali rin akong natigil sa paghinga.

Tinuon ko ang pansin sa pagkain nasa harap.

"Ano bang sasabihin mo?"tanong ko hindi siya tinignan.

"Let's eat first,"

Napangiwi ako pero hindi na nagsalita at kumain na lang. 

walang imikan kaming natapos kumain, pinagkrus ko ang mga braso at sumandal sa inuupuan saka ko siya tinignan.

"Oh ano na?"

Akmang magsasalita na siya ng magring ang cellphone niya. Istorbo tsk! Umirap ako ng tinignan niya ako pagkakuha ng telepono.

"Excuse me... It's my dad." Sabi niya napalabi ako at tumango lang sa kaniya, akala ko aalis siya kaya nagulat ako nang sinagot niya iyon sa harap ko habang nakatingin sakin.

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now