6

27 3 0
                                    

Buong klase wala akong ginawa kundi tignan ang ginagawa nang katabi ko.

Hindi siya tumitingin sakin at patuloy lang sa pagsusulat nang sinusulat ng prof. sa board.

Napangiwi ako ng makita ang sulat kamay niya.

"Ang pangit ng sulat mo."napatingin siya sakin dahil sa sinabi ko, tinaasan niya lang ako ng kilay bago binalik ang tingin sa binder niya at nagsulat ulit.

Nahiga ako sa lamesa ko at tinitigan siya.

Gwapo siya, maputi, matangos ang ilong, maganda rin ang pula at heart shape niyang labi, mukha siyang inosente sa unang tingin, ang mata niyang dark brown ay hindi nakalagpas sa paningin ko maging ang mahaba niyang pilikmata.

Napanguso ako ng maisip na mas maganda pa siguro siya sakin pag naging babae, natawa ako sa sariling naisip.

"Hindi ba ako matutunaw sa ginagawa mo, miss?"

Natawa ako bago umirap at binaling ang ulo sa bintana.

Natapos ang klase at lunch time na kumaway lang ako mga kaibigan bago sumakay sa skateboard ko palabas ng school.

"Lunch pass kuya! Balik ako bago mag 1!"binigay ko ang lunch pass ko sa guard at nagmadali nang magskate.

Late kaya ako? Anong oras na ba?

Nang makarating tinignan ko agad ang paligid at napangiwi nang marinig ang ingay.

Mukhang nagsimula na, Damn!

Kinuha ko ang skateboard at nagmadali nang pumasok sa loob.

"Susmaryosep Amelia! Late kana! Bilis suot mo na to!" Kinuha ko kay Amer ang suot na binigay niya bago dumeretso sa banyo, nang matapos ay agad na kaming tumakbo palapit sa motor kong hinahanda na.

"Oh? Ngayon ka lang?"si jayden at inayos ang buhok kong nagulo.

"Tagal ng out."sabi ko at nakipag apir sa mga kaibigan.

"Helmet par!"binigay ni leil ang helmet ko at agad ko namang kinuha at sinuot

"HANDA NA BA ANG LAHAAATT"napalingon kami sa stage ng sumigaw na ang emcee "We'll start the first round of the motor racing in a minute so everybody take your seats!!!!!"

"ELI! ELI! ELI!"

pinaandar ko ang motor at nagsimula ng patakbuhin ito papalapit sa starting line.

"Yo els!"

"Eve!"nakipag kamay ako sa dating kaibigan maging sa mga kalaban.

"Date tayo pagnanalo ako!"si evron pero nginiwian ko lang siya at inilingan.

"Pass!may pasok pako."

"Sneaky kid!"

Tinaasan ko lang siya nang gitnang daliri at hinanda na ang sarili para sa race.

One of my hobbies is drag racing/auto racing, madalas ako dito kapag walang klase, importante ang araw nato ngayon dahil may laro ako at malaki ang premyo ng mananalo, malaking event din ito dahil may bagong motor na pinopromote ang may ari nang track.

Narinig kong iyon ata ang ipepremyo sa laro ngayon kaya hindi ako nagdalawang isip na sumali.

"GOOOOOOO!!" Putok ng baril ang narinig namin saka nagsimulang pinatakbo ang motor, narinig ko ang sigawan ng mga tao.

I did my best to win hindi ako tumigil sa pag hand grip at mas matulin pang binilisan ang pagpatakbo, natatawa ako kapag may nagtatangkang ibunggo ang motor nila sakin.

"Ano na evron!"tumawa ako nang sa wakas nakatabi ito sakin.

"Fck you eli!" Tinawanan ko lang siya at nauna na ulit hindi na hinintay ang nakasunod.

Tinapos ko ang laro nang hindi man lang pinagpawisan.

"Galing!!!!"

"ELI! ELI! ELI!"

nagsigawan ang lahat ng manalo ako.

Natawa na lang ako ng batiin ng nga kakilala, nakipag kamay ako sa mga tao.

Pagkatapos ng lahat doon at kinuha ko na ang skateboard at palabas na sana ng track ng may makitang pamilyar sakin.

"Is it jake the transferee?" Ngiwi ko ng makitang may mga kausap itong taga track.

Tatalikod na sana ako ng magtama ang mata natin, tumango siya sakin kaya nangunot ang noo ko at napangiwi.

Nakita kong nagpaalam siya sa kasama at naglakad papalapit sakin, I don't know why pero nanatili akong nakatayo roon at hinintay siyang makalapit sa akin. why am I even waiting for him? 

Napalunok ako ng makita ang deretso nitong tingin sakin.

W-what now? Tinignan ko ang magkabilang gilid ko at likod kung may tao ba doon pero wala naman.

I've never been this nervous my whole life! damn!

"Hey..." he flashes a gummy smile that made my tose shake a bit. "Nice game!"

HE LOOK SO DAMN CUTE!

Kahit na ganoon hindi ko pinahalata ang naging reaksyon ko sa kaniya.

"Thanks! Ge alis nako."nginisihan ko siya at tumalikod na.

Sumakay na ako sa skateboard ko at nakangising pinatakbo iyon pabalik ng school.

Such a nice day.

____

Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now