25

16 3 0
                                    

Bagsak kaming lahat ng makapag pahinga kaya hapon na ng magising kami.

Malaki ang bahay, at sobrang ganda ng loob, maraming kwarto, vintage design.

Akala ko pa noong una magshashare ako ng kwarto sa mga pinsang babae ni jake pero mas marami pala ang kwarto sa inaasahan ko.

Isang malapad na kwarto ang binigay nila sakin, malapad ang kama, at ganoon din ang bathroom, sa balcony matatanaw ang napaka gandang dagat.

Malapit ng lumubog ang araw. The color of yellow, orange, and red are invading the sky, half of the sun hiding in the end of the sea was the view in the balcony.

I heard some giggles from the seaside kaya napatingin ako roon.

Naroon ang mga pinsan ni jake naglalaro ng volleyball, hindi ko nakita si jake doon kaya tinignan ko pa sa ibang bahagi pero wala parin.

Naisip kong bumaba na lang.

I change my clothes into an off shoulder chiffon white beach maxi dress, then my white beach sandals.

Hindi ko na naisip tignan ang sarili sa salamin at bumaba na, hahanapin ko pa si jake.

Muntik pa'kong maligaw kung hindi ko pa nakasalubong ang batang si milo.

"Hi!"tawag ko kaya napatingin siya sakin.

"Maganda hapon po."

"Ikaw si milo hindi ba?"tanong ko at tinignan ang hawak niyang isang petsel ng juice.

"Opo, may kailangan po ba kayo? Babalik po ako ihahatid ko lang ito kay ma'am amanda..."sabi niya pipigilan ko na sana siya pero agad na itong tumakbo.

"Dahan dahan!" Pahabol ko ng makitang muntik pa siyang matapilok, buti na lang hindi naman siya natumba at hawak niyang mabuti ang petsel.

Ako kinakahaban sa batang 'yon jusko!

Sinundan ko na lang kung saan siya pumunta buti na lang at papunta rin iyon ng sala kaya napahinga ako ng malalim at naupo na lang muna doon.

Wala pa ring tao roon, mukhang nasa labas silang lahat, sigurado naman akong wala si tito at tita dahil nagpaalam ang mag asawa na may aasikasohin.

Hindi ako sigurado kung nasaan si jake. Hindi ko alam kung nasaan ang kwarto niya, ayaw ko rin namang puntahan, kinakabahan ako sa makikita ko sa kwarto niya. Lol!

Napabaling ako sa pinto ng marinig ang nagmamadaling maliliit na yapak, napangiti ako ng makita si milo, hinihingal pa siya ng makita ako at lumapit sakin.

"Ma'am nandito na po ako..." sabi niya napanguso ako.

"ate eli! Call me ate eli. ayoko ng tinatawag akong ma'am." Sabi ko at ginulo ang buhok niya, hindi agad siya sumagot pero dahan dahan ding tumango.

"Ate eli..."

Tinignan ko ang paligid para hanapin ang mga kapatid niya pero wala sila roon.

"Ah!" Napatingin ako sa kaniya. "Ate eli! Opo tama po! Sabi po ni sir jake kumain po kayo pag nagising na kayo!" Muli para siyang natataranta ng tignan ako.

Natatawa kong inabot sa kaniya ang kamay ko agad namang niya kinuha at sinubukan pa akong hilahin kaya tumayo na ako at sumama sa kaniya.

Akala ko dederetso kami sa kusina pero hinila niya ako palabas ng bahay, tama namang dumating ang kapatid niyang babaeng si Eva.

"M-milo anong ginagawa mo--" hinila niya ang kapatid para mabitawan ako, tumingin siya sa akin. "Pasensiya na po ma'am."

Tingin ko nasa 15 years old na si eva, maikli ang buhok niya at morena, maganda rin siya. Ganon rin ang kulay ni milo at ng ibang mga kapatid nila mukhang sanay sa arawan. Magaganda ang lahi.

"Ayos lang, nagpapasama rin ako kay milo."sabi ko at ngumiti sa kaniya, I don't want to intimidate them kaya nginingitian ko sila, sa pamilya kasi nila jake ang intimidating nilang tignan kaya paniguradong natatakot sa kanila itong mga bata.

I told her to call me ate eli rin, sabi hindi niya hindi raw pwede dahil iyon ang turo ng mama nila sa kaniya pero tinanggihan ko iyon.

I want them to be casual with me, gusto kong ituring nila akong parang kaibigan lang. Kahit makulit si Eva at pilit pa rin akong tinatawag na ma'am, hindi ko na pinansin.

"Nakita niyo ang kuya jake niyo?"tanong ko  tumingin sakin si eva.

"Sumama po siya kay sir jackson, kasama rin po nila si madam karen, hindi ko po alam kung saan sila pumunta. Si nanay na lang po ang tanongin ninyo."napangiti ako ng seryoso iyong sinagot ni eva.

Hinatid nila ako sa resto at agad namang sinerve ang pagkain ko, ang bibilis ng mga galaw nila, napabilis rin tuloy ang galaw ko sa pagkain.

Nakalabas na ako sa resto hindi pa rin nakakabalik sina jake, kanina pa ako iniwan nina milo at eva dahil may gagawin pa raw ang mga ito.

Ilang oras ang tinagal ng pagkabored ko dahil wala pa rin si jake, hindi ako mapakali kung sa bahay lang kaya sinubukan ko na ring gawin ang pwede gawin sa isla.

Nakapagswimming na ako, nakipag usap na rin ako sa mga pinsan niya pero hindi rin nagtagal dahil nagdesisyon silang matutulog na muna, kaya ako naman ay tumambay na muna sa tent, sa harap ko ay malaking bonfire, medyo madilim na at bukas na ang mga ilaw pero wala pa rin sila jake.

kanina pa pabalik balik si milo at isa pa niyang kapatid na lalaking si leo para lagyan ng pang gatong ang bonfire, hinahatidan rin nila ako ng mga snacks kahit sabi ko ay wag na.

Nag aalala ako sa kanila ni jake hindi ko man nabilang pero ilang oras na rin

kanina ko pa hawak ang cellphone at hanggang ngayon hindi siya tumatawag o nagtetext man lang kaya mas lalo akong nag aalala.

Napabuntong hininga ako.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa tent, hahanapin ko si milo at makikipag laro na lang sa kaniya.

Tingin ko hindi na naman sila busy kasi tulog na ang mga pinsan ni jake.

"Ate Eli! Ate Eli! Ate Eli!!!"sunod sunod ang sigaw ni milo habang tumatakbo, sa likod niya ay may sumusunod na malaking aso.

Isang border collie ang humahabol kay milo.

"Nandito na po si sir jake! Si leila po!"excited niyang sigaw ng makalapit sakin at tinuro ang asong kasama niya.

"Leila?"tanong ko hinawakan ko ang ulo ng aso ng lumapit ito sakin.

"Opo! Siya po ang alaga ni sir jake!" Excited niyang sabi kaya natawa ako at hinarap ang asong si leila.

"Hi leila!" Nakiliti ako ng dilaan nito ang kamay ko, pinangigilan ko ang malambot nito buhok.

"Eli!" Narinig ko ang sigaw ni jake kaya napatayo ako at tinignan ang direksyon niya, nagulat pa ako ng sinalubong niya ako ng yakap habang hinihingal pa galing sa pag takbo.

Tumatawa siya at mukhang excited sa kung anong hindi ko alam.

"Ang tagal mo." Mahina kong sabi at pabiro siyang hinampas.

"I missed you." Bulong niya, hindi ako nagsalita at napangiti na lang.

Mukhang okay naman siya, mukha rin siyang masaya, at wala dapat na ipagalala.

I was worried for nothing at all.

"Welcome back..."

____

Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now