Voice 5

1.8K 87 21
                                    


~Sting~

Nandito kami ngayon sa cafeteria, as usual sigawan na naman nang mga estudyante pati nga yung mga crew sa counter nagsisitili rin

Dito kami naka-upo sa pwesto talaga namin. May naka sulat pa nga na 'Hashtagx Reserved'

Oh diba? San kapa

"Guys! ang papanget naman nung mga transferee students kala ko mga chix kasi galing ibang bansa" pagbubukas ng topic ni Tyler habang umiinom ng coke in can

"Yeah! hindi bagay sa kagwapuhan ko" singit ni Max na kumakain ng burger

"Sabi ko sa inyo eh! baka mag sisi kayo" panunukso naman sa kanila ni Trevor

"Pero wait Trev? pano mo nalaman?" tanong ni Kiel na naglalagay ng sauce sa pizza nya

"Nabasa ko lang sa story ni Ms. Dyosangcleopatra na 'JUST A DREAM' Kasi sabi dun nanaginip yung bidang babae tapos nagkatotoo. So ako nanaginip ako na magkakaroon daw tayo ng mga kaklaseng NERDS"

"Wow ha! Tumugma?" sabi ni Tyler tapos nagsitawanan sila

"Pero Kiel? pwede naman sila maging pampalipas oras, right?" sabi ko sa kanya

"Hahaha! right" sabay kindat nito then nag appear kaming dalawa

Maya maya biglang tumahimik sa loob ng cafeteria

"Anyare?" tanong ko

"Look" nguso naman ni Max sa likuran ko, paglingon ko

"Oh! Speaking of pampalipas oras. Nandito na sila"

~Suredele~

Pagkatapos ng 1st period breaktime na. Unang tumayo si Peyton sumunod si Francie at sabay naman kami nina Shay at Mavis na tumayo. Lumabas kami ng classroom at naglakad papuntang cafeteria. Malayo pa kami pero rinig na rinig mo na ang nakakabinging sigwan ng mga estudyante yung iba nga makikita mo pang nag fo-food fight dahil full glass ang dingding ng cafeteria ng Vermillion High. Pero pagpasok namin tumahimik ang lahat, lahat sila ay napatingin sa direksyon namin pero tuloy tuloy parin sa paglalakad si Peyton hanggang sa makarating kami sa counter. Mablis kaming pumili ng kakainin dahil yung crew sa counter ay kulang na lang sipain kami palabas dahil sa mga titig na binibigay nya.

Naghanap kami ng bakanteng pwesto at lucky us! meron pang bakante. Naglakad kami papunta dun ng biglang

*Boogssshh*

"Oh! No, my dress!" sabi ni Shay na naka upo sa sahig habang tinutulungang itayo ni Mavis at Francie.

"Ano bang problema mo? Bakit mo pinatid yung kaibigan ko ha?" galit kong sigaw dun sa babaeng pumatid kay Shay. Tumayo sya sa pagkaka-upo at tinaasan ako ng kilay.

"My problem? You! *turo sa akin* You! *turo kay Shay* All of you! Ang papanget nyo mga RUTHLESS NERDS" at may diin talagang sinigaw ang 'Ruthless Nerds' handa na sana akong sabunutan sya. Ngunit pinigilan ako ni Peyton.

"Don't mind her" sabi nya sa akin at tiningnan nya naman yung babaeng naka smirk.

"Hey miss I Don't know who you are but let me tell something. Next time, kung naghahanap ka ng pagti-tripan siguraduhin mong MAS maganda ka. Nakakawala kasi yan nangdigninidad eh. Pabida." then nag walkout na kami at dumiretso dun sa bakanteng table

"You okay, Shay?" mahinang tanong ni Peyton. Baka kasi may makarinig samin nag nod lang naman si Shay habang pinupunasan yung sarili nya na puno ng ketchup, spaghetti kasi yung inorder nya.

"Sort of!" pahabol nya. Tumuloy nalang kami sa pagkain. Binalikan ko naman ng tingin yung babaeng pumatid kay Shay at pinakyuhan sya. Masyadong improkita ang gaga.

Habang kumakain kami may 'somethings missing' na sinabi si Peyton.

"Huh? ano naman yun?" tanong ni Mavis

"Walang ketchup! Look, siopao yung binili ko right. Miss ko kayang kumain nito." sagot naman ng huli

"Wait! kukuha na lang ako dun sa counter." sabi ni Francie tatayo na sana sya kaso nga lang biglang may sumulpot na lalaki sa dadaanan nya

"Here ketchup." Alok ni Sting kay Peyton agad naman namin narinig ang mga boses ng mga mamamayan sa loob nang cafeteria.

"Gosh! bakit nya binibigyan ng ketchup yung panget na nerd na yun?" rinig kong sabi ng isang babae na naka upo sa isang mesa na di kalayuan samin. Agad naman akong bumulong kay Peyton na kunin na nya.

Duh! Di porket panget kami. Di na kami lalapitan ng mga gwapong nilalang na to. Teka? sinabi ko bang GWAPO? Duh. A-S-A

"Ok thanks!" sabi ni Peyton

"Your welcome miss" sabay ngiti ng stunggorilyang Sting nang Hashtagx. Pero nagtaka ako dahil hindi pa rin sya umaalis sa table namin

"Ano? may ibibigay ka pa ba?" tugon ko sa kanya na naka taas pa yung kilay

"Wala na!" then tumalikod na sya nung nag decide nang maglagay ng ketchup si Peyton, pag queeze nya

*Pweeekk*

"Eww!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sigaw ni Peyton. Dahil imbis na sa siopao malalagay yung ketchup ay napunta sa mukha nya dahil may butas pala dun sa ilalim ng lalagyan nang etchup.

"HAHAHAHAHAHAHAH"

"PELINGERA KASI"

"ASSUMERA SI PANGET"

Napuno ng halakhakan at kantyawan ang buong cafeteria.

"Oh my Gosh!" sabi ni Francie at Shay habang tinutulungang punasan si Peyton. .

Pero dahil punong-puno na talaga ako kinuha ko yung buko juice na in-order ko at naglakad sa table ng Hashtagx kung saan sila nagtatawanan. Mabilis akong naglakad sa likod ni Sting at ibinuhos ko sa ulo nya ang dala kong buko juice.

O____O lahat ng tao sa cafeteria

"WHAT THE-" mabilis namang tumayo si Sting at hinarap ako ng nanlilisik nyang mga mata.

"NEXT! TIME! KUNG WALA KANG MAGAWA SA BUHAY MO. MAGBIGTI KA! HINDI YUNG MANG TI-TRIP KA NG IBANG TAONG WALANG ATRASO SAYO! WALANGYA!" buong lakas kong sigaw sa pagmumukha nya. Tulala naman syang nakatingin sa akin pati yung mga kasama nya .

Akmang susuntukin ko na sana sya. Kaso dumating si Mavis

"Sammy let's go." hila nya sa akin palabas ng cafeteria.

"I'll make Sure! magbabayad kayo Hashtagx!" bulong ko sa sarili ko

Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon