Voice 14

1.1K 65 15
                                    


~TYLER~ 

Pagkatapos ng deal thinggy na yun kami na ang unang umalis sa gym. Habang nasa corridor kaming lima pinag-usapan naman namin kung seryoso ba yung deal deal na yun at sabi naman ni Kiel 'Im dead seroius'

"Pero what if hindi sila sumipot?" tanong ni Sting na naka-akbay sa akin. Tumigil naman si Kiel sa paglalakad at humarap sa aming apat na nasahulihan nya

"Simple lang pag hindi sila sumipot gagawin nating buhay impyerno ang buhay nila dito sa Vermillion High at magiging utusan natin sila hanggang kailan natin gusto" sagot nito at ngumisi.

"Teka hindi ba parang sobra naman yun?" pag-aalalang sagot ni Trevor na nilalagay yung libro nyang binabasa kanina sa loob ng bag nya at hinubad ang suot nyang glasses

"Sobra? Tsk! mas sobra yung ginawa nila kay Sting. Ang lakas ng loob nila na gawin yun sa kanya" seryoso paring sabi ni Kiel at tuluyan ng pinagpatuloy ang paglalakad

"Mas okay na yun pampalipas oras" sabi ni Max

"At may utusan pa" biglang dugtong ni Trevor


Tingnan mo tong isang to. Kani kanina lang di nag-a-agree tapos ngayon OO na. Haaayyy! Sa loob talaga ang kulo nito

"Wala pang bayad" natatawang sabi ni Sting

"Kuripot ka kasi Sting" - pang-iinsulto naman ni Max tiningnan naman sya ni Sting ng masama

"Grabe sya O?" taas kilay na react ni Sting (Guuuys! alam na! yung mga nagkakagusto kay STING!! BAKLA PO SI STING IDOL SI VICE GANDA!!! JOKE ^_____^V)

At nagtawanan na lang kami sa gitna ng corridor. But in my second thought? Haaay! Kawawa naman sila. Sila pa yung nakitang pagtripan? Pero to be honest, excited ako!

.

.

.

.

Magkaroon ng alalay.

~SUREDELE~

Pagkatapos mag-usap ni Peyton at Kiel pinauna muna namin silang umalis bago kami lumabas. Hindi na namin pinag-usapan yung nangyari kanina hanggang sa matapos ang klase. Sa sasakyan tahimik rin kami hanggang sa pagdating naming sa Condo ganun pa rin. Nagtataka kayo kung bakit kami magkasama sa iisang bubong? Kasi yung mga pamilya namin palaging busy sa mgakani-kanilang negosyo. Simula nung mabuo tong grupo na to kay manager Lucy na nila kami inabilin Chaaar!!makapag 'inabilin' parang namatayan. Pero si Manager hindi sya dito natutulog may sarili kasi itong bahay dito sa Pilipinas kaya minsan binibisita nya lang kami dito.

(Sa loob ng condo)

Si Peyton na nunuod ng TV. Anong pinapanuod? Ayun! STRANGE MAGIC ang panget naman nang ending yung mukhang insekto yung nakatuluyan ni Marianne at nag kiss pa sila. KADIRI UY!

Si Francie naman katabi ni Peyton na nanunuod ng TV pero hindi sila nag-uusap

Si Shay naman na nasa mini kitchen at nag titimpla ng gatas

Si Mavis ayun naka sandal sa pader habang nagbabasa ng libro kahit anong posisyon pa yan. Basta addict ka. Napakamatiisin mo.

At ako? Heto nakatayo, nakapamaywang na nakatingin lang sa kanila habang nagsasalaysay sa inyo. Pero NABIBINGI NA AKO SA SOBRANG KATAHIMIKAN

"KELAN BA KAYO MAGSASALITA?" sigaw ko

Napatingin naman sa akin si Mavis at binaba yung libro nyang binabasa

Tumigil naman sa pagtitimpla si Shay

Hininaan naman ni Peyton yung volume ng TV

Nagkatinginan lang kaming lima at ang tanging nag-iingay lang ay si Marianne na kumakanta

'Take my hand! Take my whole life to and I Can't help I'm falling in love with y— Hindi na natapos yung kanta dahil tuluyan ng pinatay ni Peyton yung TV! Poor Marianne.

"Di pa ba kayo magsasalita? Kanina pa kayo ah. Nagtitimpi lang ako." Painis kong sabi at bahagya ko pang pinadyak-padyak ang mga paa ko

"Eh ano ba ang gusto mong pag usapan?" sabi naman ni Shay

"Oo nga! Wala naman tayong pag-uusapan ah!" dugtong ni Francie

"Eh kasi naman anong pag uusapan natin kung hindi naman kayo nagsasalita dyan"

"Di ka rin naman nagsalita ah" sabi ni Mavis at naglakad palapit sa pang-isahang sofa at dun umupo

"Eh bakit ikaw Mav nagsalita ka ba? Eh basa ka lang nga nang basa ng libro mo eh. Kaya hindi ka nagkaka love life dahil sa ugali mo na yan" mapang-asar na sabi ni Shay. Bigla naman syang nilingon ni Mavis at tiningnan ng masama mas lalo namang nang-asar si Shay dahil binelatan nya pa si Mavis. Dahil na rin siguro sa sobrang inis, tumayo si Mavis at taas noong sinagot si Shay

"Kesa naman sayo. Kaliwa't kanan ang boyfriend mo. Kahit nga kaibigan mo ako eh, hindi ko masasabi kung virgin ka pa ba o hindi na. Eh, gabi gabi ka na ngang kung umuwi noong nasa States pa tayo at lasing na lasing ka pa. Minsan tatawagan na lang kami ng staff nang hotel na pinag check-inan nyo ng lalaking kasiping mo at madadatnan ka namin sa loob ng kwarto na hubo't hubad at bahagyang umuungol pa at alam mo bang hindi lang isang beses na nangyari yun? Dahil mahigit isang—

"SHUT UP! ANG IINGAY NYO. OH KAYO SHAY AT MAVIS, KUMUHA KAYO NG KUTSILYO DUN SA KUSINA AT MAGSAKSAKAN KAYO NGAYON SA HARAPAN KO!" Napahinto naman sa pagbabangayan yung dalawa at nag si irapan sa isa't isa dahil sa biglang pagsigaw ni Peyton. "ANO HINDI NYO MAGAWA? KUNG HINDI ANMAN PALA. MAGSITAHIMIK KAYO"

Tumahimik na lang ulit ang lahat pero nakita kong nag bebelatan yung dalawa. Habang si Peyton minamasahe yung ulo nya. Pero ngayon binasag na ni Francie ang katahimikan

"Bakit ka pumayag sa deal?" sabi nya na hindi nakatingin kay Peyton

"Simple lang! Kelan ba nagpatalo at umatras ang Fallen?" sagot nya at tinitigan kami isa isa

"You mean? Magpeperform talaga tayo bilang Fallen?" kunot noong tanong ni Shay.

"Maybe? Magpe-perform tayo bilang Fallen. Pero nakatago tayo sa katauhan ng mga taong inimbento natin" sagot nito at ngumiti ng nakakaloka

"Yeah, right hindi ko yun naisip ha" sabi ko at nagsi-agreehan naman yung iba. At dahil sa nabasag na yung katahimikan. Nagpasya na kaming kumain pagtayo ko. Bigla namang tumunog yung buzzer ng pinto. It means merong tao sa labas ng pintuan ng unit namin.

Ako na yung nag volunteer para buksan yung pinto. Pagkabukas ko tumambad sa harapan ko si manager. Pinapasok ko sya at pina upo sa sofa

"Oh! Hi manager. Ano pong ginagawa nyo dito?" byngad na tanong ni Peyton

"I would like to inform you na inimbitahan kayong magperform sa isang voice battle" masayang sagot ni manager.

"Really? Wow! That's good" sabi ni Mavis

"When and what time?" tanong ni Shay

"This Friday, 8 pm"

Nagulat kaming lahat sa sagot ni Maam dahil yun din ang araw ng voice battle namin with Hashtagx.

"F-Friday e-eight PM?" utal naming sagot

"W-where?" utal naman na tanong ni Francie

"Sa school nyo. Sa Vermillion High" sabay tayo ni Manager sa sobrang saya. Habang kami? BOOOOM!

"WHAAAAT?" reaksyon naming lima. Kasi pano yan? Magpe-perform kami bilang nerds tapos transform agad bilang Fallen?

"Oh, bakit something's wrong?" pag-aalalang tanong ni manager. Ikinwento naman lahat ni Peyton kung anong nangyari pati yung pag-trip nila sa amin kanina. Pero ito lang ang sinabi ni Manager

"You have to choose. Perform as Fallen because of an invitation or perform as a nerds because of a deal."

Nagtinginan muna kaming lima at sabay-sabay nagsabing,

"Pag-iisipan po namin"


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon