Voice 10

1.4K 78 23
                                    


~MAX~

Nandito kami ngayon sa harap ng gate nang Vermillion High para pumasok sa panibagong araw. Pagbaba naming syempre, ano pa ba ang ine-expect nyong susunod na mangyayari? Syempre ang HIYAWAN na naman ng mga estudyante.

TULAKAN.

SIGAWAN.

TILIAN.

Pero sa totoo lang? Nakakainis na. Araw-araw naman nila kaming nakikita dito ba't di pa sila tumigil sa mga kakatili nila?

Tumuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng room namin. Ine-expect namin na maghihiyawan yung mga kaklase namin pero ang bumungad pala ay...

"Grabe ang gaganda nila" – sabi ng isa kong kaklase habang nakaupo sa ibabaw ng arm chair nya.

"At ang galing pang kumanta" sabi naman nung isang babae na may hawak na isang Hollywood magazine

"Tama! Panigurado Fallen na yung mag na-number one dito sa Pilipinas" sabi naman nung isang babae habang hawak hawak ang ipad nito

Pero agad naman silang napatigil sa pagsasalita nung makita nila kaming nakatayo sa harap ng pintuan ng room. Akala siguro nila eh sisitahin namin sila. Duh! as if BIG DEAL samin yung sinabi nila. Pero tumuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa upuan namin. Pagka-upong pagka upo namin. Tumayo naman si Cheryy! kaklase naming na mahilig mag papansin saming lima lalong lalo na sa akin. Di ako nag mamayabang ha. Im just being HONEST! Naglakad sya papalapit dun sa tatlong babaeng nag uusap kanina

"Excuse me? Ano yung sinasabi nyong maganda yung FALLEN! Are you blind? I'm much prettier than them and don't you dare compare that F*CKING FALLEN SA HASHTAGX! GET THAT?" inemphasize talaga yung 'much' at sinigaw talaga yung last 6 words.

Pagkatapos nyang sabihin ay este isigaw yun tumango-tango naman yung tatlong babae na halatang natakot kay Cheryy. Bago nag walk-out nag flip muna sya ng buhok nya na hanggang bewang at tumingin sa direksyon naming lima at kinindatan ako

"Dude! Di pa rin nakaka move on si Cherry sayo" panunukso naman sakin ni Sting at Tyler.

Nakalimutan ko bang sabihing naging girlfriend ko si Cheryy ng 2 weeks? Well! nagtagal lang naman kami dahil ang galing nyang humalik pero naki pag-break naman agad ako sa kanya dahil masyadong ESKANDALOSA!

"Ulol! Kadiri " sabi ko sabay batok dun sa dalawa. Agad ko na mang napansin yung limang babaeng nerd na nakatayo malapit sa pintuan na naka yukom ang mga kamay nila. Woah! Don't tell me fan sila ng Fallen?

*Kriing.....kriing.....kriing.....*

Agad naman kaming nagsiayos sa pagkaupo dahil pumasok na si maam at nag umpisa ng tumilaok na parang manok..

~SHAY~

Kakatapos lang nang first period kaya. Napag-isipan naming pumunta ng rooftop. Habang nasa hallway kami. Tumigil si Peyton sa paglalakad at biglang nagsalita

"Bibili muna ako ng snack!" - sabi nya ng sobrang seryoso dahil na rin siguro sa pagiging badtrip nya sa narining namin kanina.

"Sama ako!" sabi ni Francie na nag offer nang samahan si Peyton sa pagbili. Dahil baka may magawa pa itong di kanais-nais sa daan. Alam nya kasi ang ginagawa ni Peyton kapag naba-badtrip. Nanapak kasi ito ng taong papansin sa kanya.

"Sige. Mag c-cr muna ako" –sabi naman ni Suredele. Sa totoo di naman yan iihi eh magsisigaw lang yan sa loob ng Cr

"Samahan na kita" singit naman ni Mavis sasamahan nya naman yan si Suredele para may pumigil sa kanya sa kakasigaw dahil kapag hindi mo yan inawat. Aba! Aabutin yan ng mahigit 2 oras sa loob ng Cr.

"Sige Shay! Ikaw na muna ang mauna dun. Susunod na lang kami sayo" sabi ni Francie at nagsi-alisan na sila kaya heto ako naglalakad papuntang rooftop. Pagdating ko dun agad kong hinubad yung bagpack ko habang naglalakad papunta sa dulo at naglabas nang sama ng loob

"THE JERK! HOW DARE HER NA SABIHAN ANG FALLEN NANG FUCK! DUH! SYA ANG DESERVING SA TITLE NA YUN" buong lakas kong sigaw sabay sipa doon sa semento

"Oucch!" agad akong napa-upo sa sahig at hinimas-himas yung paa ko. Ang tanga ko naman kasi eh

"Wag mo kasing sipain yung semento! Alam mo namang matigas yan" nagulat ako ng may biglang nag salita sa harapan ko pag-angat ko ng ulo ko mas lalo akong nagulat

Si Sting na naka squat habang naka tingin sakin

"A-a-anong g-g-ginagawa m-mo dito?" sheemay ba't ako na uutal?

"Wala napatambay lang!" sagot nya at umupo sa tabi ko. Agad naman akong umusog palayo sa kanya

"Hahahaha! Alam mo na kakatawa ka?" napa kunot naman ako ng kilay dahil sa sinabi nya

"Ano ako sa tingin mo? Anak ni Mr. Bean? Hinahabol ni Tom? Hinahabol ng 3 ipis?" sarcastic kong sagot. Aba naman sabihan ba naman akong NAKAKATAWA! Di porket manang ako. Pwede na syang manlait

"Hindi! kasi ang daming babae ang gustong makatabi ako. pero ikaw. Ayaw mo!" at tumawa sya ulit. Aba ang yabang pala nito eh ano sya? kapatid ni Johnny Bravo?

"Yabang natin pre ha!"

"Di ah totoo naman eh! Pero teka may connection ka ba sa Fallen?" bigla namang lumakas yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako, masyado ba akong halata? Soot ko naman yung disguise ko. Manang naman yung damit ko. Pero teka? Lumalabas pa rin ba ang pretty face ko?

"Huh?"

"Sabi ko may connection ka ba sa Fallen? I mean are you a fan of Fallen? Grabe ka kasi makapag react nung minura ni Chery yang Fallen kanina sa harap ng tatlo nating kaklase" Napahinga na lang ako ng maluwag pagkatapos nyang sabihin yun. Akala ko nabisto na ako eh

"Ahm. O-oo" sagot ko, pero hindi ako tumingin sa kanya. Hindi naman sya nag react pero nabigla ako ng bigla syang tumayo at naglakad papuntang pinto ng rooftop. Pero bago sya tuluyang lumabas. May sinabi sya sa akin na syang dahilan ng kinainit ng pisngi ko

"Lagyan mo ng ice yung paa mo para di mamaga. Usapang seryoso kahit nerd ka I found out your cute!"


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon