PART II

1K 56 7
                                    


~Tyler~ 

"Ok ka lang?" tanong ko sa katabi ko nung hininto nya yung sasakyan sa tapat ng park

"Yeah! Okay lang ako" sagot nya sabay patong ng ulo sa manibela

"Mag drive ka na papunta sa address nato" sabay abot ng papel na may sulat na isang address habang hindi tumitingin sa kanya

"Abah! nang aabuso ka na. Tinulungan na nga kitang makawala dun sa mga Zombie. Tapos ngayon uutos-utusan mo ako? Sino ka ba para sundin ko? Bumaba kana dahil sayang yung gasolina ko" sabi nito at dumukwang sakin para buksan ang pintuan na nasa gilid ko

"You're my slave remember?" yun lang ang sinagot ko at diniin ko talaga yung salitang SLAVE nag rolled eyes lang sya at padabog na kinuha yung papel at pinaandar na ulit yung sasakyan

Makalipas ang 15 minuto nandito na kami sa harap ng gate

"Ka-kaninong b-bahay to?" pa utal nyang sabi nung nakababa na sya sa kotse. Ngumiti lang ako sa kanya at nag pa-unang naglakad. Automatiko namang bumukas yung pinto. Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata using my pereferal vission. Pagkabukas ng pinto

"Welcome back young master" sabay sabay na bati sakin nang mga katulong sa bahay

"Y-yo-young M-ma-master?" utal nyang tanong sabay lapit sakin

"Yeah!"

"It means? This is your house? Woah Cool! your house is so big" compliment nya habang nililibot ang patingin sa bawat sulok ng bahay

"Yow bro, you're here" agad naman akong napalingon sa lugar kung san nanggaling ang boses. Si Ate pala na lumabas galing sa kitchen

"Yow! May gagawin lang kami" sagot ko sabay turo sa katabi ko na si Joy na nakangiti kay Ate. Nagulat ako sa naging reaksyon ni ate, pagkatapos kong magsalita. Dahil napatakip sya ng kanyang bunganga sabay pa nun ang paglaki ng kanyang mga mata

"D-dont tell me, bibigyan nyo na ako ng pamangkin" sigaw nya. Agad namang kumunot ang noo ko pati na rin itong katabi ko. Ano bang nasa isip ng gurang nato?

"Bibigyan nyo na ako ng pamangkin then apo si Mommyy at Daddy tapos kakasal na kayong dala—

"ATE ENOUGH!" pagpapatigil ko sa kanya at napahawak ako sa noo ko "Ate that's not what you're thingking gagawa lang po kami ng recording" Sigaw ko sa kanya. Dahil napaka GREEN ng utak ng kapatid ko

"Ahhhh! Okay. Pero sana di kana sumigaw dapat ganito lang oh. Ate enough. Ate that's not what your thingking gagawa lang po kami ng recording' inulit nya yung sinabi ko sa malumanay na tono. Tinaasan ko lang sya ng kilay

"Whatever Ate! So can we go now?" tanong ko

"Not yet! di mo pa sya pinapakilala sakin" tukoy nya kay Joy

"She's Joy'" pakilala ko pero nag cross arm lang sya na parang may hinihintay pa na kasunod "My Slave" dugtong ko sabay hila kay Joy paakyat ng hagdan at pumasok kami sa music room. Pagkapasok namin dun agad naman syang nagsalita

"You're so mean"

"Why?"

"Hinila mo na ako ka agad di ko man lang nakilala yung Ate mo"

"She's Ate Sheryl" sagot ko na hindi tumitingin sa kanya dahil busy ako sa pag se-set ng mga gagamitin namin

"Eto yung gagawin natin mag gigitara ka, tapos ako na lang yung kakanta" walang emosyon kong sabi sa kanya di naman sya tumutol. So ibig sabihin marunong syang magitara? Paki ko ba? Binigay ko yung chords sa kanya madali nya lang namang makuha at namemorize. Nagpraktis kami ng dalawang beses. Hanggang nag umpisa na kaming mag video. Pagkatapos nun walang imikan sa loob ng MR. Tinulungan nya akong mag-ayos nang mga gamit hanggang sa matapos.

"Uhm! Tyler lalabas na ako gumagabi na eh" basag nya sa katahimikan at tinuro turo pa yung pinto

"Sige ako nang bahalang mag edit. Ingat" yan lang ang sinagot ko at lumabas naman sya agad. Pagkalabas nya agad naman akong napaupo sa sofa.

"Aiissh! kainis. Ano ba yung nangyari sakin kanina. Nung hinawakan nya yung kamay ko biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko. Shit! magpapa-check up na nga lang ako"

Pagkatapos kong ayusin lahat lumabas na ako ng MR nung pababa na ako nakita ko si Ate at Joy na nag-uusap sa harap ng main door. Si Joy na nakatalikod sakin habang si Ate nasa harapan nya. Hinawakan ni Ate yung balikat ni Joy at sabay nun ang pag-iayak nya. Agad naman syang niyakap ni Joy. Napatingin bigla sakin si Ate sabay kindat.

Ano naman ba tong kalokohan?


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon