Limang babaeng mang-aawit na nagmula sa Estados Unidos
Pumunta ng Pilipinas upang kalabanin ang grupo na syang nagunguna sa bansang yun
Nagpanggap na mga ordinaryong tao at naging alalay ng sikat na grupo
Naapi, maraming pangyayari ang nagbago.
Nagmahal pero sa huli nasaktan.
Anim na taon na ang lumipas nung iniwan namin ang bansang nagturo ng mga bagay tungkol sa pagmamahal. Maraming taon na ang lumipas pero isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko.
"Napatawad nya na ba ako?"
"And, the most awaited part of the battle is the result night. Our 16th grand winner of the Voice battle, Congratulations
.
.
.
.
.
.
*drum rolls*
.
.
.
.
.
MAGNIFICENT FALLEN"
Nakatayo ako sa terrace ng aming kwarto habang niraramdam ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha. Nang marinig ko ang ingay na yun, lumingon ako at naglakad papasok sa aming silid.
Nakita ko syang nakadapa sa kama habang nanunuod sa laptop. Tumayo ako sa gilid ng kama at pinagdikit ang mga braso ko
"Ilang beses mo nang napanuod ang video na yan?" tanong ko, sumagot sya ng hindi lumilingon sakin
"50th time" sabi nito at nginuso ang bibig nya. Natawa ako dahil dun at umupo sa kama
"Hindi ka ba nagsasawang panoorin yan?" tanong ko ulit
This time umupo sya ng naka indian seat at tumingin saakin
"Because, Tita Shay told me that daddy is one of these pretty boys" sagot nya sabay turo sa limang lalaking nasa video
"She told you that?"
"Yes" malungkot nitong sabi. Tumayo ako at binuhat sya, isinandal nya ang kanyang noo sa aking balikat na para bang naglalambing.
"Mama, bakit hindi po kayo sumipot sa stage para kunin ang trophy ninyo?" tanong nito habang nilalaro ang dulo ng aking buhok sa likuran. Hinagod ko naman ang likod nya at bahagyang tinatapik ang kanyang pwetan. Naramdaman kong nakiliti sya kaya agad itong umalis sa pagkakasandal sa balikat ko at tiningnan ako habang tumatawa. Pinagdikit ko ang ulo namin bago ko sya sinagot.
"Kasi pag-sumipot pa si mama at hinintay ang resulta baka matagalan ako at maiwan ako ng eroplano" natatawang sagot ko. Pero nag poker face lang sya na para bang hindi kumbinsido sa sinagot ko.
She really looks like his father
Mabilis kong hinalikan ang tungki nang kanyang ilong at ibinaba mula sa pagkakabuhat ko.
"Take your bath, pupuntahan natin sila Tita Shay at Tita Francie mo" masayang sabi ko. Bigla namang lumiwanag ang kanyang mukha at dali-daling pumasok sa banyo habang kinekembot-kembot ang kanyang maliit na pwet.
That bubbly little girl is my daughter. I mean our daughter. Hindi ko alam na nabuntis pala ako after nung may nangyari samin ni Kiel sa resort. After a week na makarating kami ditto sa states doon lang namin nalaman na nagdadalang tao na pala ako.