Voice 39

913 47 9
                                    


"So far as I was saying sa Ball magaganap ang unang round ng voice battle"

Nabigla ako sa sinabi ni Mr. M agad agad? Last year kami yung nanalo sa BSGP Musica. So I think dito na talaga mag-uumpisa ang tunay na labanan.

"So I hope magkikita ulit tayo sa Wednesday, Goodluck both teams" at umalis na si Mr.M

Sumunod naman na umalis si Suredele at Ms. Lucy

"So? Sasabak na talaga kayo. Goodluck Masters" sabay wink ng dalawa. Eww! Kadiri. Sunod naman kaming umalis. Dun kami lumabas sa Fire Exit para iwas media.

Nagdrive na ako pabalik ng Condo pagdating namin agad kaming pumasok sa unit. Kailangan na talaga nilang malaman to lalong-lalo na ni Kiel.

--

~Francie~

*Condo*

"M'aam kelan ka pa napabilang sa Board of Directors ng Foreign M?" tanong ko kay Manager pagkapasok pa lang namin sa condo. Hinubad nya yung suot nyang jacket sabay higa sa sofa at pumikit

"Since I was a kid"

HUWAAAT? Paano? Bakit? Agad-agad?

Napanganga naman kaming tatlo Ako, Shay at Suredele

"P-paano po nangyari yun?" tanong ni Suredele sabay upo sa kabilang sofa, bumangon naman si Manager sa pagkakahiga at umupo ng maayos sa sofa at humarap sa amin. Nag gesture sya na umupo rin kaming dalawa ni Shay kaya sinunod namin sya. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita.

"Mr.M is my dad" pero bago ulit kami maka-react nag gesture sya ulit na huwag gumawa ng kahit anong ingay.

"I was only 9 years old when dad entered me as a Board of Director of Foreign M. Sa una parang balewala syempre bata pa ako wala pa akong pakialam sa mga nangyayari. But when I turned 18 doon ko napagtanto na napaka hirap pala humawak ng mga mang-aawit lalo na't wala kang alam. Kaya I decided to resign and went to U.S together with Mom because unfortunately Mom and Dad got separated. And there I studied Musical at dun ko kayo nakilala ang babata nyo pa nga eh. Nung nalaman kong balang araw magiging sikat kayo. Kinontact ko yung President ng FM na ibalik ako sa pwesto. Kaya ayun naging member ulit ako at dahil din dun madali lang kayong nakapasok sa Music Industry dito sa Pilipinas"

Pagkatapos mag kwento ni Maam dun ko lang napagtanto na madami pa talaga kaming hindi alam sa talambuhay nya. Alam kong napaka-swerte namin dahil naging mentor namin sya.

At dahil din dun. Pangako hinding hindi namin sya bibiguin, gagawin namin ang lahat para manalo.

Bigla namang bumukas ang pinto at niluwal nun ang mukha ni Peyton at Mavis.

Magkasama sila?

Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon