Voice 33

942 50 7
                                    


~Suredele~

Haaynakuu! Nakaka-stress ang araw ngayon. Ang daming nangyari, Si Maam Nova nalaman nya na nag lipsync lang kami. Yes! Tama ang pagkakabasa nyo lipsync lang yung ginawa namin. Sabi kasi ni Peyton pagkumanta raw talaga kami, PATAY KAMI KAY MANAGER LUCY! Kaya ayun adjust adjust ng konti yung mga boses namin para hindi masyadong halata. Pero sa di inaakala may nakapansin pala pero isa lang ang nasa isip ko. Hindi ordinaryong tao Si Maam. Malay mo isa pala syang manager ng isang grupo ng mga singer dito sa Pilipinas at kinukontra kami.

Naglalakad ako ngayon papuntang Girl's Cr. Mag aayos ng sarili yung apat kasi andun sa Cafeteria ayaw akong samahan. Kitams! Ang sama nila. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang marinig kong nagbubulungan yung mga estudyante sa paligid

'Nakita mo ba yung performance nila kanina sa gym? Ang galing nila'

'Oo kaya! Nasayang lang yung pera ko pambili ng dalawang tray ng itlog'

'Haha! Ako rin kaya nag sayang rin ako ng pera pambili ng tatlong kilong bulok na kamatis'

'Pero kahit na nuh ang papanget pa rin nila. Mukhang mga daga. Eww!'

'Mga circus mice'

Napatingin ako sa direksyon nila at tinaasan ko sila ng kilay at inirapan. Seryoso anong problema nila? Ganyan ba talaga basta mga insecure people? Di naman sila maganda

Nakarating ako sa CR. Walang tao kaya tuloy-tuloy ako sa paglalakad at dun pumasok sa pinaka dulong cubicle. Dalawang minuto ang lumipas ng may narinig akong mga yabag, tumayo ako at nag ayos ng sarili pinihit ko na yung lock ng pinto ng cubicle pagka bukas ko nito nadatnan kong biglang sumara yung pinto ng CR at sabay patay ng mga ilaw.

"WAAAH! TULOONG! TULOONG! Buksan nyo yung pinto" sabay sipa sa pintuan pero mukhang walang nakakarinig sa akin

"TULOOOONG! MAY TAO PO DITO SA LOOB, BUKSAN NYO POOO"

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng palda ko. Pero nakalimutan kong lowbat pala. Kasalanan to ni Mavis eh nawili syang maglaro ng piano tiles sa cellphone ko.

Di ko na napigilang umiyak. Oo takot ako sa dilim. Naaalala ko na naman yung nangyari sakin. I was only 8 years old nung ikinulong ako ng Stepfather ko sa isang silid na walang ilaw maski bintana. 3 araw akong nakakulong dun na puro daga ang nasa paligid ko

"Buksan nyo tong pinto" sabay hampas ko dun sa pintuan

"Please someone hear me out there?" humakbang ako ng limang beses patalikod sabay sandal sa pader lumuhod ako at niyakap ang mga tuhod ko. Tumingin ako sa pintuan

"Tuulooong"

"Pleaaasee" at niyakap ko muli ang sarili ko. Ilang segundo ang lumipas ng maramdaman kong may pilit na sumisira ng pinto. Nanatili pa rin akong naka upo hanggang sa nasira na ng tuluyan yung pinto at nakita ko si

"Sammy? Are you okay?" Naglakad sya papalapit sa akin pero hindi ko sya sinagot tumayo ako at tumakbo sabay yakap sa kanya

"Thank y-youu"

I feel safe on Max arms.

"Don't worry, I'm already here" and he hugged me back



Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon