LUAV - Revelation 11

884 43 5
                                    


FINALLY WERE OFFICIALLY ON.

Haaaay!! Hanggang ngayon di pa rin ako nakaka move on sa proposal nilang lima sa amin. Kahit man may kunting guilt akong nararamdaman sa puso ko na mali na ang ginagawa naming na paglilihim sa kanila nng tunay naming pagkatao. Pero anong magagawa ko? Heto na ang nangyari eh. Nahulog kami sa kanila at ngayon official na kaming magkakasintahan. Ayoko namang siraan ang panaginip na to. Ayoko pa, ayoko pang gumising

"Pey, bilisan mo na dyan, aalis na tayo. Alam mo na mang di tayo pwedeng sumabay kay manager Lucy, diba?" at nakita ko si Francie sa refelction ng salamin na naka pamaywang sa gilid ng pintuan. Inayos ko naman ang suot kong glasses sabay tayo.

"Opo, andyan na" pabiro kong sagot sa kanya.

Palabas ko nang kwarto nakita ko agad ang tatlo na reding-ready ng umalis.

"Ano raw yung gagamitin nating sasakyan papunta sa party?" tanong ko

"Yung Hi-Ace raw" sagot naman ni Shay

"Sige tara, labas na tayo"

Location: Eclipse Mansion

Nandito kami sa harap ng gate nang pamilyang Eclipse. Inimbitahan kasi kami ng boyfriend ni Mavis na dumalo sa birthday party ng Daddy nya. Which means is Mr. M or we should call him Mr. Mexicon Eclipse

We disguise as nerds, pero hindi na manang yung mga damit namin okay? Naka casual kaming lima pero were not wearing sandals instead naka suot kami ng dollshoes at yung mga hairstyle namin. Si Mavis at Suredele ay naka messy bun. Si Francie at Shay ay naka ponytail yung buhok pero kinulot lang yung dulo at ako na naka Elsa hairbraid. (yung buhok nya nung time na naging ice queen sya) then we are wearing our nerdy glasses, braces then we apply a little amount of make up

Pumasok kaming lima sa loob at bumungad saamin ang main lawn ng mansion. Maraming tao ang dumalo kasi naman sikat din yung taong nag ce-celebrate ng kaarawan ngayon.

Nagtuloy kami sa loob ng mansion at nakita namin ang limang lalaking naglalakad papunta sa direksyon namin.

"Hon, Hi girls" bati ni Trevor sabay halik sa pisngi ni Mavis. Tumango lang kami at ngumiti

"Wow Lav, ang ganda nyo ngayon ah" sambit ni Sting sabay hapit ng bewang ni Shay

"So, ibig sabihin panget kami noon?"

"Haha! hindi naman Lav mas lalo lang kayong gumanda"sagot ni Sting nahalatang nate-tense sa inasal ng nobya

"Tara guys, punta na tayo sa table natin" sabi ni Trevor at inakay kaming maglakad patungo sa table namin. Dito kami naka pwesto sa bandang unahan.

"Medyo late na kayong dumating ah" tanong ni Kiel

"Ang bagal kasing magbihis ng girlfriend mo Kiel" sagot sa kanya ni Francie. Tumawa naman sila samantalang pinandilatan ko sila ng mata

"H'wag kayong maniwala dyan" pagtatanggol ko sa sarili ko. Eh, sa hindi naman kasi totoo. Pero bigla na lang akong inakbayan ni Kiel

"Ok lang yan babe, alam ko naman ang rason eh" sabi nya at ngumiti ng nakakaloko

"Kelan pa naging Babe ang Happy?"

"Yesterday, after you say yes" he's reffering to the proposal thinggy.

Okaay, kilig na ako

"Kilig ka na nyan?"

"Hindi"

"So, mamaya pa?"

"Ewan ko sayo" at tinapalan ko ng tissue yung bunganga nya at tinawanan naman kami ng mga kaibigan namin.

Nag-umpisa na kaming kumain kasi yung mga lalaki kanina pa raw nagugutom pero hindi muna sila kumain dahil hinihintay nila yung pagdating namin. Ang sweet nila diba?

Habang kumakain kami, biglang siningit ni Max ang tungkol sa final battle.

"Sammy my love, sa sunday na yung final battle namin. Sana makapunta ka na" sabi ni Max kay Suredele ngunit bigla itong napa-ubo kaya nataranta kami.

*cough* *cough*

"Sam, ok ka lang?" sabay abot ni Max ng tubig agad naman itong ininom ni Suredele, maya maya lang nakahinga na ito ng maluwag

"Okay ka na ba?" tanong ko. Tumango lang sya at tumingin kay Max

"Ano nga ulit yung sinabi mo?"

"Ang sabi ko. Sammy my love, sana makapunta ka na at kayo rin - sabay tingin sa amin - sa final battle namin ng Fallen"

"Oo nga naman, hindi na kami tatanggap ng NO na sagot" dugtong naman ni Trevor. Bigla namang dumako ang tingin ni Suredele sa akin na parang humihingi ng tulong para isalba sya sa hot seat.

Pero wala akong mabibigay na sagot dahil ni ako di ko alam ang sasabihin. Dahil kapag sinabi kong HINDI, baka makahalata na sila. At kapag OO baka umasa naman sila.

Oh please, can someone help us?

"Hello, Hashtagx" napalingon kaming lahat sa nagsalita at nakita namin si Mr. M with two young ladies sa magkabilang side nya. Pero isa lang ang alam ko. Si manager Lucy yung isa

So save by Mr. M? or not?

Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon