Authors Note:
WARNING! WARNING! WARNING!
Ang chapter po na ito ay may lamang RATED XXX. Kaya kung kayo ay inosenteng tao. Wag nyo na pong basahin ang chapter na ito. Hindi naman po sya makakasira sa takbo ng storya kung ito ay inyong isi-skip. Ayaw ko lang pong makatanggap ng panghuhusga kung ito ay inyong mabasa.
~Read at your own risk!
"Yan kasi Tyler" panunukso ni Max
"Bakit? Ano bang masama dun?" pagtatanggol naman nito sa kanyang sarili.
Samantalang ako ay nakatitig lang sa apat na basong nasa lupa na wala ng laman.
"Sundan mo Happy, baka ano pang mangyari dun" rinig kong sabi ni Trevor. Nginitian ko muna sya ganun din ang mga kaibigan ko, tumango lang sila bilang pag-sangayon. Agad naman akong tumayo at tumakbo papunta sa lugar kung saan nagpunta si Kiel. Nakita ko syang naglalakad papasok ng Hotel.
Nakita ko syang pumasok sa isang bukas na elevator kaya sumunod rin ako, ako na mismo ang pumindot patungong second floor. Wala kaming imikan, hindi ko naman alam kong anong sasabihin. Bumukas yung elevator at lumabas sya, sumunod naman ako. Nagulat ako ng bigla syang ma out of balance, buti na lang ay nasalo ko sya bago pa man sya matumba sa sahig.
"Ok ka lang?" tanong ko. Pero hindi nya ako sinagot, binuksan ko yung room namin at agad syang hiniga sa kama
Namumula ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa epekto ng alak. Kinumutan ko muna sya habang ako at dumiretso sa banyo at nagbanlawng sarili dahil ramdam na ramdam ko ang lagkit ng tubig dagat na dumikit sa mga balat ko pagkatapos kung magbanlaw agad naman akong nagsuot ng damit pantulog. Lumabas ako ng banyo at kumuha ng malamig na tubig galing sa dispenser na nasa loob ng kwarto naming at facetowel na nasa kabinet. Lumapit ako kay Kiel na nakahiga sa kama. Inalis ko yung kumot na nakapatong sa kanya at pinunasan ko ang kanyang mukha pati ang kanyang dibdib.
Bigla namang nabaling ang aking atensyon sa kanyang shorts. Basa ito at kailangan kong tanggalin. Hahawakan ko na sana ang waist line ng shorts nya pero agad kong naramdaman ang biglang pag-init ng aking mukha. Kaya mabilis akong naglakad at pumasok ulit sa loob ng banyo at tiningnan ko ang aking sarili sa harap ng salamin.
"Wooh! Peyton kaya mo yan. Boyfriend mo sya kaya walang malisya yun, okay?"
Pero pag tinaggal ko yung shorts nya, makikita ko yung ano nya.
"Anong gagawin ko?" natatarantang tanong ko sa repleksyon ng aking sarili sa harap ng salamin. At doon ko nakita ang isang towel na nakasabit sa isang hook na nasa tabi ng shower
ALAM KO NA!
Mabilis kong kinuha ang towel at lumabas ng banyo. Naglakad ako pabalik sa pwesto ni Kiel na ngayon ay mukhang tulog na tulog na. Dahan dahan akong umupo sa gilid nya at itinapis ang dala kong towel sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Pinasok ko yung kamay ko sa loob ng towel at kinapa ang button ng shorts nya.
"Kaya mo yan Pey, kaya mo yan" bulong ko sa aking sarili
Dahan dahan kung tinanggal ang kanyang shorts. Pero nagulat ako dahil bigla nyang hinawakan ang kamay ko na nasa loob ng towel at sentro naman itong nasa ano nya.