~Max~
Naglalakad ako papuntang cafeteria iniwanan ba naman ako nang apat matapos ang performance ng limang nerds na yun. Pero grabe ha, nakakabilib sila. Nagulat talaga ako maganda naman pala yung mga boses nila. Pero mukhang may mali sa ginawa nila kanina di ko lang talaga ma figure-out
"Hello Kuya Max" bati sakin ng isang freshmen na batang babae, huminto ako at binati sya
"Hi!" sabay gulo ng buhok nya.
"Kuya Max? bakit ang gwapo nyo po?"
Aynaknang! mga bata talaga ngayon di na marunong magsinungaling, pero imbis na sagutin sya kinurot ko lang yung pisngi nya at nagtuloy na ulit sa paglalakad
Nung nasa tapat na ako ng Girl's CR. May narinig akong kalabog sa loob.
"Haay naku! mga estudyante talaga ngayon kahit saan saan na lang gumagawa ng paraan makapunta lang sa langit" bulong ko sa sarili ko.
Tumuloy ako sa paglalakad pero naka-agaw ng pansin ko ang 3 babaeng nagtatawanan sa gilid ng trash cans. Nung nakita nila ako agad naman silang nagsitakbuhan
'TULOONG'
Napatingin ako sa paligid
'MAY TAO PO DITO SA LOOB, BUKSAN NYO PO'
at nakita ko ang pinto ng CR kung saan nanggagaling ang boses. Naglakad ako pabalik at dinikit ang tenga ko sa pinto
'Buksan nyo tong pintoo'
Hala? umiiyak na? pinihit ko yung doorknob pero naka lock
'Please someone here me out there?'
Nung marinig ko iult ang boses ng nasa loob. Teka? pamilyar yun ah.
"Tuulooong"
"Pleaseee"
Nang marinig ko ulit ang boses na yun. Bigla na lang ako nakaramdam ng galit. Pinihit ko ang doorknob sabay hampas ng malakas sa pinto pero ayaw pa ring bumukas. Kaya No choice ako, Sinipa ko yung pinto nang buong persa at BOOM! sira.
Pumasok ako sa loob at nakita ko syang naka upo sa sahig
"Sammy? Are you okay?"
pag-alalang tanong ko sa kanya pero nagulat ako nung bigla syang tumakbo at niyakap ako
"Thank y-youu" bulong nya
"Don't worry, I'm already here"
I Hugged her back and my heart beats faster
~Shay~
"Bakit ang tagal ata ni Suredele?" sabi ko sa kanila
"Alam mo naman ang isang yun aabutin ng isang dekada sa loob ng CR" sagot ni Mavis na kumakain ng Dunot
"Pey? pakitawagan naman oh nag aalala na ako" sabi ko kay Peyton na umiinom ng mugo-mugo
"Okay"
nag start na syang magdial pero out of coverage ang cellphone nung isa. Tatayo na sana ako para puntahan sya sa CR pero parang tumahimik ata ang buong paligid. Tiningnan ko ang tatlo at naka nguso sila sa likod ko paglingon ko. Nakita ko Si Sueredele kasama Si Max?
Naglalakad silang dalawa papunta sa table namin
"Sam? bakit maga yang mata mo?" tanong ni Francie
"Inaway ka ba ng isdang yan?" sabay turo ni Mavis kay Max na nasa tabi ni Suredele
"Ha? H-hindi. Mali ang iniisip nyo tinulungan lang ako ni Max" sagot nya na parang nahihiya sabay yuko nito. Pero hindi ako kumibo instead hinablot ko Si Suredele palayo kay Max at pinaupo sa tabi ko
"Alam mo? Salamat! Kung ano man ang ginawa mong mabuti sa kaibigan namin. Maaari ka nang umalis" sabi ko sabay taas ng kilay. Pero hindi sya sumagot at binaling ang tingin kay Suredele
"Hey! Take care of yourself. I'm not always at your side to be your superhero" pagkatapos nyang sabihin yun naglakad na sya palabas ng cafeteria.
Teka? Ano bang nangyari?