Voice 9

1.5K 68 14
                                    


~MAVIS~

"The Fudge! Kainis ha" agad kong sabi pagkapasok ko palang sa room namin

"Calm down!" pagpapakalmang sabi ni Francie sabay hagod nang balikat ko

"Why woudl I? Napaka feeling nilang lima! Makapag tawag satin na guys. Kala mo napaka friendly " inis kong sabi at padabog na humiga sa sofa. Bigla namang pumasok si Peyton sa loob at kasunod nya si manager Lucy

"Peyton, girls? Bakit ganun ang inasal nyo sa harap ng Hashtagx?" Agad na tanong ni manager pagkapasok nya sa room

"Wala!" seryosong sagot ni Peyton habang naglalakad patungo sa pwesto ko at tumabi sakin. Sinundan naman sya nang tingin ni manager

"May hindi ba kayo sa sinasabi sakin?" seryosong tanong ni manager na ngayon ay naka pamaywang na. Nagkatinginan naman kaming lima

"Ang sabi ko, may hindi ba kayo sinasabi sakin?" this time medyo pagalit na ang tono ni manager habang tinititigan kami isa isa sa mga mata na para bang nasa mata naming ang sagot sa tanong nya. Kaya kami naman ay nagsa-iwas ng tingin.

Hangang sa

.

BIGLANG TUMAYO SI SHAY

.

"Eto po kasi yun manager. Kahapon pumasok kami diba? Blaahh.....blaahhh....blaaahhh..."

At ayun! idinetalye ni Shay yung buong nangyari with hand gestures pa at may pa iba iba pa ng pwesto. Hinintay naming yung reaction ni manager na mgagalit sya o hindi kaya magmumura pero iba ang reaction na ipinakita nya.

"Ahh! Okey."

"Yun lang Maam?" –nagtatakang tanong ni Suredele

"Ang haba-haba hanggang LRT yung sinabi ko. Pero ang sagot nyo lang ay kasing iksi nang buhok ni John Lloyd Cruz?" nakangusong sabi ni Shay

"Bakit? Ano ba ang gusto nyong ireact ko. Eh ang babaw naman nun." – kibit balikang sagot nito at pasalampak na umupo sa pang-isahang sofa. Pero napatingala kami ng boglang tumayo si Peyton at naglakad palapit sa pwesto ni manager

"Ma,am hindi yun mababaw. TAKE NOTE! Si Peyton Dreyar ay pinagtripan nang pranks ng chunggorilyang Sting ng Hashtagx. NEVER IN MY WHOLE LIFE NA MAY GUMAWA SAKIN NUN!" sigaw nito. Nagulat naman kami, maski sya sa ginawa at inasal nya sa harap ni Manager. Akala namin sisigawan rin sya ni manger pero kalmado itong tumayo at sinagot si Peyton

"Yun nga eh. Kaya nga mababaw dahil si Happy Santiago ang ininsulto hindi sa Peyton Dreyar. Iisang tao pero magka-iba sa tingin ng ibang tao. Hindi ikaw ang nainsulto. Ikaw! lang ang nakaranas at nakaramdam nun. Kung ang pinag-aalala mo dyan ay mag trending ka na pinahiya si Peyton Dreyar. Wag kang mag-alala si Happy Santiago ang mag t-trending sa caption na yun hindi ikaw!" seryosong sabi ni manager sabay tusok ng isang daliri nito sa dibdib ni Peyton.

Bigla kaming napatayo ng binaling manager ang atensyon nya sa pwesto naming.

"Okay girls, congratulations. Good night" mahinang sabi nito at naglakad palabas ng room. Samantalang kami ay naiwang nakanga-nga. Hindi ma absorb ng mga utak namin yung sinabi kanina ni Manager.

Sabagay, may point naman si Manager eh kahit anong gawing pam-bubully nila samin. Di pa rin kami ang maaapektuhan nun. Kundi yung mga tao lang na inimbento namin.

"That was the longest sentence I've ever heard from her" tulalang sabi ni Francie

"Me too" dugtong ni Suredele

"Me either" sabi naman ni Shay

"The longest one at ang unang salita na sinabi nya na may sense" Agad naman silang natauhan sa sinabi ko. Nagkatinginan kaming lahat at maya-maya lang natagpuan na lang namin ang aming mga sariling nagtatawanan.

"Hahaha! Yeah right!" natatawang sabi ni Peyton

Ilang oras pa kaming nag stay sa City High building hanggang sa nagdecide na rin kaming umuwi. Naglalakad kami palabas ng building habang magka-kaakbay sa isa't isa.

I Hope this worst nightmare will be over soon.


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon