LUAV - Revelation 17

1K 48 5
                                    



~Third Person~

KASALUKUYANG kumakain ang Fallen ng kanilang almusal nang biglang tumunog ang kani-kanilang mga cellphone na nasa ibabaw ng mesa. Kinuha ng bawat isa ang kanilang mga cellphone at tiningnan ang mga mensaheng natanggap.

"Nag-text si Kiel punta raw tayo sa Groovy park" sabi ni Peyton habang nasa bibig ang kutsara

"Nag-text din si, Lav" sabi ni Shay habang umiinom ng gatas

Tumayo ang limang babae at nag-siligo at sabay-sabay na pumunta sa park sakay ng kanilang kotse. Pagdating nila doon nadatnan nila ang limang lalaki na naka-upo sa ugat ng malaking acacia. Walang katao-tao sa paligid kundi sila lamang.

Naglakad sila papalapit sa mga lalaki pero biglang tumayo si Kiel at nagsalita

"Bakit ganyan ang ayos nyo?" matigas na sabi nito.

Nagulat naman si Peyton sa inasal nang nobyo.

"Bakit, Kiel? ganito naman ang palagi naming ayos ah" sagot naman ng babae. Pero isang pilit na ngiti lamang ang sinagot ng nobyo.

"Taga saan pala kayo sa U.S?" tanong ni Tyler. Si Francie naman ang sumagot.

"New York"

"Tunay ba talaga kayong mag-kapatid ni Sammy, ha Lala?" mapait na tanong ni Sting

Nagkatininginan naman ang dalawang babae bago sinagot ni Shay ang tanong ng nobyo.

"Oo naman" sagot nito at inakbayan pa ang kaibigan.

"Matagal na ba kayong nerds, Cry? O naging ganyan lang kayo pagdating nyo dito"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Mavis. Hindi nya alam ang isasagot, pero si Peyton na ang sumagot sa tanong ni Trevor na halata naman sa babae na nginginig na ito sa hindi malamang dahilan. Ayaw nyang isipin na may alam na ang mga lalaki sa kanilang sikreto.

"S-since elementary kami eto n-na yung nakasanayan namin. T-teka? bakit ang dami nyo atang tanong. Ano bang meron?" medyo natatawang sabi ni Peyton. Pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon nang mga lalaki

"One last question, yan ba talaga ang totoo nyong mga pangalan?" tanong ni Kiel at tiningnan na si Peyton sa mata. Bigla namang napasinghap ang mga babae.

Magtatapat na ba kami? May alam na ba sila? bulong ni Peyton sa kanyang sarili.

KABA! yan ang bumabalot ngayon sa katawan ng mga dalaga. Ngunit si Peyton lamang ang may lakas na loob na sagutin ang tanong na binigay ng nobyo.

"OO NAMAN. Ano ba kasi ang nangya—

"FUCK! HAPPY, HANGGANG KAILAN KAYO MAG-SISINUNGALING? HANGGANG KAILAN NYO KAMI GAGAWING TANGA?"

Buong lakas na sigaw ni Kiel kay Peyton at tuluyan ng tumulo ang luha nito sa sobrang galit

"K-kiel? A-anong pinagsasabi mo?"

"NAGING INOSENTE KA NA NGAYON, HAPPY? Happy ba talaga ang pangalan mo? Let me rephrase it, kelan ka pa naging inosente, Peyton?"

Bigla namang na estatwa sa kinatatayuan ang mga babae dahil sa sinabi ni Kiel, hindi siguro nila alam na dito na mabunbunyag ang kanilang lihim.

"H-hindi kita m-ma-maintindihan" naginginig na sagot ni Peyton

"PUTA! Bistado ka na mag mamaang-maangan ka pa ngayon" this time hinablot na ni Kiel ang braso ni Peyton ng sobrang higpit dahil sa galit na sumabog sa buong sistema nito.

Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon