LUAV - Revelation 5

904 50 8
                                    


Papalabas na sana ako sa mansion ng mga Fortress. Nang maramdaman ko na lang ang dalawang kamay na pumulupot sa bewang ko na nagmula sa aking likuran

"Tyler? w-what are you doing?" alam ko naman na sya to dahil kaming dalawa lamang ang nandito sa bahay nila

"Please, don't open the door. Don't leave me" nagtataka akong humarap sa kanya

"What do you mean?" pagkasabi ko nun agad syang lumayo sakin ng kaunti at yumuko

" I don't understand myself anymore this past few months. Pagkatapos mong hawakan yung kamay ko habang tumatakbo tayo palayo sa mga zombie. I felt my heart beats faster that time, and everytime I close my eyes mukha mo agad ang nakikita ko. Akala ko nga binabangungot ako eh" at tumawa pa sya ng mahina sabay kamot sa batok nya. Samantalang ako nakakunot lang ang noo

"Tyler? g-get to the point please, naguguluhan ako sa mga sinasabi mo" kinakabahan kong tanong sa kanya. Natatakot ako sa mga nagaganap o magaganap ngayon. Hinawakan nang dalawa nyang kamay ang balikat ko

"Joy, I- I think I'm falling in love with you" seryoso syang nakatitig sa mga mata ko habang sinabi nya yun. Naramdaman ko naman ang isang kuryenteng dumaloy sa aking katawan at dumiretso sa aking dibdib. Siguro pwede namang kalimutan muna ang totoong kalagayan ng mga buhay namin nuh? Kahit ngayon lang.

Ngumiti ako at hinawakan ang mukha nya ng dalawang kamay ko at pinagdikit ang mga noo namin.

"Tyler, I'm already inlove with you"

~Suredele~

Kumakain kami ngayon ng chips ni Peyton dito sa rooftop ng school

Si Mavis kasi ayun magkasama sila ni Trevor di ko alam kung saan sila nagpunta. At yung napaka matalik kong kaibigang si Shay, Abeh nemen hindi na sumasama samin dahil palagi na lang yung boyfriend nyang tilapia ang kinakasama. Hindi naman ako nagseselos ha. HMM! medyo lang.

Si Francie naman? kanina pa namin di nakikita. Baka nga sumama na rin yun sa isang tilapia. Ano guys? kayo kayo lang? seselfish nyo ha.

*Buuurp*

napatingin ako sa katabi ko

"Excuse you" sabi ko

"Thank you" sagot nya naman. Bumelat ako sa kanya, at bumelat rin sya pabalik sakin kaya yung gending, tawanan kaming dalawa

"Pey? kelan kaya tayo magkakaroon ng mga prince charmings?" tanong ko sabay sandal ng ulo sa pader. Naka indian seat kasi kaming dalawa

"Bakit mo naman yan tinatanong?" sagot nya.

Napatingin naman ako sa kanya dahil naglalaro pala sya ng minecraft sa kanyang cellphone. Napabuntong hininga na lang ako

"Eh kasi, yung dalawa nating kaibigan nahanap na nila ang kanilang mga prinsipe kahit mukha namang mga ogre pero pogi naman idagdag mo pa na may lahing mga chunggo" at tumawa ako ng mahina sa sinabi ko. Pinadako ko naman ang tingin ko sa taas at tiningnan ang mga ulap "Tapos si Francie kaya hindi natin mahanap dahin in-abduct na rin ng kalahi nila. Pey? di ka ba naiinggit?"

Pagkatapos kong sabihin yun ay binaling ko ang atensyon ko sa kanya at nakita kong in-off nya yung cellphone nya at nilagay sa bulsa ng palda nya. Tumingin sya sa akin at hinawakan ako sa balikat

"Di ako naiinggit. Ikaw kung naiinggit ka -

pinutol nya yung sasabihin nya dahil bigla syang tumayo at naglakad papuntang pinto ng rooftop hinawakan nya yung doorknob at pinihit para bumukas. Pero tumigil sya at tumingin sa akin

"Edi! kunin mo rin yung isang chunggo sa kanila" at tumawa sya ng malakas. Napakunot naman ako ng noo "Maiwan muna kita may bibilhin lang ako" at tuluyan na syang umalis. Samantalang ako naiwang mag-isa. Tumayo ako at pumunta sa railings at nag-isip

Pwede ko namang gawin yun nuh. Hahaha! masyado na ata akong desperada

Ilang segundo lang na umalis si Peyton agad kong narinig ang pagbukas ng pinto. Alam ko namang bumalik sya, baka hihingi ng pera pambili ng pagkain. Kaya di na ako nag atubiling lumingon.

"Alam mo girl? Siguro tama ka. Kailangan kong pumili sa natitirang chunggo. Desperada na kasi akong magkaroon ng prince charming" at tumawa na lang ako sa aking kabaliwang naisip sabay padyak padyak ng paa. Ganyan kasi ako pag kinikilig

"Eh sino kaya ang pipiliin ko? si Kiel o si Max?" di naman sumagot si Peyton alam ko namang nagpipigil lang to ng tawa eh. Akala nya di ko alam ha. Kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita

"Siguro si Max na lang. Dahil gwapo kahit napaka chickboy at napaka sira ulo. Okay naman sya, sa katunayan nga crush ko yun eh. Ay hindi pala mahal ko na ata ang chunggong yun. Remember mo pa ba yung araw na hinatid nya ako sa canteen? Kasi kinulong ako nun sa CR tapos sya yung tumulong sa akin. Kaya dun ko napagtanto na inlove na pala ako sa kanya. Uyy! babae wag mo munang ipagsabi sa tatlo atin atin mo na"

Pero this time napakunot na talaga ako ng noo. Bakit hindi nagsasalita ang isang to? Naputol ba ang dila nito kaya bumalik ka agad? Kaya nagmadali akong lumingon sa kanya

"Bakit hindi ka nagsasalita ha—

"Mahal din kita"

—Naputol ba yung dila mo?" halos pabulong kong sabi dahil hindi si Peyton ang nasa likod ko kundi

"MAHAL DIN KITA" at agad nya akong niyakap

Si Max


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon