Voice 41

984 49 7
                                    


~Suredele~

*Booogsh*

"Aray! Ano ba naman yan Sammy?"

"Bakit ba. Kasalanan ko?"

"Oo dahil ang lampa mo"

"Bakit sino ba ang may gusto nito" sigaw ko sa kanya. Nakaka gjkiloyghsf naman kasi ang Max na to eh. Gusto nyong malaman ang dahilan? Eto basahin nyo.

(Flashback)

"Tama ba tong napili natin, Dele?" tanong sakin ni Francie habang nagbibihis ng P.E uniform

"Eh anong gusto mo, magluto? Sunugin itong Vermillion High dahil sa hindi tayo marunong mag luto. Hindi tayo katulad ni Peyton no." sagot ko habang nagsusuot ng sapatos

"Pwede pa naman tayong mag back-out, Dele eh. Promise! Ma o-op lang tayo dun"

"Ano ka ba! Nag-uumpisa na panigurado ang cooking session nila. Kaya dito na lang tayo"

*Kriiing...Kriiing...Kriiing...*

"Oh ayan na, time na sa P.E let's go" at kinaladkad ko na sya papuntang oval. Pagdating namin dun nakaupo na silang lahat sa bermuda kaya umupo na rin kami at sabay nun ang biglang ng teacher nan aka-assign sa P.E

"Good morning Students, Today ang gagawin nating activity ay by pair. Magpapakarera kayo dito gamit ang bike. (A/n: yung dalawang tao po ang magpepedal sa isang bike. Di ko kasi alam ang tawag dun) Iikot kayo ng tatlong beses at kung sino ang mauuna yun yung makakakuha ng highest score. At yung pair na mahuhuli ay makakakuha ng lowest. Ok find your partner now"

Pagkatapos magbigay ng instructions si Sir nanlumo ako bigla.

Bike. Sasakay ng bike. Magpepedal ng bike. Madali lang naman eh. KUNG MARUNONG AKONG MAG BIKE!

"Dele ok ka lang?" bulong sakin ni Francie. Humarap ako sa kanya sabay kagat ng ibabang labi ko

"France tinatanong pa ba yan? Hindi ako okay."

"Sabi ko naman kasi sayo eh. Oh ano, susunod naba tayo?"

"Oo! Doon na lang tayo kila Peyton" nung akmang tatayo na kami biglang nagsalita si Sir

"By the way, students bawal ng mag back-out dahil pag ginawa nyo yun ma su-suspend kayo in 2 weeks" Nagtinginan naman kami ni Francie

"Anong gagawin natin?" tanong ko. Biglang nabaling ang atensyon ni Francie kay Sir at ngumiti

"I have an idea, pero makisabay ka na lang ha."

"Ano?"

"Basta."

Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon tumayo kaming dalawa at naglakad papunta sa pwesto ni Sir.

"Excuse me Sir" paunang sabi ni Francie, lumingon naman si Sir samin

"Yes?"

'Sir, ano po kasi may buwanang dalaw po ngayon itong kaibigan ko. Kaya hindi po sya makakapag bisekleta"

Hanuudaw? Naramdaman ko namang hinawakan ni Francie ang t-shirt ko sa likod at hinila na parang sinasabing -sumakay-ka-na-lang.

"What? Kung ganun bakit P.E pa ang pinili nyo?"

"Ahhhh e-eh k-kasi po k-kanina nung nagpapalit kami ng damit w-wala pa naman pong tagos na nakita" sagot ko

"Sige nga tumalikod ka" utos ni Sir kaya tumalikod rin ako

"Wala namng bloodstain yung jogging pants mo? Pano mo nalamang may dalaw ka ngayon?'

Puutspaa! Buking na kami! Tiningnan ko si Francie pero umiwas lang sya ng tingin. Akala ko ba Best in sinungaling Awards to?

"Tsk! Tsk! Tsk! ang pinakaayaw ko sa lahat ang maraming dahil-dahilan, O sya! Balik na dun"

Umalis kaming naka busangot ni Francie

"Hindi tumalab yung Plan A. Gawin natin ang Plan B." sabi ni Francie

"Plan B? Tapos iiwanan mo na naman ako sa ere?" sagot ko

"Don't worry tatalab na to. Maniwala ka"

"Ano bang Plan B mo?"

"May LBM ka"

"LBM? Tapos pag hindi sya naniwala?" taas kilay kong tanong

"Pilitin mong umutot" sagot nya agad ko naman syang kinurot

"Baliw"

Hindi pa kami nakakalayo ng biglang nagsalita ulit si Sir

"Girls? Bawal kayong mag partner lalaki ang hanapin nyo" lumingon kami

"Pero Sir? Wala nang lalaking available" sagot ni Francie

"Sorry Sir, Were late"

Napalingon kami at nakita namin si Tyler at Max na nasa likod lang namin

"Oh ayan, Wala ng dapat irason pa" at naglakad na papuntang starting line si Sir.

"Tara na Joy, ayaw kong makakuha ng lowest na grade" at hinila na sya ni TYler palayo

"So let's go Sammy? Mas ayaw kong makakuha ng lowest. Ako pa naman ang Highest pagdating sa P.E" sabi ni Max at hinila na ako patungong starting line.

"T-teka lang di p-pwede ako"

(End of Flashback)

At eto kami ngayon natumba sa gitna ng track.

"ANO BA KASI YAN! MAG BALANCE KA KASI" sigaw nya

"Eh paano ko iba-balance? Di nga ako marunong mag bike" sagot ko sabay yuko dahil naramdaman kong anumang oras tutulo na yung mga luha ko

"ANO?"

*PPPRRTTTTT*

Nag whistle na si Sir hudyat na tapos na yung time at kami na lang ni Max ang naiwan sa gitna

"FUCK!"

yan lamang ang narinig ko sa kanya at sabay nun ang paghampas nya ng kanyang helmet sa ground at nasira ito sa sobrang lakas at umalis. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni Francie at dun na ako humagulgol ng iyak.


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon