"Were here"
Napamulat ako ng mata dahil narinig kong sinabi yun ni Tyler mula sa unahan. Nagsi-ungol naman ang mga kaibigan kong nasa unahan pati na rin ang kanilang mga nobyo dahil sa kanilang paggising. Agad naman naming inayos ang kanya-kanyang sarili bago bumaba ng sasakyan. Kinuha naman ng mga lalaki ang mga dala naming bag sa compartment nito.
"Labao Paradise" basa ko dun sa sementadong bagay na nasa gilid ng entrance gate.
"Yep, this is the best resort here in the Philippines, exclusive for biggest persons" rinig kong sabi ni Max na nasa tabi ko na ngayon napatingin naman ako sa kanya at ngumiti
"Let's go, pasok na tayo" aya samin ni Tyler habang nakaakbay sa girlfriend nyang si Francie.
Sabay-sabay kaming naglakad papasok ng resort. Tama nga si Tyler maganda ang lugar na ito. Maraming stall ng mga souvenir ang nasa paligid at ang daming mga foreigners, hindi lang basta mga foreigners malalaman mo talaga na napaka formal nilang tao at sa bawat coconut tree na nakatayo sa gilid ng pangpang ay may nakatayong mga sementadong Disney Characters .
"Guys, punta muna tayo sa hotel na tutuluyan natin" sabi ulit ni Tyler
Kaya sa ikalawang pagkakataon sumunod kami sa kanya. Pumasok kami sa isang color green na building na pinapalibutan naman ng mga organic plants.
"Good morning, Sir and Maam, welcome to Sylvia's hotel" bati samin ng front desk
"I would like to get the keys for Mr. Fortress reserved rooms" sagot ni Tyler dun sa babaeng nasa front desk. Pagkatapos sabihin yun ni Tyler mabilis nyang itinuon ang paningin sa computer na nasa harapan nya at mabilis na tinipak keyboard nito na para bang may hinahanap.
"5 reserved rooms for Mr. Fortress?" tanong nito at ngumiti ng mahinhin.
"Yes!"
Ngumiting muli ang babae sa amin bago kami tinalikuran. May kinuha syang limang card na naka sabit sa red painted wall at binigay ito kay Tyler.
"Here's your keys Sir, your room is on the 2nd floor. Enjoy!"
Kinuha naman ito ni Tyler at binigyan ng tig-iisang cards ang mga lalaki.
"W-wait! By couple yung room?" biglang tanong ni Suredele
"Of course baby, para naman makapag-solo tayo" pabirong sagot sa kanya ni Max
"Hoy, hoy, hoy, subukan mo lang at mapapatay kita." galit na sabi ng kaibigan ko at binigyang distansya ang sarili sa lalaki.
"Joke lang!" mabilis na tugon ni Max at hinapit ang bewang ni Suredele palapit sa kanya.
Nagtawanan naman kaming walo dahil sa inasal nilang dalawa. Nagtungo kami sa elevator at sabay sabay na pumasok doon, si Trevor na mismo ang pumindot nito para makapunta kami ng second floor.
"Bakit Sylvia yung name ng hotel nato?" tanong ko kay Tyler
"Yun ba? Sapagkakaalam ko kasi isa syang anak ng may-ari ng resort na to, actually bawat hotel na nandito ay nakapangalan sa mga anak nya"
"Eh, bakit ito ang pinili mo?"
"Eto kasi yung pinaka maganda sa pito nyang anak. Kaso namatay na sya, kaya pinabongga na lang ng may-ari ang hotel nato."
Napatango lang ako bilang pagsang-ayon at sabay nun ang pagbukas ng elevator. Paglabas namin nagulat ako dahil limang kwarto lang ang nasa floor na ito.
"Woah! ang ganda nito ha" sambit ni Shay
Talagang napahanga ako sa bumungad sa akin. Napaka ganda kasi nung pasilyo kulay ginto yung lumalabas na ilaw sa chandelier at kung may ano-anong insekto ang lumilipad sa buong pasilyo pero malalaman mong artificial insects lamang ang mga ito at yung mga nakapinta sa dingding ay nakaka-amaze na parang nasa jungle ka lang. Dahil rainforest yung theme ng buong floor.
"Anong room natin?" rinig kong tanong ni Francie kay Tyler
"Room-2 Reizel"
"Yung atin Max?" tanong naman ni Suredele kay Max
"Room-1 Renz"
"Anong card ang hawak mo?" dugtong ni Mavis sabay tapik kay Trevor
"Room-5 Amber"
"Yung sa atin Lav?" tanong naman ni Shay kay Sting
"Room-3 Gwayne"
Binaling ko naman ang tingin ko kay Kiel na ngayon ay nakatingin na rin sakin. Tinaasan ko lang sya ng kilay at nginitian.
"Room-4 Arianne" sabi nya
"Ang weird naman ng mga room names natin" kunot noong sabi ni Shay
"Eh, kasi mga pangalan yan ng anak ni Sylvia yung mga numero, yan yung pagkakasunod-sunod ng mga anak nya. Yung nasa 3rd floor nicknames naman nila ang nakapangalan. And lastly, yung 4th floor pangalan ng asawa nya at apo nya, na anak ni Renz" mahabang paliwanag ni Tyler
"Dami mong alam ha" sabi ni Max sabay akbay sa kaibigan yan
"Syempre, Tinanong ko lang naman si Pareng Google" sagot nito.
Pagkatapos ng mahabang usapan sa pasilyo agad naman kaming nagsipasok sa mga assigned rooms namin para makapag ligpit. Pinasok ni Kiel yung card para mabuksan yung pinto. Pagkapasok namin nagulat ako dahil pink and green yung aura ng kwarto
"Don't tell me, favorite color to ni Arianne" sabi ni Kiel. Tiningnan ko sya at nagkibit-balikat na para bang sinasabing "Hindi ba obvious?"
Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Merong mini ref sa loob, meron ding walk-in closet na color pink, may bathroom may malaking flat screen na TV at mayroon ding terrace na makikita mo kung gaano kalawak ang buong lugar.
Pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko.
"BAKIT IISA LANG ANG KAMA?"