NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na dumampi sa aking mukha. Umupo ako ng maayos sa ibabaw ng kama at itinaas hanggang dibdib ang kumot. Tiningnan ko ang paligid wala na si Kiel sa tabi ko.
Hindi ko mapagilang hindi ngumiti ng sumagi sa isip ko ang nangyari saming dalawa kagabi. Hindi naman ako nakaramdam ng paghihinayang dahil ibinigay ko sa kanya ang isang bagay na pinakaiingatan ko, dahil na rin siguro sa kadahilanang mahal na mahal ko ang taong pinagbigyan ko nun. Tumayo ako upang maligo sa banyo. Nang bigla akong napangiwi ng maramdaman ko ang sakit sa ibabang parte ng aking katawan.
SHIT! PAANO AKO MAGLALAKAD NITO NG MAAYOS.
Paika-ika akong naglakad patungong banyo at agad na umupo sa ibabaw ng toilet bowl. Bahagya kong minasahe ang aking binti upang maibsan ang hapdi na nanggagaling sa aking kaselanan. Ilang minuto ko yung ginawa hanggang sa maramdaman kong unti-unti ng nawawala ang sakit. Mabilis akong naligo at nilinis ng mabuti ang aking katawan. Pero sa t'wing nakikita ko ang mga marking binigay sakin ni Kiel hindi ko maiwasang hindi kiligin at alalahanin ang ginawa namin kagabi.
Gosh! Those eyes, kissable lips who kissed every part of my body, his playful tongue, his abs and especially his big and long di—
SHIT PEYTON ENOUGH! THIS NOT YOU. GOSH!
Mariin kong pinilig ang aking ulo upang iwasang isipin ang mga yun. Ang landi ko na. Mabilis kong tinapos ang paliligo at agad na lumabas ng kwarto upang magbihis. Kasalukuyan kong sinusuklay ang aking buhok sa harap ng salamin nang makita kong bumukas ang pinto at pumasok si Kiel na nakangiti.
"Hey, good morning." bati nya sabay yakap sakin sa likod
"Good morning din" nakangiti kong sagot at mabilis na itinali ang aking buhok.
"Naghihintay na sila sa baba, kakain na raw tayo at uuwi na" tumango lang ako bilang sagot at tumayo mula sa pagkakaupo kaya bahagyang naalis ang kanyang pagyakap sakin.
"Teka! galit ka ba?"
Nagtataka naman akong humarap sa kanya.
"Ha? hindi ah, bakit naman ako magagalit sayo?"
Nakita ko syang naglakad palapit sa kama at umupo do'n.
"Dahil sa ginawa natin kagabi? Alam ko namang napilitan ka lang dahil nagpumilit ako. Nagsisisi kaba dahil ako ang nakauna say—
Hindi na nya napatuloy ang dapat sabihin ng mabilis akong umupo sa kandungan nya at hinalikan sya sa mga labi. Alam kung nagulat sya, pero hindi nagtagal gumanti rin sya ng halik sakin. Bago pa man humantong sa mainit na halikan ako na ang unang tumigil. Hinawakan ko sya sa pisngi at pinagdikit an gaming noo
"Of course not, pareho nating ginusto yun. Tandaan mo kahit anong mangyari hinding-hindi ko pagsisisihan yun. I love you" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya at hinawakan ang kamay ko
"Don't worry you're my first too." sabi nya at muli akong hinalikan sa labi.
Nagbabyahe na kami ngayon pauwi. Syempre bumili ako ng mga souvenir at pagkain na pasalubong para kay manager. Tahimik ang lahat sa byahe dahil na rin siguro sa pagod. Hinatid nila kami sa condo at agad naman silang umalis.
Sana nga hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko at bukas. Final round na at siguro ito na ang tamang panahon para ipagtapat sa kanila ang totoo. SANA wala nang sisingit o pangunahan kami sa aming gagawin.
God, please help us.
~Kiel~
Nang mahatid naming an gaming mga nobyo agad naman kaming bumyahe pabalik sa condo na tinutuluyan namin upang magpahinga para sa final battle bukas. Pero habang nasa aisle kami ng floor namin tanong nang tanong naman ang mga kasama ko