~Shay~
Pinauna muna naming umalis sina Peyton at Francie papuntang mall. Then after 10 minutes umalis na rin kami. Nagtataka kayo kung bakit KAMI? Dahil kasama ko si Suredele. I mean pinilit ko syang sumama sakin. Kakabagot tumambay sa condo pagkatapos wala ka namang gagawin . Mabuti pa nga tong si Mavis eh. Basta may hawak lang na libro buo na yung araw nya
Napagdesisyunan namin ni Suredele na bisitahin si Manager Lucy sa bahay nya. Di kami ay este AKO PALA makakapag boy hunting dahil suot suot ko ang personality ni Lala Martinez. Dahil imbes na maiinlove si machong gwapito mahihimatay sya pagnakita ako sa itsurang to.
Bago kami tumuloy sa bahay ni Manager nag stop muna kami sa Mall upang bumili ng pagkain. Ayoko kayang tumigil sa mga Drive Thru. Panira ng beauty lang yan
"Anong o-orderin natin?" tanong ni Dele (short for Suredele) habang pumipila kami sa counter ng Jollibee. Yeah! Sa jollibee kami om-order dahil sayang naman. Kami kaya ang kinuhang endorser nito kaya dapat maging loya. Pero nakakapagod rin maging LOYAL dahil minsan ikaw pa yung masasaktan magiging martir ka lang sa kanya.
"Ewan ko! Ikaw nang bahala dyan" kibit balikat kong sagot. Tinaasan nya lang ako ng kilay. Hahaha! Kasi naman di pa naman ako nakain dito. Nung kami na ang susunod na mag o-order may biglang sumingit sa unahan namin. Aba! Nakakabastos to ah.
"Excuse you Mr, pumila ka nga ng maayos konting respeto naman oh" kulbit ko dun sa lalaking sumingit sa unahan ni Suredele. Agad naman syang lumingon at tiningnan ako naka shades sya at nakasuot ng leather jacket. Nabigla ako dahil nginitian nya lang ako at binaling ulit ang paningin sa unahan at nagsimula ng umorder.
Abeh nemen! Anong akala nya sakin mapapa GOOD MOOD sa NGITI nya? Excuse me hindi ako basta basta madadala dyan nuh. Di naman kagwapuhan
Kukulbitin ko sana sya ulit kaso nga lang pinitik ni Suredele yung kamay ko sabay bulong
"Hayaan mo na pogi naman eh" sabay kindat. Ay susme nahawa na sya sa pagiging boy inspector ko. Pero kahit na fall in line is fall in line. Natapos ng mag-order yung lalaki pero bago sya umalis tumigil siya sa harapan ko at nag-smirk. Duh! Mukhang demonyo.
"Good morning ma'am Welcome to Jollibee. Can I take your order?" rinig kung tanong ng cashier lady na nakangiti.
"1 bucket of chicken joy, 5 large French fries, 3 sundae and 5 burger champ" Teka? ang dami ata nyan. Akala ko ba nag di-diet to
"Take out or dine in?"
"Take out"
Pagkatapos nun nagbayad na si Suredele. Sabi nung babae 5 minutes pa daw bago ma prepare yung order namin. Naghanap muna kami ng bakanteng table. Pero dahil sa weekend ngayon maraming tao ang nakakalat sa mall pati sa mga food courts.
"Shay dun sa gilid merong bakante" turo ni Dele dun sa table na nasa pinaka dulo nung uupo na sana kami
"Hey! kami ang na una sa table na to ah" inis kong bulyaw sa dalawang lalaking umagaw sa table namin. Nilapag ko pa yung isang kamay ko sa lamesa at tiningnan sila ng masama. Teka! sya yung lalaking sumingit sa pila namin kanina ah. Yung naka shades at leather jacket. Tiningnan ko naman yung kasama nya. Ganun rin yung outfit nya. Don't tell me mga taong hamog sila?
"Kayo ang unang nakakita pero kami ang unang naka upo" sagot nung kasama nya. Samantala yung isa ay nag smirk lang sakin. Napupuno na ako sa dalawang to ha. Pinagmasdan ko lang silang kumakain ng Fries habang ako ay nakatayo sa tabi ng table. Inayos ko yung salamin ko sabay buntong hininga
"Pinanganak ba kayong bastos?" nakita ko namang nabulunan silang dalawa. Di ko na talaga mapigilan yung sarili ko eh.
"What?" kunot noong reaksyon nila
"Shay that's enough! May bakanteng table na dun sa likod" bulong nito sakin napatingin naman ako kay Suredele at dun sa mesang tinuro nya. Pero bago kami maglakad papunta dun binigyan ko muna sila ng Di-pa-tayo-tapos-look then umalis na kami. Di nagtagal dumating na rin yung order namin. Sabay kaming tumayong dalawa para lumabas na.
No Choice dun kami dadaan sa table ng dalawang bastos. Pwes! De-dedmahin ko na lang sila Nakaka stress sa brace ko eh. Diretso lang kami sa paglalakad ako yung nasa unahan at si Dele yung nasa likod. Nung malapit na kami sa table nila mukhang seryoso naman silang kumakain. Nung nakalampas na ako ng kunti napatigil ako dahil
"Hey" narinig kong sumigaw si Suredele sa likod pagkita kong nakahawak sa kamay nya yung lalaking kasama ni bastos 1. Nung naglakad ako pabalik para sugurin sya hinawakan naman ni bastos 1 yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nagtaka ako dahil hinuhubad nya yung suot nyang shades, nung tuluyan nya nang maalis
.
.
.
O_____O
.
.
.
"S-STING?"