~Tyler~
Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa Starbucks. Nagpapainit lang ng katawan. Uyy! Wag green minded. Naalala ko naman kasi yung walkout thinggy na ginawa kanina ni Joy. Don't tell me first time nyang ma bully.Teka! bully ba ang tawag dun? Bawal na bang magpatawa ngayon? Sagutin nyo nga ako mga mahal kong readers.
"Hoy! kanina kapa tulala dyan" tapik sakin ni Max na may hawak na cookies
"Wala" sabay inom ng machiato na inorder ko. Alangan namang ninakaw ko? Marami akong pera
"Siguro iniisip mo yung kagaguhang ginawa mo no?" Sabi ni Sting habang kumakain ng Cheesecake
"Kagaguhan? Wala akong ginagawang masama. Kung meron man edi meron"
"Alam mo ikaw? Ang slow mo alam mo namang binully mo yung tao sa tingin mo di yun masama?" pangongosensyang sabi ni Sting
"Haha! Wag mo ngang ibaling yung mga pambubully mo kay Tyler. First time nya yung ginawa. Di tulad sayo. Kala mo kong sinong santo"pagtatanggol sakin ni Max at nag apir naman kaming dalawa at tinuloy uli ang pagkain ng cookies nya. Habang si Sting biglang ngumuso.
"Para kang bakla Sting! Mahiya ka nga" Nandidiring saway sa kanya ni Trevor sabay tapon ng tissue
"Papa Kiel oh, ina-away nila ako. Ang Bad nila" boses babaeng sabi nya kay Kiel at agad kumapit sa braso nito.
Nagulat kami sa ginawa nya parang bigla akong nasusuka sa nakikita ko. Pero mas lalo kaming nagulat sa ginawa ni Kiel. Kinuha nya ang inorder nyang frape at binuhos ito sa pants ni Sting. Isipin nyo na lang kong gaano ka init yun.
Agad naman syang napatayo at sumayaw sayaw sa gitna sa sobrang init siguro ng kape na binuhos sa kanya. Habang kami kulang na lang na gumulong gulong sa sahig sa sobrang tawa. Nagtataka kayo siguro kung bakit ang FREE namin ngayon nuh? Syempre binayaran na lang namin yung security guard ng 15K para bantayan kami sa labas na bawal magpapasok ng ibang costumer.
Sa kalagitnaan ng aming saya. Biglang tumunog yung phone ni Kiel agad nya naman itong sinagot
"Hello?"
"Saan po?"
"Now na?"
"Nandito pa kaming lahat sa Starbucks"
"Sa tapat ng School"
"Sige po"
"Bye"
At in-end nya na yung tawag napatingin kami sa kanya at napatingin rin sya sa amin. Na para bang mata na lang namin yung nag-uusap at sa huli isa lang ang pumasok sa isipan ko
Anong kailangan nya?