LUAV - Revelation 7

843 49 6
                                    


~Peyton~

"Thank you po" sabi ko dun sa tinder nung makuha ko na ang pagkaing binili ko. Napatingin naman ako sa pinto ng cafeteria

"Haay! hindi na muna ako babalik ng rooftop alam ko namang nag momonent na ang dalawang yun eh. Hindi naman ako KJ sa kaligayahan ng mga kaibigan ko para kumontra" bulong ko sa sarili ko.

Na upo ako sa table na nasa pinaka dulo. Para iwas atensyon ng mga walangyang estudyante.

Kumakain ako ng paborito kong siopao ng maramdaman kong may elementong tumayo sa harapan ko

"Hello Happy, alone?"

Pagkatapos nyang magsalita inangat ko yung ulo ko para makita ko kung sinong gorilla ang nakatayo sa harap ko.

"Bakit ka na lang nag-iisa? Iniwan ka na ba ng mga kaibigan mo?" at nilapag pa nya ang dalawang kamay nya sa mesa na pinagkakainan ko.

"Wala ka nang paki-alam dun Cherry. Bakit naiinggit ka ba? Dahil ang mga kaibigan ko nabingwit nila ang apat na Hashtagx na walang kahirap hirap. Pwera sayo, ilang taon pa ang ginawa mong panglalandi pero hanggang ngayon di mo pa rin sila nakukuha" sarkastiko kong sagot sa kanya. Pero ngumisi lang sya bilang sagot sa akin at agad umupo sa kabilang upuan na kaharap ko

"Tama ka, pero alam ko namang hindi sila magtatagal"

Napakunot bigla ang noo ko. Bawat salitang binibitawan nya parang may masamang kahulugan. Ano ba ang nasa utak nitong baliw na to

"Okay, gotta go Happy. Ciao" at kumindat pa sa akin. Sinundan ko naman sya ng tingin palabas ng cafeteria hanggang sa tuluyan syang nawala sa paningin ko

"Akala ko may gagawin na namang hindi maganda sayo si Cherry"

Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita

"Mark, ikaw pala anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na sya inayang umupo dahil naka-upo na sya sa pwesto kong saan umupo ang bruhildang si Cherry.

"Kanina pa nga kita hinahanap eh, mabuti na lang nakita kung pumasok si Cherry sa loob at sinundan ko kung saan sya papunta. Yun pala sa kinaroroonan mo" natawa naman ako sa expression nya dahil bigla syang namula

"Teka? bakit mo naman ako hinahanap?"

"A-ano kasi gusto ko sanang i-ibigay to sayo" sabay abot sa akin ng isang heart shape na kahon

"Ano to? Para kanino? Hindi pa naman Valentines Day ngayon ah" tanong ko habang nakatitig sa kahon

"P-para sayo yan"

"Para sakin?" gulat kong sagot.

Hindi ako nagulat dahil first time kong maka tanggap ng regalo ha. Syempre marami na akong natanggap lalong lalo na sa mga fans namin. Nagulat lang ako dahil may nagbigay sakin ng regalo sa itsura kong ito. Tumango lang sya sabay kamot ng ulo nya. Bubuksan ko na sana yung kahon kaso

"Anong ginagawa nyong dalawa?" napatingin kami ni Mark kung san nagmula ang boses

"Pa-pasensya na, kailangan ko nang umalis. Happy sa-sana magustuhan mo" nagmamadaling paalam ni Mark. Pipigilan ko pa sana sya kaso mabilis syang tumakbo paalis. Naku! naman di man lang ako nakapag pasalamat

"Nililigawan ka ba nya?"

"Ewan ko sayo, bakit ka ba kasi nandito? May papautos ka? Sana tinext mo na lang yan tuloy natakot sayo yung tao" inis kong sagot sa kanya. Tiningnan ko naman kung anong reaksyon nya pero nanatili pa rin syang humihigop ng Zagu

To be honest? Ang cute nyang tingnan

"Next time ayokong makikipag-usap sa kanya at— naputol yung sasabihin nya dahil napatingin sya sa kahon na nasa mesa. Agad nya naman itong kinuha.

"Ano to?" tanong nya

"Ano ka ba naman Kiel. Ibalik mo yan sa akin" at pinilit kong kuhanin sa kanya ang kahon. Pero di ko man lang magawang agawin dahil ang taas nya. Mukha syang mortal giant.

"Ano bang laman nito?" sabi nya at agad binuksan ang heart shape na kahon. Tumigil naman ako sa pakikipag agawan sa kanya

"Brownies?" kunot noong sabi nya

"Bigay ba sayo ni Mark to?" tanong nya

"Oo, bakit ba?"

Pero imbis na sagutin ako. Naglakad sya sa pinaka malapit na basurahan at tinapon ang brownies. Nanlaki naman ang mga mata ko. Padabog akong naglakad palapit sa kanya.

"WHAT THE HELL DID YOU DO? Bakit mo tinapon yun ha? Bigay yun sa akin kaya wala kang karapatan na itapon ang pagkain na dapat sa akin" bulyaw ko sa kanya. Buti na lang di na masyadong matao ngayon dito sa cafeteria kaya kuntii lang ang nakatingin saamin

Tumingin si Kiel sa akin at bigla akong niyakap. Hindi naman ako nakapag react agad. Bakit nakakaramdam ako ng ganito? yung puso ko biglang bumilis ang pagtibok at naramdaman kong biglang nanghina ang aking mga tuhod. Ilang segundo ang lumipas ng bigla syang kumalas sa pagyakap sakin. At kinuha nya ang isang kamay ko

"I - I love you Happy, and if you love me too? don't go in there" sabay lagay ng isang papel sa palad ko at tinapik ang balikat ko at tuluyan na syang naglakad paalis

binuksan ko ang papel at binasa ang nakasulat dun

Hi, Happy I like you and I want to court you. Please meet me in the garden after you read this. Im waiting

-Mark.

Di ko maintindihan ang sarili ko. Dahil nakita ko na lang ang sarili ko na pinunit ang sulat at tinapon sa basurahan

Lumingon ako at nakita ko si Kiel na palabas na ng cafeteria. Hinabol ko sya at agad niyakap mula sa likuran. Naramdaman ko namang tumigil sya sa paglalakad

huminga ako ng malalim sabay sabing

" I won't, because I love you too"


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon