Voice 24

991 55 10
                                    


~Mavis~

"Jiro, Arcie, pasok na kayo sa loob. Sumenyas na si Ren sa amin. I held Jiro's hand. Let's Go My Prince, The End"

The end? As in the end na? Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng mabasa kong "The End" na ang librong The Prince By: Alyloony. Di man lang naabutan nang dalawang oras sa pagbabasa. Tsk!

Tumayo ako at naglakad papunta sa cabinet para maghanap kung ano pang story ang pwedeng mabasa.

"Voiceless? Nah!" *tapon sa likod*

"Courting My Future Husband? Gusto ko dito si Tristan pero si Nathan yung gusto nya. Wag ito naiinis ako. Psh!" *tapon sa likod*

"Ano pa ba ang maganda dito? The Other Side? Memorize ko na to eh. Operation: Break the Casanovas heart? The Falling Game? Diary ng Panget? In Search of a sweeter song?

Hanggang sa lahat na ng libro ay nasa likod ko na. Wala na kasing magandang basahin.

*Ting*

Kyaaah! bibili na lang ako ng bago sa National Bookstore. Oh yeah! *kembot* Oh yeah! *kembot* Ang talino ko talaga *giling giling* *tumbling* *tumbling*

Hinalungkat ko na agad ang aking closet at sinuot ang disguise outfit ko.

1

2

3

Let's all welcome

"Cry Tolentino"

*Rampa*

*Rampa*

*Pose* :* V

Nandito na ako nakatayo sa harap ng libo-libong libro. 'Woah! ang dami naman neto. Tapos mukhang magaganda pa. Di ko naman pwedeng bilhin lahat. Papagalitan ako ng apat at mapupuno ang condo namin ng libro'

"Hello Ma'am, need help?" napatingin ako sa isang babaeng todo ngiti sa akin. Problema nito?

"No!" sagot ko sa kanya at naglakad papunta sa isang shelf at kumuha ng isang libro

"Wow! Ma'am ang ganda po ng storyang yan. Pareho po silang brokenhearted sa first book series. Pero akalain nyo po sila ang nagkatuluyan. Hahaha"

Gaga ba to? Bakit ang ingay nya? Tapos sinabi pa nya ang description ng storyang to. Tiningnan ko yung librong hawak ko "Reaching You"

"Paano mo nalaman yung plot ng storyang to?" tanong ko dun sa babaeng kanina pa dada nang dada di naman naman tinatanong. Pero nanatili pa rin akong nakatingin sa libro.

"Ako po kasi ang nagsulat nyan."

Pagkarinig ko nun agad naman akong napatingin sa kanya. Na ngayon ay tuwang-tuwa sa sinabi nya.

"Huh? Ikaw ang nagsulat nito? At tintaas ko pa yung libro Ikaw si – tiningnan ko ulit yung cover ng libro at hinanap ang pangalan ng writer.

"Ikaw si alyloony?" sabay turo sa kanya

"Hahaha! Opo. So bibilhin nyo po ba?"

Napa isip ako, Kung bibilhin ko ito mababawasan yung pera ko, pero mauuwi ko sya sa condo, pagkatapos malalagay sa cabinet tapos matatapon ko na naman then BOOM! The end.

"Okay bibilhin ko to" sabi ko sa kanya ngumiti lang sya at sinamahan ako papuntang counter pero habang naglalakad kami papunta dun. Nag kwentuhan pa kami. Kung bakit sya nag tatrabaho dito, tapos yung sinagot nya sa akin "Part time po"

Oh diba ang ganda ng life nya. Pagkatapos kong bayaran sa counter lumabas na ako sa NB pero bago akong tuluyang makaalis. Lumingon muna ako at nakita ko si Ms. Alyloony na naka ngiti sa akin at kumakaway. Kaya gumanti rin ako ng kaway sa kanya at.

"ATE ALY, FAN NYO PO AKO NG THE PRINCE. NEXT TIME MAG PAPA BOOK-SIGN PO AKO"

Di ko na sya inantay na sumagot dahil tumakbo na agad ako. Paglabas ko ng store mabilis akong pumara ng taxi. Pero hindi pa ako nakakapasok.

"Hoy! Bitawan mo ako"


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon