PART II

1K 54 8
                                    


Pumasok kami sa gate ng isang mala palasyong bahay. Di pa rin ako maka paniwala dahil ang isang myembro ngFallen na rival ng Hashtagx ay nakapasok sa bahay nang leader nila.

"Pakisara nga yang bibig mo. Kanina ka pa nakanganga" Natauhan lang ako ng bigla syang magsalita. Binigyan ko lang sya ng masamang tingin. Nasa tapat na kami ng pintuan ng bahay nila. May pinindot lang sya sa gilid at automatic itong bumukas. Pagkabukas nito.

NGANGA! ANG INABOT NG LOLA NYO.

Walang binatbat ang white house ng America sa loob ng kanilang bahay. Bigla naman kaming nilapitan ng kanilang mga katulong.

"Hello Sir, Hello Maam" bati nila ngumiti naman ako bilang tugon pero yung katabi ko walang reaksyon. Pina-upo nya ako sa sofa at nilagyan naman agad ng tatlong katulong yung maliit na mesa ng milkshake at muffin.

"Oh your here, Im glad naka visit ka dito" napatingala ako sa isang babaeng dahan dahang bumababa sa hagdan. Woah! She looks pretty maybe her older sister. Naglakad sya papunta samin at agad niyakap si Kiel Aww! sweet sister <3

"Oh! Son what are you doing here? Napauwi ka ata ng maaga"

Hanudaw? M-MOMMY nya to? Bakit ang ganda? Samantala yung nanay ko maganda rin ^^

Agad naman syang napatingin sa akin. Teka? bakit ganyan sya makatitig parang ino-obserbahan nya yung mukha ko. Pero napakalma lang ako ng bigla syang ngumiti

"And look who's here A beautiful lady, is she your girlfriend?" sabi ng mommy nya at hinawakan si Kiel sa balikat. Kung ganito ka honest yung Mommy nya. Edi magkakasundo kami pero ano yung? Girlfriend daw ako ng anak nya? Yuuck >______<

"Beautiful? Tsk! Mom mag pa check ka na nga ng mata mo then Girlfriend? NEVER MOM! She's my slave" sabay tawa nang bangus na si Kiel. Aba! naman pwede namang classmate ah. Prangkang prangka talaga si Boss.

"Kiel, Stop it" sabat ng mama nya at hinampas sya sa balikat "Don't mind her iha, he's just kidding around. By the way what's your name?"

"I'm Pey--- Ha-Happy Santiago, Maam" Whooo! Muntik na ako dun ah. Sagot ko sabay bow dahil sabi ni author maging magalang raw ako.

"Too formal, Happy just call me Tita Mira" then hinalikan nya ako sa pisngi

"That's enough mom. Mag pa-praktis pa kami" epal naman nang isang to

"Ok honey goodluck" then umalis na si Tita Mira agad namang naglakad paakyat ang bangus na si Kiel kaya sumunod naman ako. Pumasok kami sa isang pintuan na tune yung pianting. Pagkapasok namin namangha ulit ako dahil isa itong music room na sari saring instrument ang nasa loob at may sofa sa gilid at merong mini stage sa gitna. Hinawakan ko yung gitara sunod naman yung drums.

"Marunong kang magitara?" Tanong nya na nakaupo sa sofa. Tumango naman ako tapos kinuha ko yung gitara at umupo rin sa sofa pero tatlong ruler yung agwat namin.

"Good! Ganito na lang yung gawin natin ibibigay ko yung chords ng kanta na kakantahin natin. Pag aralan mo. Ikaw na lang yung tumugtog tapos ako na lang yung kakanta"

"Huh? Unfair naman bakit hindi mo ako papakantahin?" sabi ko at ngumuso

"Bakit? Marunong ka bang kumanta?" napatigil naman ako sa sinabi nya MARUNONG AKONG KUMANTA TANGA KA! kaso na alala ko naman yung sinabi ni manager bago kami pumunta dito

'Kailangan nyong mag disguise at kailangan nyo ring i-disguise ang mga boses nyo'

Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kanya

"Wag na nga lan mag gigitara na lang ako" sabi ko sabay strum ng gitara. Kinuha ko na yung chords sa kanya tiningnan ko lang . Madali ko lang nakuha dahil natugtug ko na to eh, when I was 10.

"Ok let's start" sabi nya at pinwesto ang video camera sa harap namin. Nung naayos na nya ang lahat. Nag umpisa na akong mag strum at sabay nun ang pagkanta nya. Pagkatapos nang recording. Niligpit na namin yung mga ginamit naming instrument. Eh gitara lang naman yung ginamit namin.

"Mabuti naman at natapos na. Akala ko matatagalan tayo" sabi nito at inunat ang sarling katawan. Ngumiti lang ako at niligpit yung mga gamit ko

"Uyy! Slave sino nagturo sayong magtugtog ng gitara? Ang dali dali mo lang makuha yung chords"

"Natural Leader po ako ng Fallen. Syempre marunong akong tumugtog ng gitara"

Gusto kong sabihin sa pag mumukha nya pero syempre tinikom ko na lang yung bibig ko

"Nakanta ko na kasi yan" sabi ko pero nagulat ako dahil biglang kumunot yung noo nya "I mean natugtug ko na"pahabol ko at ngumiti ng pilit. Umarte akong napatingin sa wrist watch ko

"Uyy! Kiel uwi na ako mag gagabi na eh" sabi ko at kinuha yung sling bag na nasa tabi ko lang

"Sige mauna ka na susunod na lang ako"

Tumango lang ako at mabilis na lumabas sa silid na yun. Pagkababang pagkababa ko nakita ko si Tita Mira na naka-upo sa sofa habang nagbabasa ng Magazine. Napansin nya naman ako at agad syang tumayo

"Oh iha tapos na ba kayo?" tanong nya sabay tingin sa taas ng hagdan

"Opo uuwi na po ako, hinihintay ko lang po si Kiel na bumaba" sabi ko at ngumiti agad namang naging seryoso yung expression ni Tita Mira

"Can we talk?" seryosong tanong nya kinabahan naman ako bigla. Pero tumango na rin ako bilang sagot at naglakad kami palabas ng bahay nila at pumnta sa garden.

"About po saan Tita?" tanong ko agad sa kanya pero di ko pinahalata na kinakabahan ako

"Ano ang gusto mong itawag ko sayo, Iha? Happy? or maybe Peyton." nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi ni Tita. How? pano nya nalaman?

"P-p-po?"

"Oh come on, kahit anong tago mo alam kong ikaw si Peyton. You know why? I'm a fan of yours" sabi nito at hinawakan ang mga kamay ko

"T-tita?"

"So Happy or Peyton? Can I have an autograph?"

Nagulat ulit ako. Ay susme parang teenager lang

"Sige po next time"

Yan lamang ang nasabi ko tapos bigla nya na lang akong niyakap pero agad naman syang kumalas

"Uhm! Tita sana po secret na lang natin to"pagmamakaawa ko. Lagot ako kay manager pag nalaman ni Kiel to.

"Don't worry, your secret safe with me" sabi nito at ngumiti. Mag tha-thankyou na sana ako kaso di pa pala sya tapos magsalita

"In one condition" sabi ni Tita na may pilyong ngiti. Alam ko na to hihingi sya nang autograph ng mga kasama ko. Hahaha!

"Sure naman Tita" sagot ko. Masyado po kasi kayong halata eh hihingi po kayo ng autograph with picture

"Make my son fall in love with you"

"Nakuu! Tita madali lang ya-- WHAT?"


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon