Voice 43

932 51 6
                                    


~Shay~

Nandito kami ngayon ni Mavis sa grocery store upang bumili ng mga ingredients na gagamitin sa aming cooking session na gaganapin sa bahay ng mga boss namin. Mabuti pa nga si Peyton dahil libre ni Kiel lahat. Pero di pa rin maalis sa isip ko ang ginawa ni Max kay Suredele. Ang manyak na yun wala ng ginawang matino sa buhay.

"Shay counter na tayo?" kulbit sakin ni Mavis

"Sige"

Pagkatapos naming bayaran ang pinamili namin dumiretso muna kami sa greenwich upang kumain nag order lang kami ng 2 lasagna supreme, isang Hawaiian Pizza at dalawang Mango Pearl coolers. Naghanap kami agad ng mauupuan dito kami umupo sa good for 4 persons para naman may pag lagyan kami ng pinamili namin. Naghintay kami ng 5 minutes at dumating na rin yung pagkain namin.

"Shay anong kakantahin natin sa First quarter round" tanong ni Mavis sabay kagat sa pizza nya.

"Di ko alam, tanungin na lang natin si Peyton sya naman ang palaging nag de-decide ng kanta" sagot ko sabay subo sa lasagna

"Sabagay! By the way saan ka didiretso pagkatapos nito? Kasi nagtext si Trevor na dun ko na lang raw sya antayin sa entrance nitong mall"

"Ewan" kibit balikat kong sagot.

Ilang minuto rin ang lumipas ng matapos kaming kumain ni Mavis at dumiretso na sya palabas para dun antayin si Trevor. Samantalang ako naupo sa bench na nasa labas ng greenwich.

"Kanina ka pa?" pagtingin ko kung sino yung nagsalita si Sting pala at wala syang kahit na anong disguise.

"Hindi naman"

"So tara na? Para makapag umpisa na tayo"

"Ok"

Pagtayo ko bigla nyang kinuha sa akin ang mga supot na naglalaman ng mga ingredients.

Hala? Anong nakain nito?

Di ko na namalayan nakatulala na pala ako sa kanya. At bigla akong napahawak sa bandang dibdib ko,

Bakit? bakit bigla akong nakaramdam ng ganito. Bumibilis yung tibok ng puso ko hindi kaya may gusto ako sa lalaking to? Pero Hindi. Hindi pwede.

"Lala are you okay?"

Natauhan lang ako ng hinawakan ni Sting ang balikat ko.

"A-aah o-oo okay lang ako, tara na?" at nagpa-una akong maglakad.

No kailangan kong pigilan to as soon as possible

~Sting~

Pagdating namin sa bahay dumiretso agad kami sa kusina. Pero ang nakakapagtaka lang parang umiiwas sakin si Lala. Nakapag bake kami ng maayos pero walang imikan. Sabi nya ako na lang daw ang bahalang magdala bukas ng binake namin. Pumayag naman ako.

"Sting? Pwede na ba akong umuwi?" tanong nya habang hinuhubad ang apron.

"Sige ihahatid na lang kita" sagot ko

"NO. I mean wag na kaya ko namang umuwing mag-isa meron pa namang tax—

"Iniiwasan mo ba ako?" pagpuputol ko sa sasabihin nya.

"Ha? Hindi ah, bakit naman kita iiwasan?" balisang sagot nito. Lumapit ako sa kanya at sya naman ay umatras hanggang na corner ko sya sa dingding.

"Sting? Can you do me a favor?" biglang tanong nya na hindi tumitingin sa akin.

"And what is that?"

"I don't want to be your slave anymore" this time tumingin na sya sa akin.

"Why?" bigla kong tanong aalis sya ng walang dahilan?

"Kasi ayokong— hindi nya natapos ang sasabihin dahil biglang tumulo ang mga luha nya.

"Ayaw mong ano? Get to the point Lala" inis kong tanong sa kanya. Dahil ang pinaka ayaw ko sa lahat ang makakita ng babaeng umiiyak mismo sa harapan ko

"KASI AYOKONG MAHULOG NG LUBUSAN ANG LOOB KO SAYO, AYOKONG MAKARANAS NG MAY MINAMAHAL MALIBAN SA MGA KAIBIGAN AT MAGULANG KO AT AYOKONG SAKTAN ANG SARILI KO NG DAHIL SAYO"

Pagkatapos nyang sabihin yun ako naman ang napaatras ng dalawang beses. Ayaw nyang magmahal? Bakit?

"Kaya please Sting hindi lang ito para sa akin para rin to sayo" patuloy nya

Pero imbis na pagbigyan ang kahilingan nya. Humakbang ako ng ilang beses palapit sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay nito.

"Wag mong pigilan— pinunasan ko ang kanyang mga luha gamit ang mga kamay ko at hinawakan ang balikat nya –because I'm starting to feel the same"

At unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya at naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga labi namin. Sinimulan kong igalaw ang mga labi ko pero nagulat ako ng hinawakan nya ang batok ko at gumanti sa mga halik ko

This time napatunayan kong mahal ko nga ang babaeng to.


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon