"Mama, bakit ka pumunta ng school?" sigaw ko pa lang pagkapasok ko sa bahay ni manager. Nakita ko naman syang tumayo galing sa sofa. Kaya naglakad ako palapit sa kanya
"Bakit, bawal bang dalawin ang pinakamamahal kong anak?"
Napahinto ako sa sinabi nya. Pinakamamahal? She's lying. Kung mahal nya ako sana hindi sya umalis sa mga panahong kinakailangan ko sya.
"Liar." matigas kong sagot
Pero naglakad lang sya papalapit sa akin at bigla akong niyakap
"That's why I came back, I want to correct all the bad things that I've done to you. I'm so sorry sweetheart, I really am" naramdaman ko na lang ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa aking mga mata. At last ngayon ko lang naramdaman ang presensya ng isang ina. Naramdaman ko na lang ang pagkalas ni mama sa pagkayakap sa akin.
Hinaplos nya ang buhok ko at hinawakan ang mga kamay ko.
"Let's go back to U.S Pey, let's start over again together with your dad, he really miss you"
Ang matagal ko nang inaasam na magiging kumpleto na kami. Finally, matutupad na, pero may isang bagay na sumagi sa isip ko.
"Mama, gustong gusto ko na po kayong makasama ni papa. But, I can't go home" nakita ko namang kumunot ang noo ni mama. Tiningnan ko si manager na nasa likuran ni mama at ang mga kaibigan kong nasa likuran ko. "Meron pa po akong trabahong hindi pa natatapos" sabi ko. Nakita ko namang ngumiti si mama at hinawakan ako sa balikat.
"I understand my, sweetheart"
Finally, nagkaayos na rin kami ni mama hindi naman bato yung puso ko para hindi sya patawarin. Kahit anong mangyari nanay ko sya at babalik at babalik ako sa kanya.
Tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa balikat ko at niyakap ko sya ng mahigpit.
"I love you, mama"
~OOOOO~
"Guys, okay na ba kayo?" tanong ni Suredele
"Yes! Ready na kami" sagot naman ni Francie
"Guys, tumawag na yung front desk nandun na raw sila" sabi naman ni Shay
"So, tara alis na tayo" sabi naman ni Mavis
Sumakay na kaming elevator pababa sa ground floor. Naghihintay na kasi sa baba ang Hashtagx. Remember? Mag be-beach kami today, pumayag naman si manager basta raw mag-iingat kami, atsaka si mama bumalik na ng states, mag papahire raw sya kasi nang mga bagong staff sa company at para sa pagbalik ko raw dun. Ok na ang lahat.
Paglabas ng elevator dumiretso kami sa waiting area at agad kaming sinalubong ng Hashtagx.
"Woah! Girls, you look different" bungad agad samin ni Sting
Ahh yes, nag-iba kasi kami ngayon ng style. Naglagay kaming lima ng bangs at pinonytail ito and we are not wearing our nerdy glasses, gumanit lang kami ng contact lenses, pero nanatili pa rin yung braces.
"Well, it's a good different" dugtong ni Max
"Thank you" sagot naman naming lima.
"Let's go, mahaba-haba pa yung byahe natin today" sabi ni Trevor
Binitbit naman nang limang lalaki ang mga dala naming bags at pinasok ito sa loob ng sasakyan. Isa itong Hi Ace na pagmamay-ari ni Tyler. Pumasok na kami sa loob at ito ang naging seating arrangement namin.
Nasa driver seat si Tyler habang si Francie ay nasa tabi nya. Nasa first row naman si Shat at Sting, nasa second row sina Mavis at Trevor, nasa third row sina Max at Suredele at kami naman ni Kiel ang nasa last row.
Habang nasa biyahe kami kanya kanya kaming trip.
Si Francie na sinusubuan si Tyler ng chips habang nagda-drive.
Si Trevor at Mavis na kanya kanyang tanong kung anong mga novel na ang kanilang nabasa.
Sina Shay, Sting, Max and Suredele naman naglalaro ng D-C-APPLE. Feeling buggets lang eh.
Samantalang kami ni Kiel ay nakikinig nang music gamit ang ipod nya. Nag s-share kaming dalawa sa iisang earphone habang nakasandal ang ulo ko sa balikat nya.
"Happy, may sasabihin ako sayo" rinig kong sabi ni Kiel kaya napa-upo ng maayos at tumingin sa kanya
"Ano yun?"
"Alam mo bang may kamukha kang celebrity"
"Ha? Sino naman? I'm pretty sure, maganda sya" sarkastiko kong sagot
"Yeah, maganda sya. Para kang si Peyton Dreyar"
Pagkasabi nya nun. Biglang nanlaki ang mga mata ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Pati rin sina Shay ay napatigil sa paglalaro at sina Mavis ay napa-lingon sa amin.
"Oh? Bakit kayo napatingn, ang paparazzi nyo naman" natatawang sabi nya. Hinawakan nya naman ang baba ko para lingunin sya at pinisil ang ilong ko
"Ang swerte mo naman, babe. Kamukha mo yung idol mo, don't worry ipapakilala kita sa buong miyembro ng Fallen" ngiting sabi nya at mabilis akong hinalikan sa noo
Naramdaman ko naman ang mga karpenterong nagsipukpukan sa dibdib ko. Nakokonsensya ako sa ginagawa namin. Napaka inosente nya, samantalang ako niloloko sya
"A-a-ah o-oo sige" sagot ko, ngumiti lang sya at nagsenyas na sumandal ako sa balikat nya. Kaya sumandal naman ako pabalik
Oh, please wag muna ngayon.
*After 1 hour and 45 minutes*