LUAV - Revelation 12

794 45 4
                                    


~Lucy~

Pagkababa ko nang kotse, dire diretso akong naglakad papasok ng bahay at sinalubong agad ako ni Daddy.

"My princess, I'm glad you remember my special day" sabi ni dad at niyakap ako ng mahigpit kaya gumanti rin ako ng yakap sa kanya

"Bakit ko naman makakalimutan ang espesyal na kaarawan ng lalaking naging Knight and shining armor ko?" sabi ko sabay kalas sa yakapan namin "Happy birthday, Daddy" sabay abot ko sa kanya ng dala kong regalo, kinuha nya naman ito at hinalikan ako sa noo. Agad naman syang nagpaalam upang kamustahin ang iba pa nyang mga bisita

"Oh! look who's here, the prodigal daughter?"

Napatingin ako sa taas at nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng black highslit fitted gown na bumababa ng dahan dahan sa hagdan. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa makarating sya sa harapan ko

"So, what do you want me to do. Welcome you? But I'm sorry sis, you're not welcome in our home" puno ng galit na sabi nya sa akin. Ngunit ngumiti lang ako at hinawakan ang balikat nya

"I don't need your cheap welcome address" sabay tanggal ng kamay ko na nasa balikat nya "And by the way it's my house too. I'm still part of the family, remember that, sister?" patuloy ko sabay smirk at nilampasan ko sya. Pero di pa ako nakakalayo nang bigla nyang hinigit yung braso ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Why did you came back? Alam mo bang masaya na kami nung wala ka pa. At ang lakas din nang loob mong gumawa ng sarili mong grupo. Para ano? Para gumanti sa pagkatalo mo."

Tinabig ko yung kamay nya na nakahawak sa akin at tiningnan sya ng mapang-asar

"I'm not like you. Pag alam kong talo ako, tanggap ko na yun. Kaya wag mong idamay si Jacob dito. Gumawa ako ng grupo dahil gusto ko. Sayang nga lang mas magaling ang akin kesa sayo"

Nakita ko agad na nagbago ang kanyang reaksyon na anytime ay balak nya na akong sabunutan. Tinaas nya ang kanyang kanang kamay para sampalin ako pero agad ko itong nahawakan

"Bumalik ako para kay Dad at para kay Trevor. Hindi para sayo" at this time ako naman ang nagtaas ng kaliwang kamay ko para sampalin sya ngunit biglang dumating si Daddy.

"Lurianna? What are you doing?" sabay hila sakin ni dad palayo sa kapatid kong bruha "Lisanna, wag naman kayong mag-away sa party ko"

"She started it" sabay turo sakin ni Lisanna. Napahawak lamang si dad sa kanyang noo

"Tama na yan, Osya! puntahan na natin yung table nung mga kaibigan ng kapatid nyo" sabi nya at nagpa-unang maglakad kaya heto kami nakasunod lamang sa kanya. Di naman kami nag imikan ni Lisanna pero hindi ko maiwasang di tumingin sa kanya

Haaay! ang laki laki mo na ngayon. Kahit di ko man aminin, miss na miss rin kita. Ang saya pa natin noon pero bigla ka na lang nagbago. Ikaw na nga yung pinili ni Jacob sa ating dalawa ikaw pa yung nagtanim ng galit na samantalang ako dapat.

"Hello, Hashtagx"

Natauhan lang ako ng marinig kong magsalita si daddy, nakita ko namang lumingon sila at tumayo

"Hello, Mr.M" sabay sabay na bati ng Hashtagx maliban lang kay Trevor. Samantala yung limang babae ay nakatingin saakin. Kinindatan ko lamang sila sabay ngiti

"So, Trevor my son mga bago mo bang kaibigan ang mga nagagandahang babaeng kasama nyo? Hindi mo man lang ba kami ipapakilala?" bigla naman akong natawa ng palihim sa sinabi ni dad. Maganda raw . Asus! flattered na naman ang mga babies ko.

"Oh! Sorry" sabi ng kapatid kong si Trevor, tumayo naman sya ng matuwid at pinakilala ang kanyang mga bisita

"Dad this is Happy Santiago, Kiel's girlfriend" pakilala nya kay Peyton na katabi ni Kiel, nagbow naman ito sabay ngiti

"This is Joy Servantes, Tyler's girlfriend" yumuko rin sya katulad kay Peyton

"Lala Martinez and Sammy Martinez, their twins. Girlfriend po ni Sting si Lala at si Sammy kay Max"

So? Twins pala ang karakter ng kanilang fictional na sarili? Di halata. Mukhang matatawa ako nito buong magdamag ha. Ano ba naman kasi ang pinangagawa nila?

"And Dad— inakbayan naman ni Trevor si Mavis –I want you to meet my girlfriend, Cry Tolentino" yumuko naman si Mavis at ngumiti

"Hello po" sabi nya. Napadako naman ang tingin nya sa akin, ngumiti lang ako sabay sabing Congrats

Ngayon naglakad na si Trevor palapit saamin at pumwesto sya sa tabi ni Lisanna

"By the way girls, I know na hindi pa kayo pamilyar sa kanya. This is Ate Lisanna, my sister and also our manager" pakilala ni Trevor kay Lisanna sa kanila pero poker face lang ang reaction na binigay ng kakambal ko, ganun din naman ang binigay na reaksyon ng mga babae maliban lang kay Mavis na yumuko

Good girl

Agad namang lumapit sakin si Trevor sabay akbay

"And this is ate Lurianna but you can call her ate Lucy the Fallen's manager" yumuko ako at kumaway sa kanila

"Hello"

Pero nagulat ako dahil biglang tumili si Francie

"AHH! Kayo po ba talaga ang manager ng Fallen? Wow! ang saya ko po na na meet ko po kayo in person" sabi nya. Napataas naman ako ng kilay. Anong trip nito?

"Pasensya na kayo ma'am Lucy, fan na fan po kasi si babe ng Fallen" sabi ni Tyler

Ahh! Fan pretender?

Tumango lang ako bilang pag sang-ayon

"Hindi po ba dadalo ang Fallen, ma'am Lucy?" tanong ni Max

Napatingin naman ako sa limang babaeng nasa harap ko

"Pasensya na, nag out of town kasi sila ngayon" may halong lungkot na sabi ko.

Kung alam nyo lang na nasa tabi nyo lang sila

"Out of town, talaga?" sarkastikong tanong ni Lisanna

"Oo, bakit?"

"Talaga lang ha, baka naman party din. Nagbabalat kayo lang sila" napakunot bigla ako ng noo. May alam na ba sya? Sasagot na sana ako pero bigla sya nagsalita

"I have to go" sabi nya sabay alis at naglakad papasok ng bahay

"Excuse me" sabi ko at sinundan sya. Paakyat na sana sya ng hagdan ng bigla ko syang inunahan paakyat at pinigilan

"Get out of my way witch, before I push you to hell" galit nyang sabi pero hindi ko sya pinansin

"Anong nalalaman mo?" seryoso kong tanong. Pero ngumiti lang sya, ngiting bruha.

"Everything I know sister, everything." bigla naman akong nanlamig at natulala di ko namalayan nalampasan nya na pala ako

"If I were you, wag mo na silang padaluhin sa final battle. Kung ayaw mong masira ang reputasyon mo at ang pagtingin sayo nang mahal mong kapatid"

At nagpatuloy na sya paakyat. Samantalang ako ay napa upo na lang sa hagdanan.

Gosh! hindi maganda to.


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon