Voice 25

943 57 6
                                    


~Francie~

Today is Monday so it means it's activity day. Haaay! Dalawang gabi akong hindi makatulog ng maayos dahil dun sa sinabi sakin ni Ate Sheryl.

(Flashback)

Mabilis akong naglakad papuntang maindoor nang mansyon ng mga Fortress Family and tribes. IN short gusto ko nang umalis sa bahay ng chunggorilyang si Tyler.

Nang malapit na ako sa pinto nagulat ako ng biglang humarang si Ate Sheryl sa harapan ko.

"Ate? may problema po ba kayo?" tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin nya ako bigla syang lumuhod at umiyak. Oo lumuhod talaga sya na parang batang inagawan ng kendi.

"A-ate? Ano pong nangyari sa inyo? Bakit po kayo umiiyak?" sambit ko habang inaakay syang tumayo

"K-kasi may s-sakit ako, Malala na yung s-sakit ko. A-a-ayoko pang mamatay! Waaaahh!"

"Ate tahan na po. Ano po bang sakit nyo?" tanong ko habang hinihimas yung likod nya

"Meron akong cancer pero ayaw kong sabihin sa kanila dahil malulungkot sila. Lalong lalo na si Tyler."

"Ate, pero kailangan nyo pong sabihin sa kanila para magamot pa po yang sakit nyo." Paga alala kong sabi kasi nakaka gulat naman eh. Si Ate Sheryl na maganda, maputi, makinis ang balat at sexy ay may malubhang sakit pala na dinadala. Di ko naman alam kong anong pwede kong gawin.

"L-lala? Pwede ba akong humingi ng isang pabor?"

Napatingin naman ako kay Ate Sheryl mata sa mata. Gusto nyang humingi ng pabor? Ano naman yun?

"Ano po ba yun?"

"Alam mo bang mahal na mahal ko si Tyler?"

Waaah! Pwede na ba akong ma touch ngayon ? Ang sweet sweet ni Ate Sheryl kahit na parang itakwil na sya ni Tyler mahal nya pa rin ito. Pagkatapos nyang sabihin yun nag tumango lang ako bilang pag sang-ayon

"Kaya gusto ko sanang kahit mawala na ako sa tabi nya. Mawala na yung taong nagmamahal sa kanya gusto ko sanang ikaw ang pumalit sa akin"

SAY WHAAT? Seryoso? Ako ang papalit sa PAG-MAMAHAL ni Ate Sheryl para kay Tyler?

"Ate naman. Wag mo namang sabihin yan"

Kasi nakakakilabot. Iniisip ko pa lang na mamahalin ko sya nasusuka na akooo. >____<

"Please Lala, I'm begging you. Please ayoko namang mamatay na walang papalit sakin"

"Pero ate k-kasi---"

"Pleeeease" sabay luhod at puppy eyes.

Tsk! Ano pa bang magagawa ko? Kung ito lang naman yung paraan para mapagaan ko yung loob ni Ate Sheryl. Yumuko ako at inalalayan syang tumayo. Nag smile ako at

"Sige po Ate mamahalin ko po si Tyler gaya ng pagmamahal na binigay nyo sa kanya. At hindi ko po sya iiwan." Pagkatapos kong sabihin yun. Bigla nya akong niyakap. Haaay! sana di ko pagsisisihan to

"Basta Ate ha? magpapagaling kayo" ramdam ko namang nag nod sya at lalong humigpit ang pagkakayakap nya

Then I hugged Ate Sheryl back


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon