Voice 44

901 48 5
                                    


~Mavis~

Where: Eclipse Mansion

"Just wait here aayusin ko muna yung kitchen" sabi nya sa akin at dumiretso sa kusina dala ang mga ingredients.

Samantalang ako naiwan ditong nakaupo sa sofa habang nililibot ang buong paningin sa sala ng kanilang bahay. Ngunit nakaagaw ng pansin ko ang isang picture frame na nakataob tumayo ako at pinuntahan ang pwesto na yun. Unti unti ko itong kinuha at tiningnan.

Nang tuluyan ko nang makita bigla ko itong nabitawan. Dahil isa yung Family picture ng mga Eclipse at kasama dun si.

.

.

.

.

.

Manager Lucy.

Mabuti na lang carpet yung sahig kaya hindi ito nabasag. Tiningnan ko ito ng mabuti hindi ako nagkakamali si Manager Lucy talaga to

"Bakit kasama si Manager dito?"

"Cry ready na yung mga gagamitin natin" rinig kong sigaw ni Trevor mula sa kusina. Pero hindi ako nag-atubiling sumagot naguguluhan ako ng sobra sobra. Ano ba ang ibig sabihin nito?

"Cry? Anong ginagawa mo?" nabaling ang atensyon ko sa kanya na kasalukuyang nakatingin sa picture frame na hawak ko. Lumapit sya sa akin at agad kinuha ang frame.

"Bakit mo to pinapakialaman?" sabay lagay ng frame sa dati nitong pwesto

"A-ano k-kasi nakita ko syang nakataob k-kaya tiningnan ko" pero hindi nya ako sinagot.

"Family picture nyo ba yan?" at naglakad palapit sa kanya "Ang ganda naman ng babaeng to" at tinuro ko yung picture ni Manager "Sino sya?" patuloy ko

"She's Ate Lurianna" sagot nya. Nakaramdam naman ako ng lungkot sa kanyang pananalita

"And this one *turo sa babaeng katabi ng mama nya* She's Ate Lisanna our manager" huminto sya ng ilang segundo bago nagsalitang muli.

'Ate Lurianna and Ate Lisanna are twins. We were happy before, we are playing under the rain, making sand castle every time we went to the beach. Until One day, Mom and Dad seperated. Mom get Ate Lurianna and they both go to states and stay there for good. While me and Ate Lisanna stayd here with Dad"

Pagkatapos nyang magkwento biglang nanlambot ang mga tuhod ko. What a small world? Yan lamang ang tumatakbo sa isipan ko. Pero may isang bagay lang na gumugulo sa isip ko. Kailangan ko ng kompermasyon.

"Anong real name ng Ate Lurianna mo?" Napatingin naman sya sa akin at ganun rin ako sa kanya.

"Lurianna Cyrine Eclipse but we often call her Ate Lucy" pagkarinig ko nun naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.

"Cry? Anong nangyayari sayo?"

Naramdaman kong binuhat ako ni Trevor paakyat sa hagdanan at kasabay rin nun ang paglabas ng mainit na tubig galing sa mga mata ko. Bago mandilim ang paningin ko hinawakan ko ang mukha ni Trevor at nakita kong napatingin sya sa akin.

Agad kong nilapit ang mukha ko sa kanya at marahang hinalikan sya sa labi sabay bulong

"I'm sorry" then everything went black.


Love Upon A Voice | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon