ML&D: Chapter 41

926 12 0
                                    

Update update rin. xD ako 'to :) Hahaha. Sorry dahil hindi yata maganda ang story ko. Next time, mas gagandahan ko pa yung update at Gagawa ako ng mas magandang story. SWEAR~

 I HAVE 5 UPDATES SO KUNG KERI NIYO PANG BASAHIN, READ IT NAAAAA~ HAHAHA.. WAG KAYONG MAGAGALIT O MAIINIS O MASASAD DAHIL SA MGA PANGIT KONG UPDATE. KAILANGAN KO LANG TALAGA SIYA MADALIIN EH. HOPE KO LANG SANA NA MAINTINDIHAN NIYO. 

SALAMAT PO.

___________________________________________

Nicole’s P.O.V

I’m on my way back to Philippines. I was shocked nung narinig ko yung news from my dad. Nagpabook kaagad ako ng flight para makita ko si Lorraine.

Kailangan na kailangan kong bumalik sa pilipinas para malaman at maconfirm ang balita. Diyos ko po. Sana hindi pa alam ni lorraine na ang mga nangyayari. Hindi ko pansin yung mga luha ko. Tumutulo na pala sila. Pinunasan ko na kaagad.

“Why are you crying? Dahil ba kay lorraine?” tanong sa ‘kin ni Laurence. Sinabi ko kasi sa kanya yung narinig ko kay dad pati sa kausap niya. Alam kong si Tito Rey yung kausap  ni dad.

“Sa tingin mo ba, totoo ang lahat ng ‘yon?”

“Hmmm... Kung totoo man ‘yon, hindi na dapat tayo mangialam pa sa kanila. Nasa kanila na ‘yan kung magtatagal pa sila... o di kaya, gumawa na lang sila ng paraan para maisalba ang lahat. We should not make conclusions dahil alam kong gagawa ng paraan si Nathan para hindi mangyari ang lahat. I know him. Hindi niya pababayaan si Lorraine.”

Tumingala ako at huminga ng malalim. Marahil tama ang sinabi ni Laurence. Bakit ba kasi nangyayari ang lahat ng ito? Bakit kay lorraine pa? Naisipi ko pa nung magkachat kami. Ina-update niya ako tungkol sa kanilang dalawa ni Nathan. Ang ganda ng ngiti ni Lorraine habang naagkekwento siya. Sana hindi mabura ‘yon. Naalala ko pa nung car accident, ilang buwan tulala si Lorraine dahil doon. At nung nalaman niyang namatay na ang mama niya, iyak siya ng iyak. Wala na akong ibang alam bukod doon, dahil sa tuwing tinatanong ko sila mommy, wala silang sinasabi bukod sa tumahimik na lang daw ako. Hindi ko mapapayagan na mawala ang lahat ng meronsiya ngayon.

“Baby, don’t cry.” Sabi ni Laurence. Pinunasan niya ang mga luha ko. Natuloy na kasi talagang pumatak.

Ilang oras pa ay nakababa na ang sinakyan namin sa pilipinas. Nagmamadali ako at ganoon din si Laurence.

Nagpasundo ako ng kotse kay tito rey para kausapin siya. Hindi na ako matahimik.

Few minutes pa lang at nasa harap na kaagad ako ng company nila. Nagmadali na akong nag-elevator. Sinabihan ko si laurence na hintayin na lang ako sa ibaba.

Bumukas na yung elevator at naglakad na ako kaagad papunta sa office ni Tito Rey. Tinanong ko sa secretary kung nandito si tito rey.

“Miss Nicole, may kausap pa po siya. Mamaya nalang daw po kayo pumasok.”

“Ah.. wait, can I ask if kung sino ang kausap niya ngayon?”

“Si Mr. Lee po and her daughter.”

“What!?” kumulo yung dugo ko. That name! Yan yung narinig kong sinabi ni papa. Are they really thinking!? Akala ko ba napagplanuhan na nila na magpapakasal na sila lorraine at nathan after their birthdays.

Sumandal ako ng kaunti sa door dahil half open naman. Papakinggan ko ung mga pinag-uusapan nila.

“Pero magkasundo na ang anak ko pati na si nathan. Hindi na ba natin ito magagawan ng paraan?”

Meet Love And Destiny (RESTRICTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon