Dearest readers,
Pasensya na po sa late Update ko. Here's your chapter 28 :))
MissedMe
_______________________________♥_________________________________
October ang pinakamagandang buwan sa lahat. Sembreak namin pero wala masyadong ginawa. Kain doon kain dito. Namimiss ko na nga si nicole eh. Kaming tatlo lang nila Sherisse at Vivian ang laging nasa mall. Just hanging out para naman mawala daw yung stress nila. Kung tutuusin, kahit hindi naman sila mag-aral makakapasa sila eh. Matatalino kaya sila, tinamad lang mag-aral nung puro paganda. Well, nasasabi ko lang to sa isip ko. Mamaya maoffend lang sila pag sinabi ko. Sa mga nakaraang araw, mas nagiging weird ang mga kinikilos ng mga tao. Si tita ericka pati si papa, ang daming ginagawa. Busy sila. Si nathan naman, wala madalas sa bahay kaya napapagalitan ni tita ericka. Wala siya madalas sa bahay tapos pag umuuwi, didiretso sa sala tapos matutulog. Balik kami sa dati. Siya sa sala at ako naman sa kuwarto. Buhay prinsesa ako sa mansion na to. Yung tatlong maid, hidni ko madalas makita. Oo nga pala, nasaan kaya yung mga yon?
Sa last day ng october, nawili ako masyado sa gimik naming tatlo. Masaya sila kasama. Nagchachat kami ni Nicole paminsan minsan. Minsan iniisip ko, parang mas maganda ang buhay niya kesa sa akin. Kasi siya parang masyadong romantic yung lovelife. Nandun yung pumunta si Laurence sa states tapos nagpaalam na kung pwede niya maging girlfriend si Nicole. (>O<) Gusto ko magrebelde! Bakit ako hindi ganon? Sana akin na lang si Laurence. Hahahaha. Meron pa pala yung nagdate sila pagkatapos pumayag ng mama ni nicole. Ang saya nilang dalawa sa picture. Parang walang problema. Nakakainggit. Madami pang shinare sa akin si Nicole kagaya nalang nung kinuha din na model si Laurence tapos may mga nang-aakit daw sa boyfriend niya. Natatawa nalang ako kapag kinikwento niya na minsan daw sinundan niya si Laurence tapos hinalikan daw si laurence sa harap ng maraming tao. Nanggigil daw siya nung time na yun dahil stress na daw siya sa studies niya doon tapos may time pa daw makipaghalikan si Laurence. Bale, kawawa yung girl na humalik kay laurence dahil nawalan siya nung malay nang umatake ang amazona. Ngayon, ewan ko na lang kung anong balita sa kanilang dalawa. Medyo malabo ang relationship nilang dalawa.
That night, maarami pa akong iniisip. Ang dami ko pang plano nang maalala ko na bukas na pala ang november. Tinignan ko yung relo ko at napagpasyahang mtulog muna para sa gagawin ko bukas.
First day of November. Medyo maulan pero hindi naman kalakasan. I prepared my things. Ito lang ang araw na makakapagsolo ako. Daddy’s not even here. Busy siya lagi kaya minsan ako na lang ang pumupunta. Bumaba na ako sa sala. Diretso ang daan sa –
“Saan ka pupunta?”
(~.~)
Hmmmm.. diretso lang lorraine...
So nasa labas na ako. Ako naman ang gagamit sa kotse. Ewan ko ba kung bakit ako nagsusungit ngayon. Wala naman akong dapat ikasungit. Oh well, ipinasok ko na yung gamit ko tsaka ako pumasok sa loob.
Wait a minute... parang ang bango naman masyado... ang bango dito sa loob... ginaganahan ako magdrive.
“Saan ka nga pupunta?”
(0_0) Ewan ko rin kung bakit minsan, nagiging makulit na siya.
“What are youdoing here!?” I frowned.
“Sasama ako.” sabi niya tapos dineretso niya yung tingin niya sa kaliwang bintana. Damn! Ano bang nangyayari dito sa lalaking to?
“Bumaba kana! Malayo yung pupuntahan ko!”
“Ganon ba? Sige. Sasama pa rin ako.” he looked away.
Naman ehhhhhhhh (ToT) Bakit ba these past few days nagiging ganito siya? Kung saan ako pupunta, nakabunot siya. Nakakairita na ah? Bakit kaya hindi siya bumalik sa pagiging suplado niya? Alam ko namang lagi dapat kaming magkasama, pero bakit iba ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw?
BINABASA MO ANG
Meet Love And Destiny (RESTRICTED)
Teen Fiction[COMPLETED.NO SEQEUEL.NO. SOFT COPY] READ/VOTE/COMMENT/SPREAD :) FOR FANS~