ML&D: Chapter 19

1.1K 19 6
                                    

HALLOOOOOOOO :) NAKAPAG UPDATE DIN MAAGA.

HAHAHAHA. SALAMAT SA MGA NAG-AABANG :) SANA DUMAMIN PA KAYO.

DALAWA LANG KASI YUNG ACTIVE SA MGA READERS KO EH.

PERO OKAY LANG. PERO MAS LALONG OOKAY KUNG MADAMI AKONG READERS

NA ACTIVE SA PAGBABASA NG STORY KO. WALA MASYADONG NAGCOCOMMENT EH.

HILING KO LANG NA SSANA DUMAMI KAYO KAHIT WALANG KWENTA TONG

PINAGSUSULAT KO XD PLEAAAAAAAASSSSE? HAHAHAH. 

TELENOBELA NANAMAN TONG KAEK-EKAN KO. 

-MissedMe

______________________________♥______________________________

Mag-uumaga nanaman at simula kagabi ay hindi pa rin ako makatulog ng maayos. Isang konsensya nanaman kasi yung bumabagabag sa isip ko. Bakit ba kasi kelangan pa kaming palipatin dito? Bakit niya pa kelangan tumira dito? At para saan tong ginagawa nila? Sa isang bahay talaga!? Hindi ko naman siya kaano ano at pinatira siya dito tsaka bakit iisa lang yung kwarto? At bakit kami pagsasamahin? Nahihibang na ba sila!? Ang bata bata ko pa at hindi man lang nila naisip yung pwedeng mangyari pag nagpatira sila ng lalake dito. Sana naman ay may makakausap dito bukod sa pusa ko. As if naman sasagot ng matino yung pusa ko diba?

Tok! Tok! Tok!

May kumakatok sa pintuan ng kwarto. Naghilamos muna ako sandali tsaka sumigaw  ng “Wait lang!”. Nagmadali akong nagpunas ng mukha at dali daling binuksan yung pintuan.

“Lorraine! Bakit mo naman pinatulog sa sofa si nathan!?” pagalit na sabi ni tita ericka hawak hawak yung kanang braso ni nathan.

“B-bakit po?” (O o, O”)

“Bakit!? Hindi mo alam kung bakit!? Nahihibang ka na ba!? Kaya ko nga kayo pinagsama dito dahil kayo ang titira sa bahay na ito! Hindi niyo ba alam na ilang milyon ang nagastos namin dito ng mga magulang niyo para mapagawa lang itong dream house na pagsasamahan niyo!? Sana naman inisip niyo ang magiging reaksiyon namin kung hindi kayo magsasama ng maayos! Hala! Sige! Ayusin niyo yan! Simula bukas, magkatabi na kayong matutulog!” Hinila niya yung braso ni nathan tsaka itinulak papasok ng kwarto.

“Tita! B-bakit po ba!? Hindi ko po siya kaano ano! Tapos dito niyo po siya papatirahin!? Sino na po bang nahihibang sa atin!? Babae po ako at lalake siya! St ano po ba yung dream house!? Itong bahay na to’? Sige po! Aalis na lang ako!” WTH!? Bakit ko kelangan tumira dito kung may pera naman ako!? Siopao! Bakit sila gumastos ng milyon para sa bahay na to!? No credit cards allowed? Kalokohan!

Lumabas ako ng kwarto sa sobrang inis ko.

“GUARDS!”

Biglang may humawak sa mga braso ko.

“A-ARAY! A-ANO BA!? BITAWAN NIYO AKOOOOOO!”

“Lorraine, hija.. pasensya kung masyadong rude yung pagkakasabi ko sayo pero hindi ka pwedeng umalis.. dito ka lang at kasama mo siyang titira dito..”

“Bakit ko po ba kelangang tumira dito kasama siya!?”

She grinned then spoke “ Hindi mo pa ba alam? I thought sinabi na sa iyo ito ng papa mo? Well then, ako na ang magsasabi sayo.. I mean sa inyong  dalawa pala.. Kaming tatlo ng mga nanay niyo ay dating magkakaibigan.. Masaya kami no---“

“Pwede po bang sabihin niyo na lang para mabilis!?” Nakakairita siya! Alam kong masamang pumatol sa matanda pero ang isang to! NAKOOOOO! Hindi naman kasi siya mukhang matanda eh! Mas mukha siyang bata.

Meet Love And Destiny (RESTRICTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon