Sigiero
Dali-dali akong naglalakad at umaasa na hindi pa ako huli sa klase. Pag-liko ko ay saktong naabutan ko ang aking guro na patungo sa classroom, mabilis kong binuksan ang pintuan at umupo kung saan ako nakapwesto. Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas na ulit ito, tinignan ko ang orasan at ito ay nakatutok na sa alas-otso.
"Magandang umaga, sino ang late?" Tanong ng aming guro sa asignaturang Filipino.
" Ma'am si Sigiero po." wika ng aming presidente sa klase.
Mabilis ako napalingon sa gawi niya, paano ako naging late kung ang oras ng aming klase ay alas-otso. "Bakit ako? Bago sumakto ang alas-otso ay nandito na ako." giit ko. Narinig ko ang mga hagikhikan nila, anong nakakatawa sa'king sinabi? Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Alisia at sa guro ko, kunot noo ko sila pinagmamasdan.
"Late ka nga." pag-uulit niya.
"Hindi nga," bakas sa boses ko ang pagkainis.
"Late ka! Sira na ang orasan diyan sa unahan." tinignan ko si Jai at pinakita niya sa akin ang telepono niya upang maging patunay na totoo ang sinasaad ng akinng kaklase. Biglang nag-init ang aking mukha at hindi ko maiwasan mapayuko.
"Tama na 'yan. 'wag niyo na tuksuhin si Sigiero," saad ng aming guro.
Nakarinig ako ng isang malademonyong tawa mula sa'king gilid at panigurado siya ang may-ari ng boses na ito. Humarap ako sa kaniya at hindi pa rin ito tapos tumawa, sinamaan ko siya ng tingin, "Jai kung aasarin mo lang naman ako umalis ka sa harapan ko at baka samain ka," inis na wika ko. Inalis ko ang tingin sa kaniya at kinuha na ang mga gamit.
"Sinong hindi matatawa, pinipilit mo pa na hindi ka late pero late ka naman talaga," sagot nito.
"Hindi ko naman alam na sira pala yung orasan!"
"Uy, galit na 'yan!"
"Jai, tumigil ka nga d'yan sasapakin na kita," singhal ko.
"Nga pala, mga ssg officers ay pumunta mamaya sa office may meeting tungkol sa darating na 4 days event natin at huwag niyo subukan tumakas lagot kayo sa'kin," pananakot pa ni ma'am.
Gabi na naman ako makakauwi nito, nagpakawala na lang ako ng buntong hininga dahil panigurado ilang araw na naman ako walang maayos na pahinga. Nawala na sa paningin ko si Jai at ako naman ay tumingin na lang sa labas ng bintana tanaw dito ang malawak na soccer field ng aming paaralan masarap tumambay doon kapag walang tao at saka kapag tahimik. Nabaling ang atensyon ko nang makita ko ang isang babaeng naglalakad papunta sa soccer field. Hindi ba't oras ng klase ngayon? Bakit may studyante pagala-gala?
"Mr. Lomon!" Napabalikwas ako nang marinig ko ang aking pangalan, agad ko binitawan ang tingin ko sa labas at natuon sa aking guro.
"Ma'am!" Mabilis na sagot ko.
" Kanina pa kita tinatawag nakatitig ka lang sa bintana nandoon ba ang guro mo sa Filipino?" Puno ng sarkasamo ang pananalita niya.
"W-wala po," napapahiyang sagot ko. Nakakainis sa isang subject pa lang ay ilang beses na ako napapahiya. Muli ako sumulyap sa bintana at wala na ang dalagang nakita ko. Inalis ko na ang tingin duon at sinubukan mag-pokus sa klase ko.
Mabilis naman tumakbo ang oras at nasa pang-apat na namin na asignatura ito kaya naghihintay lang kami dito dahil wala pa si sir. Ronald. Hindi kami sanay na nahuhuli ito sa klase dahil isa itong striktong tao lalo na sa oras. Napagpasyahan ko Ilibot ko ang aking paningin at halos tatlong taon na rin kami magkakasama rito at walang bago may kaniya-kaniya kaming mundo. Ang iba ay naglalaro sa kanilang mga telepono, ang mga ibang babae naman ay nakikipag-usap at ako ay nagbabasa ng libro. Tatlong taon na rin ako rito sa aking paaralan at wala ako makitang bago sa mga dumaan na taon. Napatingin ang lahat ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang aming guro, mabilis ito naglakad papunta sa kaniyang lamesa kapansin-pansin ang mabilis niyang paghinga.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...