Alonzo
Nagmamadali ako umalis ng school dahil tumawag sa'kin ang kaibigan ko na may-ari ng isang club sinabi niya sa'kin na ilang bote at sigarilyo na inaabot ni Astrea mula kaninang madaling araw pa. Mabilis ko naman pinaandar ang sasakyan at napahawak na lang ako sa sentido hindi naman nagtagal ang biyahe ko ay nakarating na agad ako. Mabilis ko hinanap ang tingin ko at nakita ko si Astrea sa isang tabi. Malayo pa lang ay matatanaw mo na ang mga boteng nakahilera sa lamesa at kapag lumapit ka sa kinalalagyan niya ay hahalinghing ang amoy ng sigarilyo.
"Astrea..." Tawag ko.
"Mhm-" Ungot ko.
"Uminom ka muna ng tubig para mahimasmasan ka," wika ko.
"Mhm-" Sagot niya.
Marahan ko siya tinayo at sinandal sa upuan pinainom ko siya ng tubig nakita ko naman na medyo na himasmasan na siya. Linapag ko ang tubig sa mesa at tinignan siya nakatulala at para bang hindi na alam ang gagawin sa buhay.
"Astrea ilang araw ka na puro alak at sigarilyo ni hindi kana kumakain ng maayos," puna ko.
"Ayos lang," wala sa sarili niyang sagot.
"Anong ayos duon? Hindi ka umuwi kahapon nagulat na lang ako tumawag ka na lang sa'kin at sinasabi mo nasa lumang bahay ikaw,"
"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko," mapait niyang wika.
"Ano ba nag nangyari? Hindi ka nagkwekwento sa'kin,"
"Hindi ba ipapakasal ako ni dad?"
"Oo, anong nangyari roon?"
"Alam mo ba ang dahilan niya?"
"Ano?" Kuryos na tanong ko.
" 'kaya ako pipili ng taong ikakasal sa'yo kasi wala akong tiwala sa mga desisyon mo sa buhay!'" Umakto pa itong parang si Tito.
"Astrea..."
"Ginagawa niya akong bata," malungkot na wika niya.
"Kung hindi kumpara kay Naive, siya ang magdedesisyon para sa'kin. Wala na ako kalayaan sa pamilyang ito. Gustong-gusto ko maging malaya dahil nasasakal na ako para bang may kadena ako sa katawan kaya hindi ako makatakas sa kanila." Mahaba niyang salaysay.
"Naiintindihan kita,"
Simula pa lang bata kami ni Astrea ay kilala ko na siya masiyahin at matalinong bata ngunit nagbago na lang talaga noong maaksidente ang si Naive
Flashback
3 years ago.
Napagkasunduan namin ni Astrea na magkikita kami sa park para magpratice ng sayaw dahil mayroon kaming supresa kay ate Naive dahil ika-labing walong kaarawan na niya sa susunod na tatlong araw. Hindi naman umabot ng isang oras ang pagbiyahe ko at nakarating na agad ako sa aming lugar na pagkikitaan.
"Alonzo, sigurado ka ba na dito kayo mag-ensayo ni Astrea?" Tanong ni ate Alice isa sa mga kasambahay namin na sumama sa'kin.
"Opo, bakit po?" tanong ko.
"Wala pa kasi siya dito kaya iniisip ko na baka naligaw tayo o mali ang pinuntahan natin," bahid sa boses niya ang pag-aalala.
"Subukan ko po tawagan si Astrea," saad ko na lang.
Ngunit maka-ilang beses ko itong ginawa ay hindi siya sumasagot sa tawag ko, hinayaan ko na lang muna at baka nakalimutan niya lang telepono niya ngunit tatlong oras na ang lumipas ay wala pa ring Astrea ang dumating hanggang sa may tumawag kay ate Alice.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...