Sigiero
Hindi pa rin mawala sa labi ko ang ngiti kahit dalawang araw na ang lumilipas nang bilhan ako ni Astrea ng librong hawak ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na binilhan niya ako, dalawang araw na rin ang nakakalipas nang pumasok ito wala na ako naging balita sa kaniya.
"Hoy ano noong nakaraan saya-saya mo ngayon para kang pinagbagsakan ng langit at lupa?" Sita sa'kin ni Jai.
"Ang dami mo alam," inis na saad ko.
"Ganoon talaga, g'wapo e!"
"Nga pala, tungkol sa project kailan pasahan?"
"wala pang sinasabi"
"Ganoon ba?"
"Oo, sa susunod kasi 'wag absent ng absent" Pang-aasar niya pa
Inirapan ko na lang ito at hindi na muli pang pinansin sa mga nakaraan linggo hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang kilos ko. May nagsasabi sa puso ko na "bilhan mo" ng kung ano-ano. Hindi ko kasi mapigilan at kahit ako ay napapaisip na talaga.
Lumabas na muna ako ng klasrum dahil pupunta ako sa ssg para dumalo ng meeting. Hindi na ako nagpaalam kay Jai dahil abala ito kah Lady. Nabalitaan ko rin na nagkakaintidihan na sila ng nararamdaman at masaya ako sa kanila. Naglakad na ako at bawat klasrum o taong madadaanan ko ay pinagmamasdan ko at tinitignan kung sila ba si Astrea.
Hindi naman katagalan ay nakarating na ako sa ssg klasrum at pagkapasok ko ay nakita ko sila. Kinawayan ko na ito at naupo sa pwesto ko.
"Magsimula na tayo," anunsyo ni Ria.
"Ano ulit ang agenda natin ngayon?" Tanong ni Wrenz
"Tungkol sa surprise para sa teachers at sa pagdating ng mga exchange students."
"May exchange students na?" Tanong ko.
"Oo, actually dalawang araw na ang nakakalipas nang dumating sila dito sa pampangga pero ngayon pa lang sila pupunta sa eskwelahan." Pagpapaliwanag niya.
Napatango-tango na lang ako at isinulat ko ito sa notebook upang matandaan.
"Yung tungkol sa surprise naisip ko hindi lang tayo gagawa. Hindi ba napag-usapan ay tayo lang? Pero naisip ko rin na sasabihan natin ang mga students dito para tulungan tayo sa plano na naiisip natin," aniya ni Ria.
"Maganda 'yan," pagsayang-ayon ni Wrenz
"Ganito ang mangyayari, kakausapin ko ang bawat president ng kadaseksyon at ipapaliwanag ang plano natin. Friday natin ito gagawin, hindi na natin ito magagawa sa susunod na linggo dahil masyadong abala na ang lahat."
Sinulat ko ang lahat na sinasabi ni Ria para wala ako makaligtaaan, magiging abala na naman ako. Naalala ko tuloy ang 4-Day event na naging dahilan para makilala ko si Astrea ng harap-harapan. Hindi ko maiwasan ngumiti kapag naalala ko ito.
"Sigiero!" Nagitla ako nang marinig ko ang sigaw.
"B-bakit?" Napatingin ako kay Ria at halos sila ay nakatingin sa'kin. Parang gusto ko na magpalamon sa lupa.
"Kanina pa kita tinatawag pero ang ginagawa mo ay ngumiti lang." Taas kilay niyang wika.
"P-pasensya na," napapahiyang saad.
"In love ata itong si Sigiero," puna ni Kleo.
"Aba'y may nakarating nga pala sa'kin na balita na binigyan mo raw ng bulaklak si Astrea," dagdag ni Wrenz
Biglang umakyat ang dugo ko sa mukha. Napatakip ako ng papel na kanina ko pa pinagsusulatan.
"Magsitigil na kayo, mabalik tayo," putol ni Ria.
"Dahil nga darating na ang exchange student ngayon, may program na mangyayari. Ang pagkakasabi sa'kin nila Sir ay ngayon daw darating kaya't naghanda kami ng iilang speach."
Nakinig pa ako sa kanila at pinili na wag magpadala sa kung ano-anong bagay na nasa isip ko. Inabot kami ng isang oras sa pagplaplano at pag-iisip sa mga mangyayari. Nagliligpit na kami ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon su Adiza.
"Nandiyan na ang exchange students!" Seryoso niyang saad.
Nagkatinginan kaming lahat, mali ang kalkulasyon namin na mamayang hapon pa darating. Lumipas ang tatlong segundo ay mabilis kami nagsilabasan ng klasrum at nagmamadali pumunta sa field dahil duon gaganapin ang program. Ang ibang studyante nga ay nagsisilabasan ba ng room. Halos takbuhin na namin ang magulong entablado sa field.
Binilisan namin ang kilos dahil dumarami na ang mga studyante na dumadating. Naglagay kami ng maraming upuan at sa stage rin. Ako ang taga-tingin kung ang lahat ba ay nasaayos na. Lumipas ang labing-limang minuto ay nakita ko na si Adiza ulit na palapit sa'kin.
"Nandiyan na sila!" Mabilis nitong wika.
Tinignan ko muna ang paligid at masasabi ko na ayos na rin. Sinenyasan ko na sila na bumaba dahil paparating na sila, nasa gilid lang ako para bantayan at kung mayroon ako makitang maliit na problema ay masolusyunan ko agad.
Hindi katagalan ay nakita ko na ang limang at studyante na paparating sa aming pwesto. Halos karamihan ay lalaki, kasunod nila ang mga guro namin na sinalubong sila. Hindi naman katagalan ay nakarating na sila aa entablado.
Naupo na rin sa mga upuan na inilagay namin. Nakita ko kinuha ni sir Azi ang mikropono.
"Magandang umaga sa lahat! Nais ko sanang batiin ang mga bagong dating na studyante sa eskwelahan natin. Sila ay galing pa sa maynila at pumunta dito sa pampangga para lang maging exchange student. Nagpapasalamat din ako dahil dito niyo na pili mag-ara, " mahabang salaysay ni sir Azi.
"Alam ko patapos na ang taon pero hinilihing ko sa mga kapwa niyo studyante na itrato kayo ng tama at pakisamahan ng maayos. Nais ko nga pala sila ipakilala sainyo! "
Sa hudyat na iyon ay umingay ang paligid at tila ba ito talaga ang inaabangan nila mangyari. Tinawag ni sir ang isa sa kanila at lumapit ito sa unahan.
"Good morning, my name is Gazillion nice to meet you!" Maligayang wika niya. Ang lalaking ito ay may kaputian at masasabi mo na anak-mayaman.
Sumunod naman ang babae sa kanila, may taglay itong natatanging kagandahan.
"G-good morning, i'm Hiraeth nice to meet niyo, " wika nito.
Sumunod naman ang lalaking may kulay ang buhok. "Hello, i'm Blue nice to meet you guys," maangas na saad nito.
"Hello, Albert nice to meet you. " saad ng isa pa.
"Hello, Alonzo nice meeting you!"
Bigla dumami ang naghiyawan nang si Alonzo na ang nagsalita, napailing na lang ako at nakinig na ulit. Umabot lang ata sa tatlopung minuto ang pangyayari at natapos na rin. Papunta ako ng ssg klasrum para ireport ang mga pangyayaring naganap kanina nang mapahinto ako dahil sa isang sigaw na narinig ko.
"SEVERINE!" Malakas na pagkakasigaw nito.
"Alonzo?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko at naging dahilan para hanapin ko ito.
"Yes! How are you! Oh God you're still beautiful! " Puri nito.
"Shut up, what are you doing here?"
"I'm the exchange student!"
"What?!"
Nakita ko na kung kanino boses ang nagmamay-ari dito. Gusto ko ito lapitan dahil gusto ko tanungin kung paano sila nagkakilala ng bagong student.
"Any ways, let's go?" Aya ni Alonzo.
"Where?!"
"Office nandoon si dad, I'm sure he will be glad kapag nakita ka niya."
'wag.
Gusto ko ipagsigawan iyan pero hindi ko magawa para ba ako naputulan ng dila at napako sa kinatatayuan. Pinapanood ko siyang maglakad palayo kasama ang ibang tao at habang ako ay walang magawa. Nakakapanghina ang ganito, gusto ko sabihin na wag at dito lang siya. Ano ba itong nararamdaman ko? Naguguluhan na ako...
"Nasasaktan ako."
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...