DAY 3 AND 4
friday
Sigiero
"Grabe hindi pa rin ako maka move on sa kantang ginawa mo Sigiero!" Wika ni Ria.
"Kaya nga, tignan mo pagkatapos ng ginawa niya ay halos dinumog siya ng mga babae," dagdag pa ni Kleo.
"Hindi naman," nahihiyang wika ko.
Dalawang araw na mula matapos ang pagkanta ko at ngayon na ang huling araw ng 4 day event masasabi ko na mataggumpay naman ang naging mga gawain namin, ngayon puro palaro ang principal kasama ang ibang guro para raw may kaunting kasiyahan sila. Nandito kami ngayon sa ssg office at nagpapahinga, tanghaling tapat rin kaya wala kami gana lumabas pinili ko magbasa lang ng libro dahil wala naman ako ibang dapat gawin.
"Ay Sigiero hindi ba mahilig ka sa mga nobela?" Tanong ni Wrenz
"Oo bakit?"
"May book fair kasi bukas sa may mall baka gusto mo pumunta?" Tanong niya.
Sinira ko ang libro at tinignan ito, "oo naman bakit, hindi?" Sagot ko.
"Sige, sabihan ko yung kakilala ko para ma-reserve ka ng ticket,"
"Salamat,"
Muli ko na tinignan ang libro ko, mula pa bata ako ay mahilig na talaga ako sa mga libro. May iilan ako koleksyon ng libro at ang iba dito ay bigay lang.
"Siya nga pala, dahil wala na tayong ganap ngayon. Pwede na kayo huwag pumunta sa mga assigned boots niyo, pahinga na lang," saad ni Ria.
" Tama! Best ka talaga president!" Biro ni Kleo.
"Tigilian mo ako Kleorin,"
"Wag mo ako tawagin Kleorin nagmumukhang chlorine!"
Nagtawanan na lang kami maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan at iniluwa noon si Jai, nakangiti pa ang loko. Inaya niya ako na mag meryenda sa may cafeteria manlilibre raw siya, agad naman ako napakunot ng noo nang marinig ko iyon. Pero dahil wala na rin ako gagawin ay sumama na ako, sayang naman kung totoo.
Habang naglalakad kami ay panay kwento siya ng nangyari roon sa palaro ng mga teachers, si sir Iginito raw ay nahulog sa hagdanan at si ma'am Arabelas naman ay kinikilig dahil binigyan daw ng bulaklak ni sir. Armilez. Nakarating na kami sa cafeteria at nag-order na nga si Jai. Naupo na lang ako sa may bakanteng lamesa sa may likuran para roon mag-intay. Hindi naman katagalan ay dumating na si Jai na may mga pagkain.
"Ano meroon?" Tanong ko.
"Wala lang." Nilapag niya ang mga pagkain na binili niya.
"Hindi ako naniniwala Jai,"
"Edi, 'wag ka maniwala." Tinitigan ko ito.
"W-wag mo nga ako titigan!" Nauutal niyang wika sa'kin.
"Ano nga kasi meroon, bakit ka nanlibre?"
"Masama ba manlibre?"
"Hindi, pero sa tagal natin magkakilala malabo pa sa malabo na gagastos ka sa mga bagay na hindi mag benifit sa'yo, so what's the catch?" Nakipagsubukan ako ng tingin sa kaniya at siya ang unang sumuko.
"A-ano kasi..."
"Ano nga?!"
"Teka lang b-bakit parang galit ka?"
"Paano kasi pwede naman sabihin ng isang diretsahan, pinapatagal pa,"inis ko saad.
"Gusto ko sana magpasama sa'yo bukas."
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...