Kabanata 13

1 0 0
                                    


Sigiero

Naghiwalay na kami ng landas ni Astrea nagpumilit ako na ihatid siya ngunit ang sabi niya ay 'wag na raw kaya hinayaan ko na lang pasado alas-siete na gabi at hindi ko alam pero hindi naman ako nakaramdam ng konsensya dahil hindi ako pumasok ngayon, ilang dipa na lang ang layo ko sa bahay namin ng may isang pamilyang pigura ang nakita ko sa labas ng gate namin. Nang palapit ako ng palapit ay duon ko nakumpira na si Jai ang nasa harapan namin nang mapansin niya ako ay mabilis itong lumapit sa'kin at kinaltukan.

"A-ano ba!" Inis na sagot ko.

"Nakakainis ka!" Singhal nito.

"Anong ginawa ko sa'yo?" Naiinis ko sagot.

"Hindi ka sumasagot ka mga text at tawag ko, akala ko kung ano na nangyari sa'yo!"

"H-ha?" Bigla ko nareyalisa na hindi pala ako nakapagbukas ng telepono, mabilis ko naman kinuha at binuksan biglang tumambad sa'kin ang napakaraming tawag at text galing sa kaniya. Hindi ako makatangin sa mga mata niya, napabuntong hininga na lang ako.

"S-sorry," wika ko.

"Saan ka ba nanggaling ha?" Tanong niya.

"A-ano d'yan lang, may ginawa lang,"

"Yung totoo kasi,"

Napabuntong hininga ako at napasandal ako sa may gate namin at napatingin sa kalangitan, nagniningning ang ganda ng mga bituin ngayon gabi muli ko na aalala ang nangyari kanina. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil kakaiba ang sayang nararamdaman ko kaninang ng makasama ko siya kanina.

"Ilang araw na kitang napapansin na hindi ka na sumasabay sa pagkain noong una ay hindi naman ako nagtaka pero ngayon nakumpirma ko na may nag bago," mahaba niyang salaysay.

"Jai..." Napatingin ako sa kaniya at siya naman ay diretso lang ang tingin sa kalsada.

"Ano ang nararamdaman mo?" Tanong niya.

"Hindi pa ako sigurado," pagamin ko.

Totoo hindi talaga ako sigurado sa kung ano ang nararamdaman ko, mula nang makuryos ako kung sino siya may kung ano sa pagkatao ko na gusto ko pa siya makilala.

Nakakatakot alamin.

"Masaya ka ba?"

"Oo," mabilis na sagot ko.

Naramdaman ko na lang ginulo niya ang buhok ko at mahina niyang mga tawa. Hindi ito nagsalita nahulog kami sa nakakabinging katahimikan. Wala na itong tinanong na iba, hindi na din niya inusisa kung sino at kung bakit. Sa pagkakataon nito nakaramdam ako ng kasiguraduhan na masaya siya para sa'kin. Ayoko madaliin malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko dahil ayoko mag urong sulong, nagpaalam na rin ito sa'kin at inaya ko siya kumain sa'min ngunit ang saad niya ay 'wag na raw at nag-iintay ang ate niya. Pagpasok ko naman sa loob ay si Shai lang nadatnan ko.

"Saan sina mama?" Tanong ko habang binubuksan ang kwelyo ko.

"Pumunta kina tita duon ata sila matutulog ng dalawang araw," sagot ni Shai.

"Bakit raw?"

"May handaan na magaganap, hindi ako sumama dahil ayoko makipag plastikan sa kanila," sa tono pa lang ng pananalita nito ay halata na may tinatagong inis.

"Naiinis ka parin sa kanila," komento ko.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay naghugas muna ako ng baunan na dinala ko kanina. Hindi rin naman ako nagtagal dito ay pinatuyo ko na, sumilip ako sa refrigerator at tinignan kung ano pwedeng iluto bukas.

Urong SulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon