Kabanata 3

1 0 0
                                    


JAIRYZ ALONZO

"Ate ang mahal naman ng glue niyo," reklamo ko nang iabot sa'kin ang sukli. Narinig ko ang pagbuntong hininga ng tindera at siya naman ay sinamaan ko ng tingin.

"Aba hijo kung namamahalan ka sa tinda namin libre ka umalis," masungit niyang sagot. Tinalikuran ko na lang ito at piniling magmartsa paalis sa kaniyang tindahan.

Binilang ko ang sukli ko at 35 na lang, ang bayad ko kanina singkwenta, kinse na pala ang glue. Binalik ko na lang sa bulsa ang sukli at nagbuntong hininga. Alas-otso na ng umaga at hindi ito problema dahil ang mga guro namin ngayon ay bala sa darating na 4 day event, nauna na si Sigiero dahil parte siya sa mga mag-aayos at heto nga pinabili ako ng glue. Pumunta na kami sa national bookstore noong nakaraan pero hindi bumili, tanda ko pa nang bumalik ako sa pwesto namin ay wala sa sarili ang loko. Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa gate ng school kumaway na lang ako kay manong guard at dumiretso pasok.

"Jai!" Napalingon ako sa unahan at nakita ko tumakatakbo palapit sa'kin si Lady.

Napailing na lang ako at tinignan lang hanggang siya ay makalapit, "good morning!" Masiglang bati niya.

"Good morning din, bakit ka ba tumatakbo?" Tanong ko.

"Itatanong ko lang sa'yo kung gusto mo ba sumali sa reading club?"

"Seryoso ka ba?"

"H-ha?" Napakunot ito ng noo.

"Tinatanong kita kung seryoso ka ba?" Pag-uulit ko at nagtama ang pangin namin.

"O-oo naman,"

Hindi ko naiwasan matawa ng mahina dahil nag-aalangan pa ito, ginulo ko ang buhok niya at inakbayan narinig ko ang kaniyang pag-apila ngunit hindi ko ito pinansin, "pass, mukha ba ako mahilig sa libro?"

"A-ano lagi mo kasi kasama si Secretary kaya n-naisip ko na baka m-mahalig ka rin," wika niya.

Tinignan ko siya at ilang dipa na lang ang layo ng aming mukha ramdam ko ang pagpigil hininga niya. Kitang-kita ko rin dito sa pwesto ko ang mahaba niyang pilik-mata at ang mapupulang niyang labi. Panandalian ko nakalimutan kung bakit ko ba siya kausap.

"Ashirana!" Parehas kami napabalikwas nang marinig namin ang malakas na sigaw. Umayos kami ng tayo at hinahanap ng dalawang pares ng mata ko kung kanino ba nanggaling ang boses na ito, saktong dumako ito kay sir Altonio ang propesor namin sa math pinaka strikto sa lahat ng teachers.

"S-sir?" Sagot ng babaeng nakayuko.

"Yes you! Nasaan si ms. Veda?"

"S-sir hindi ko po alam," basag ang boses niya at hindi niya kayang tumingin sa mata ni sir Altonio.

"Goodness! Walang ibang ginawa ang batang iyon kung hindi sakit sa ulo! Go back to your classes!" Anunsyo niya at mabilis pa sa alas-kwatro ay nawala ang mga studyante pakalat-kalat sa labas.

"Sino ba 'yun?" Baling na tanong ko kay Lady.

"4th year student, ang sakit ng ulo ng mga teachers,"

"Ha? Bakit naman?"

"Mamaya na lang Jai kailangan na rin ako sa book club! Paki sabi kay secretary Sigiero baka gusto niya sumali sa club!" Nagmartsa na ito paalis hinatid ko na lang siya ng tingin hanggang sa mawala na ito ng tuluyan.

Dumiretso na rin ako kung nasaan si Sigiero para ibigay ito, inabot lang ako ng ilang minuto dahil hindi naman ito kalayuan kung nasaan ako kanina. Naglalakad ako ngayon at madadaanan ko ang room ng mga 4th year student halos ang karamihan sakanila ay maiingay hindi na ako nagbigay pa ng atensyon sakanila at dumiretso na sa room kung nasaan si Sigiero.

Urong SulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon