Kabanata 23

1 0 0
                                    


Sigiero

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa'kin mukha, linibot ko ang paningin ko at napagtanto ko na nakauwi ako sa bahay namin pero paano? Tumayo agad ako at naligo upang mahimasmasan ang sarili hindi naman umabot ng kalahating minuto ang pagligo at pagbihis ko. Pagkababa ko ay sumalubong sa'kin si Shai na gumagawa ng proyekto, naupo ako sa tabi niya at napahawak sa ulo.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"Pasado Alas-nuebe na ng umaga kuya," sagot nito.

"A-ano?!" Bigla ako nabuhayan nang marinig ko 'yon.

"Wag ka nga magulo d'yan may ginagawa ako e!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Paano ako hindi matataranta huli na ako sa klase ko!" Napatayo ako sa kinauupuan ko. Wala na ako dapat sinasayang na oras kailangan ko na kumilos.

"Kuya sabado ngayon!"

Tila ba ay kumalma ang naghaharumintado kong puso nang marinig 'yon, bumalik ako sa pagkakaupo ko at napahilamos ng mukha. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi at kung nakauwi ako ibig ba sabihin ay nakita ako nila mama ng ganito?

"Buti na lang wala sina mama at papa kagabi kung hindi lagot ka." Napatingin ako kay Shai.

"A-ano ibig mo sabihin?"

"Kagabi umuwi ka lasing na lasing, saan ka pa natuto uminom kuya?"

"Nagkayayaan lang," tanggi ko pa.

"Kuya, alam ko gusto mo naman madanas ang mga ganiyan bagay pero sana sa susunod na gagawin mo 'yan siguraduhin mo handa ka sa magiging resulta. Paano na lang kung naabutan ka nila mama at papa na ganoon ang estado mo? Maidadahilan mo pa ba 'yan?" Sermon niya.

"Sino pala ang nagdala sa'kin dito?" Tanging naitanong ko na lang.

"Si ate Astrea magkakilala pala kayo?"

Bigla ako binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko at bigla ko naalala ang pangyayari kagabi. Mula sa kung ano ba ang dahilan ko sa pag-iinom at sa sagutan namin ni Astrea, paano ko siya haharapin ngayon hindi kaya ng kahihiyan ko.

"Nga pala, nasa labas siya kanina pa." Dadag ni Shai na dahilan para kumabog na naman ng mabilis ang puso ko.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at lumabas na ako ng bahay upang kumpirmahin ang sinasabi ng kapatid ko. Pagkalabas ko ay nakita ko siya na ninigarilyo sa tabi at may dala-dalang mga kartolina hindi niya pa ako napapansin dahil sa telepono ito nakatutok. Habang palapit ako sa kaniya at bumibilis rin ang pagkabog ng dibdib ko hanggang sa huminto na ako sa harap niya.

Gusto kita

Muli ko na aalala kung paano niya sinabi sa'kin 'yon, hindi ko maiwasan na ngumiti dahil ibig ba sabihin noon ay parehas kami ng nararamdaman?

"Sigs?" Nabalik ako sa kasulukuyan ng marinig ko ang boses niya.

"A-ah hello?" Nauutal ko wika.

"Good morning, kagigising mo lang ba?"

"Halata ba?" Nahihiyang tanong ko.

"Hindi naman gwapo ka pa rin naman,"

"Ha?" Tila ba ay nagiging bingi na ako.

"Hindi ba tayo ang magkagrupo sa isang proyekto? Nagdala na ako ng mga gagamitin, gawin na para matapos na ito." Pagbabalewala niya sa tanong ko kanina.

"Ah, oo pasok ka muna," aya ko.

Tinapon at tinapakan na muna niya ang sigarilyo bago pumasok sa loob ng bahay namin, pagkapasok namin ay wala na si Shai marahil sa taas na ito gumawa ng proyekto. Pinaupo ko muna ito at naghanda muna ako ng miryenda namin. Hindi naman ito nagsasalita kaya hinayaan ko na lang. Hindi rin naman ako nagtagal sa paggawa ng sandwich at pagbalik ko ay gumagawa na rin siya. Tumulong na ako para maging mabilis kami, gusto ko tanungin sa kaniya kung ano ba ang ibig sabihin niya kahapon pero natatakot ako sa magiging sagot niya baka kasi hindi na ito ang maging sagot.

Urong SulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon