Astrea
Nagising ako ng pasado alas-nuebe na dahil sa napuyat din ako kagabi, mabilis akong kumilos at paglabas ko ay nakita ko agad si Sigiero na naghahanda ng almusal. Napatingin ito sa'kin at nginitian ako, binalik ko rin ang binigay niya at dumiretso muna sa banyo upang maligo. Naalala ko ang mga sinabi ko kahapon sa kaniya hindi ako nagsisi na sinabi ko iyon dahil ayoko habang buhay kami may hinanakit sa isa't-isa. Inabot lang ako ng isang oras para maligo at pagkalabas ko ang lahat ay kumakain na ng almusal. Naki-upo na rin ako sa tabi ni Alonzo hindi ko na pansin si Sigiero sa hapag marahil tapos na siya kumain.
"Last day na natin, mamaya uuwi na tayo," saad ni Aphra.
"Oo nga e, sa tatlong araw na ito sobra akong nag-enjoy," wika ni Asherina.
"Gusto mo sinangag?" Alok sa'kin ni Alonzo.
"Sige."
"Sobrang solid yung mga palaro nila," dagdag na komento ni Alonzo.
"Totoo, nga pala sa isang linggo puro paghahanda na tayo para sa nalalapit na graduation," puna ni Asherina.
"Saan pala kayo papasok?"
"Baka sa maynila ako magkokolehiyo," sagot ko.
Nagpalitan pa kami ng mga salitaan at hindi na namin napansin ang oras at pauwi na kami, masaya ko iiwan ang lugar na may bagong memorya na dadalhin. Pagkasakay namin sa bus ay wala ng ibang pwesto kung hindi sa tabi ni Sigiero. Tulog naman ito kaya minabuti ko na lang na umupo dahil wala na akong ibang pagpipilian, nakita ko naman na inismiran ako ng mga kaibigan ko kasama na si Alonzo. Pinaikot ko na lang ang aking mga mata at naupo na, nakita ko siya kanina bago kami umakyat sa bus at pansin ko na masama ang timpla niya. Marahil ay may hindi maganda itong nalaman o hindi kaya kulang sa tulog, sinuot ko sa kabilang tenga ko ang earphones upang makinig ng music.
Oras ang lumipas na nasa biyahe kame ay pansin ko na naiinitan ito dahil nakatapat sa bintana kaya naisipan ko isara ang kurtina, natulog na rin ako matapos ko gawin iyon. Nagising na lang ako dahil huminto na ang bus ginising ko na lang din si Sigs para makakababa na rin ito.
"Sigs, dito na tayo," mahinag wika ko.
"Mhm,"
"Uuna na ako ha, bumaba ka na rin." Tumayo na ako.
"Ingat ka," mahina niyang saad.
Napahinto ako duon at hindi ko naiwasan ngumiti, nagtuloy na ako sa pagbaba at sinabi na sa'min na pwede na kami umuwi para makapag pahinga na. Hinatid ako ni Alonzo inaya ko pa siya pumasok sa loob pero gusto na raw niya magpahinga sa bahay nila kaya hinayaan ko na. Pagkapasok ko ay hindi ko inakala na pagkapasok ko ay bubungad ang mga taong hindi ko gusto makita. Prente silang naka-upo sa sofa at para bang hinihintay ang aking pagdating pinili ko wag silang pansinin dahil ayoko na magsimula ng away o bangayan sa pagitan namin dahil hindi kakayanin pa ng utak ko.
"Ganiyan ka ba talaga ka bastos?"
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya at para bang napako ako sa aking kinalalagyan.
"Pagod po ako," tanging sagot ko.
"Dahilan na ba 'yun para hindi mo kami batiin?" Dagdag pa niya.
"I'm sorry," pilit na sabi mo.
"Bueno, bakit pa ba ako magugulat sa ugali mo. Nandito kami para sabihin na tuloy na ang pag-aaral mo sa maynila at makakasama mo si Thomas sa paaralan para magkakilala kayo ng lubusan-"
"Thomas?" Pinutol ko siya at liningon ko ito.
"Si Thomas ang lalaking papakasalan mo matapos mo magkolehiyo panigurado ay magugustuhan mo si-"
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...