DAY 2
3rd point of view.
Natapos ang tagpong kahapon ay wala na naman sa wisyo ang binatang si Sigiero ni hindi nagawa ng kaniyang kaibigan magtanong kung ano ang koneksyon nito sa babaeng nagngangalan Astrea dahil ito ay tulala. Pagka-uwi naman niya ay pansin rin ng ina niya na wala ito sa sarili kaya minabuti na lang nila ito hindi panisinin. Kinabukasan ay nagising naman ito ng maaga at mabilis na gumayak, humarap ito sa salamin at inayos ang buhok. Pati ang binata ay hindi sanay sa kinikilos niya napabalikwas naman ito ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan.
"Kuya gising ka na ba-"Kusang napahinto ang dalaga.
"S-shai!" Tarantang sabi nito.
"Wow, new look?" Pagpuna pa.
"H-hindi ah!" Tanggi ni Sigiero.
"Sus, bumaba ka na raw at kakain na,"
"O-oo na alis na!"
"Maganda ba?"
"Ha?"
"Maganda ba yung girlfriend mo?"
"Wala ako niyan!" Malakas na saad ng binata.
Umalis naman ang bunso na may ngiti sa labi at sa inis ni Sigiero ay binalik nito sa dati ang ayos ng buhok. Kinuha niya na ang kaniyang gamit para sumunod sa baba. Sa isip-isip niya bakit ba siya nag-aayos wala naman siya pupuntahan.Napailing muna ito bago tuluyan bumaba. Sumalubong ang kaniyang ama na nagbabasa ng dyaryo at ang kaniyang Ina ay nagkakape sa kabilang banda ang kapatid naman niya ay kumakain na rin.
"Ma, pa magandang umaga," aniya ni Sigiero.
"Maupo ka na at mag-almusal," utos ng kaniyang ama.
"Nga pala ano nangyari sa'yo kahapon? Wala ka sarili mo," Tanong ng kaniyang ina na naging dahilan ng pagkahinto ni Sigiero.
"A-ano po," bakas sa boses ng binata ang pagkataranta at kaba.
"Sigiero, alam mo naman na walang pwedeng maging distraction sa pag-aaral mo," paalala ng kaniyang Ama.
"Kung mayroon naman dapat ihinto mo na ang komonikasyon mo sa kaniya o tigilan na ang bagay na iyan, hindi siya o 'yan nakakatulong para sa'yo," dagdag pa ng kaniyang ina.
Napayuko na lang ang binata at hindi nagsalita walang salitang namutawi sa kanilang pagitan. Sa tuwing nandito siya sa bahay nila ay pakiramdam niya na may nakahawak lagi sa leeg at bawat galaw ay may nakamasid.
Mabilis tinapos ni Sigiero ang pag-kain at umalis sa kanilang bahay. Mabilis winaksi ni Sigiero ang mga pangyayari na naganap sa bahay nila, nagpokus na lang siya sa kung ano ang mga dapat niya gawin ngayon. Pagkapasok niya ay nakita nito si Jai na may kausap na ibang tao maya-maya ay tinawag niya ito at mabilis naman pumunta sa kaniya.
"Ano meroon?" Kuryos na tanong niya.
"Ah naghahanap sila na pwedeng pumalit sa drummer kaya naisipan nila na lumapit sa'kin," sagot nito.
"Edi ikaw ang papalit? Teka sa pagka-alala ko hindi ka naman marunong mag-drum-"
"Kailan ko sinabi na ako ang papalit?" Bigla napahinto si Sigiero at tinignan sa mata ang kaniyang matalik na kaibigan. Animo'y alam na alam na ang nasa utak nito maka-ilang beses na tumama ang pakiramdam niya kapag nasa ganitong sitwasyon
"Jai..." Mahina nitong wika.
"Bakit?" Nakangiti nitong sagot yung ngiting alam mo may ginawang mali.
"Wag mo sabihin na-"
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...