3rd point of view
Maagang nagising ang lahat dahil marami pa sila aktibidad na gagawin ito ang kanilang pangalawang araw sa lugar. Lumabas na si Astrea ng kwarto na tinulugan nila at pumunta sa kusina naabutan niya si Ria na nagtitimpla rin ng kape. Napansin ito ni Ria, naupo si Astrea sa tabi at duon nanahimik.
"Kamusta ka?" Pambasag sa katahimikan ni Ria.
"Maayos naman," mahinang saad ni Astrea.
"Sigurado ka ba?"
"Hindi..."
Humigop ng kape si Ria at tinignan ang dalaga, kahit papaano ay kilala niya ang ugali ni Astrea dahil naging magkaibigan din sila kahit sa sandaling panahon. Binaling niya ang tingin niya sa tasa.
"Kahit hindi na tayo nag-uusap nasusubaybayan ko pa rin ang mga nangyayari sa'yo, mula noong malaman ko nakilala mo si Sigiero. Una ko naramdaman ay masaya kasi kahit papaano ay gumulo ang mundo mo. Tipong iisipin mo na talaga kung tama o mali pa ba yung mga nakasanayan mo..." Huminga muna ito ng malalim at saka tumuloy.
"Pero sa nakikita ko may naging malaking epekto nga siya sa buhay mo, dati sa mga mata mo hindi mababakas ang emosyon pero ngayon kitang-kita ko sumisigaw ito sa lungkot."
"Ria..."
"Astrea, sa buhay natin minsan makakagawa tayo ng mga maling desisyon at mga hindi siguardo. Pero sana sa bawat pagkakamali ay natuto tayo, mga bagay na dapat ayusin hanggat kaya pa, ayusin na."
"Hindi ko alam kung paano."
"Ano ba gusto mo mangyari?"
"Magkaayos kami,"
"Gusto mo ba bumalik siya sa'yo?"
"H-ha?"
"Paano kung nagkaayos na kayo? Ano kasunod?"
"Hindi ko sigurado..."
Ininom ni Riza ang huling kape natira sa kaniyang tasa at tinignan sa mata si Astrea na ngayon ay nakatingin din sa kaniya. Mababakas sa mga mata ni Astrea ang kalituhan at kalungkutan na, huminga ito ng malalim.
"Sabi nila ang tunay na pag-ibig ay parang ibon..." Mahinang usal ni Ria.
"Ibon?" Napakunot ang dalaga at tila ba inisiip kung ano ba ang koneksyon ng ibon sa kanilang usapan.
"Diba ang mga ibon may mga pagkakataon na pinapalaya sila ng kanilang amo pagkatapos babalik sila dahil ito sa tahanan nila. Ganoon din sa pag-ibig, malalaman mo kung kayo talaga sa huli at kayo talaga ang tinakda kapag pinalaya mo siya at kahit gaano katagal darating ang oras na babalik siya sayo dahil..." Tumayo ang dalaga at sinundan ito ng tingin ni Astrea.
"Dahil ano?" Kuryos niyang tanong.
"Dahil ikaw ang tahanan niya." Naglakad si Ria at tumigil kung saan naka-upo si Astrea at ginulo ang buhok at saka linisan ang dalaga na nakatulala lang.
Biglang naging magaang sa pakiramdam ni Astrea ang mga narinig niya, para bang may kung anong kalinawan ang pumasok sa isip niya. Napasandal na lang ito at napahawak sa sentido. Pinilit niya intindihin ang lahat at gumawa ng isang desisyon na maghahatol sa katapusan para sa kanilang dalawa.
Sa kabilang banda ay nagising na rin si Sigiero at unang bumungad sa kaniya ay ang mensahe ng kaniyang kapatid, napahilot ito sa sentido dahil umagang-umaga ay ito ang bubungad sa kaniya.
Shai.
Kuya, pagkauwi mo raw ay kakausapin ka nila mama tungkol sa pagkuha sa'yo nila Tito at tita.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...