Sigiero
Isang linggo matapos ang pangyayaring iyon ay bumalik na kami sa dati ni Astrea, lagi na ulit kami kumakain sa may field pero masasabi ko na may nagbago. Simula kasi nang sumayaw kami ay lagi na ako inaasar kay Astrea, paminsan-minsan na lang din ako sumasabay sa pagkain ni Jai dahil lagi ko kasama si Astrea pero may nagbago rin kay Jai nitong mga nakaraang araw ay lagi itong tulala at kahapon nakita ko parang may inaabangan ito. Papasok ako sa ssg room para pag-usapan ang mga magiging program na magaganap sa paparating ng mga buwan. Pagkadating ko ay bumungad naman si Riaz na nagsasalita sa unahan.
"Pasok na," wika niya sa'kin.
"Good morning," bati ko sa kanila. Pumasok na ako at naupo sa bakanteng upuan para sa'kin, nilabas ko na ang notebook kung saan ako nagsusulat ng mga plano para sa ssg.
"Paparating na ang exam day at nasabi sa'kin na after noon ay parang magkaroon tayo ng one day program para sa mga teachers," pagpapaliwanag ni Riaz.
"Iba ba yung ginawa nila last time?" Tanong ni Wrenz.
"Oo, itong gaganapin na one day for teachers ay tayo lang may alam bale suprise ito," ani ni Riaz.
"Sounds Fun!" Kumento ni David ang aming 4th year representative.
"Oo, maganda rin iyon para kahit papaano hindi stress ang inaabot sa'tin," dagdag ni Kleo.
"Exactly, alam naman natin na ang iba sa'tin ay aalis na dito dahil papasok na sa mga malalaking unibersidad sa manila at ang iba naman ay maiiwan dito sa pampangga." Naupo si Riaz sa upuan niya at tumingin sa'min.
"Speaking of stress, Sigiero ano ang balita sa mga student na lagi nakakuha ng ticket sa detention room," baling sa'kin ni Wrenz.
"Tignan ko." Binuklat ko ang notebook at nilagay sa pahina kung saan nakasulat ang mga laging pasaway sa mga klase.
"Yung mga babanggitin ko names is sila ang laging nakakuha ng ticket at narereport, this 2 weeks past ito sila. Ms. Hayis 7 times reported dahil sa hindi lagi pagpasok at laging nakatambay sa 2nd year. Mr. Petrolo 4 times reported dahil sa laging pagsagot sa mga teachers, Ms. Aliza 8 times reported dahil sa pambubully at hindi pagpasok sa klase, Mr. Luisanto 6 times reported dahil sa pagawa ng gang sa loob ng school at hindi pagpasok sa klase." Tinignan ko naman sila.
"Okay, how about Ms. Veda?" Tanong nito.
Mabilis ko hinanap ang apilyido ni Astrea sa mga nakasulat at hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko agad, "ms. Veda 14 times reported dahil sa paninigarilyo sa loob ng klase, pagsagot sa mga teachers, pagtulog sa klase at hindi pagpasok pero nakatambay lang sa field."
"Oh, 14 times na bakit hindi pa ito nakarating sa magulang niya?" Takhang tanong ni Kleo.
"Maraming beses na pero laging sinasabi ng magulang niya na pagtiisan na lang dahil patapos naman din ang school year," saad ni Wrenz.
"Pero kahit ganiyan si Astrea matalino siya." Napatingin kami kay Riaz.
"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kleo."Oo, naging kaklase ko siya noong 1st year, lagi siya pambato sa mga math quiz bee at iba pang contest na pwede salihan," aniya ni Riaz.
"Anong nangyari?" Kuryos na tanong ni Wrenz.
"Isang araw nakita ko na lang siya naninigarilyo sa may field kung saan siya mahilig tumambay ngayon, bandang hapon iyon." Napansin ko na may malungkot na ngiti si Riaz.
"Duon nagsimula ang lahat?" Pagkukumpirma ni Kleo.
"Oo, sa tingin ko? Matapos ko makita siya ay lumayo na si Astrea sa lahat. Hanggang sa kalagitnaan ng 2nd quarter dumating sina Ashirina at Aphra simula noon ay lagi na sila magkasama," mahabang salaysay niya.
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...