Jai
Lunes na naman at natapos na ang masasayang araw namin nakasimangot ako nakasunod sa mga kaklase ko na papuntang classroom. Muli ko na aalala nawala pala si Sigiero noong sabado, saan kaya nagpunta ang lalaking iyon? Napahawak ako sa aking baba habang nag-iisip napahinto ako nang makita ko siya sa may tapat ng hagdanan, mabilis ako lumapit sa kaniya para tanungin ko saan siya nagpunta.
"Huli ka balbon!" Panggulat ko pa sa kaniya.
"A-ano ba!" Inis niyang wika.
"Anong ano ba? Ikaw ha noong nakaraan sabado nawala ka saan ka nagpunta?" Pangiintriga ko pa.
"W-wala," utal niyang sagot.
Tinignan ko siya ng seryoso at pilit niya ako iniiwasan ng tingin, may kakaiba talaga dito sa taong ito. Hinabol ko pa ang mga mata niya ngunit hindi talaga nakikipagtitigan sa'kin, lumingon ito sa kaliwa at ganoon rin ginawa ko.
"Jai ano ba!"
"May mali kasi," naiinis na sagot ko.
"Anong mali?" Takhang tanong niya.
"Para ka kasing good mood parang noong nakaraan lang ay para ka binagsakan ng mundo ngayon naman kumikislap ang mga mata mo umamin ka nga." Inakbayan ko ito.
"Anong aaminin ko?"
"Siguro may chicks ka 'no?" Pagkukumpirma ko pa.
"A-anong chicks? Manok?"
"Sigiero naman!" Mahina ko siya hinampas. Kahit kailan talaga ang manong nito, walang alam sa mga slang words.
"Chicks, jowa, bebe, girlfriend, kafling o kung ano tawag duon sa madaling salita may babae ka ba?" Tuloy-tuloy na sabi ko.
Inalis niya ang pagkaka-akbay ko sa kaniya at sinamaan ako ng tingin, pinagpagan niya ang sarili at umayos ng tayo. "Wala at saka malabong makaganoon, kung ano-ano iniisip mo," sagot niya pa.
Magtatanong pa sana ako nang marinig na namin ang tunog ng bell ng school kaya napagdesisyunan na namin pumasok na sa unang klase namin, hindi ako papayag na matapos ang araw na ito ng hindi nalalaman kung ano ba ang naging dahilan kung bakit biglang nawala si Sigiero noong sabado.
Sa unang asignatura ay wala naman masyado ginawa, pinaalalahanan lang kami na papalapit na ang pagsusulit namin dahil 2nd quarter nakakaramdam na naman ako ng matinding kaba sa pag-aaral. Sinilip ko si Sigiero at ngayon naman ay nakatuon ang kaniyang atensyon sa pagbabasa. Mula ulo hanggang paa ay kilala ko ito at malabo talaga na may isang bagay ako na hindi alam sa kaniya.
"Alam mo kanina ka pa nakatingin kay Sigiero." Napalingon ako sa gilid ko at tumambad sa'kin si Aina, isa sa mga kaklase ko dito.
"Psh, may inaalam lang ako," sagot ko.
"Oh? Ano naman iyon?"
"Chismosa," pang-aasar ko.
"Alam ko, kaya sabihin mo na 'wag kang pabitin!"
"Eto na nga!"
"Noong nakaraan kasi nagpunta kami ng book fair tapos hindi ko namalayan na nawala pala si Sigiero tapos hindi na bumalik, hindi rin sinagot ang tawag at text ko si Shai pa ang nagsabi na nakauwi na siya. Hindi naman ganiyan 'yan e, kaya pakiramdam ko may bago at mali talaga," Mahabang salaysay ko.
"Sabagay may punto ka, pero what if..."
"What if ano?"
"What if may secret lover si Sigiero?"
"Alam mo naisip ko rin yan" Tinignan ko siya at seryoso kami nagtitigan.
"Tapos..."
"Tapos ano? Wag ka nga pabitin!"
BINABASA MO ANG
Urong Sulong
Romance"Sindihan mo ang sigarilyo..." Hindi inaasahan ni Sigiero na sa tatlong salita ay babaliktad na ang mapayapa niyang mundo. Ating kilalanin ang dalawang magkaibang tao na pagtatagpuin ng tadahana upang may matutunan sa isa't-isa. Sa mundong puno ng...